NAPADILAT ako ng mata nang may naramdaman akong tumapik sa balikat ko, unti-unti, hanggang sa nakita ko na ang nakatayong si Ara sa gilid ko. Confusion washed over me as I glanced around and recognized the sterile surroundings of a hospital room.
I tried to stand up, pero kumulubot ang mukha ko nang sumakit na agad ang ulo ko hindi pa man ako nakakatayo.
I felt Ara's hand holding my shoulder. "Huwag mong pilitin ang sarili mo, Trisha. Higa ka lang, alam kong masama pa ang pakiramdam mo."
"Si Apollo..." tanging nasabi ko at sinubukang tumingin ng diretso sa mga mata niya.
Napasinghap ito. "Nakita kitang nakahandusay sa baba ng hagdan niyo. Walang malay. Don't tell me..." Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Did he do this to you?"
Agad akong umiling. "N-No."
Nang dahil sa tanong niya, naalala ko kaagad ang nangyari kanina. Ang pambubugbog, pagsabunot, at pagsampal sa'kin ni Apollo... oo, magagawa niya ang lahat ng 'yon, pero ang ihulog ako sa hagdan? Hindi... hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Kahit sabihin ko pang ako ang pinaka-kinaaayawan niya, hindi niya magagawa 'yon.
"Siguraduhin mo lang, Trisha, kundi, mapapatay ko ang hayop na 'yon," pagpipigil niya ng galit pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Lost in my thoughts, I was staring blankly into space until I felt her warm hands gently holding my right hand. It made me look at her. Ang kaninang matigas niyang ekspresyon ay napapalitan ng malambot at malumanay na pagtingin.
"Trisha... there's one thing I need you to know. Kaya ko rin binalak na pumunta sa bahay niyo dahil dito." I raised my eyebrows at her, waiting for her to continue. "Si Lander—"
Pero hindi na naituloy ni Ara ang sasabihin niya dahil sa malakas na pagkalabog ng pinto ng kwarto. Napatingin kami roon at nakita ko kaagad si Lander na hingal na hingal habang seryoso akong tinitignan.
Hanggang sa naglakad na siya papunta sa pwesto ko at hinawi ang bawat hibla ng buhok ko.
"Ayos ka lang?" batid ko ang pag-aalala niya at pagkabalisa sa boses niya.
Tumango agad ako. Until, suddenly, I remembered the picture that made Apollo do this to me. Lander and I... we were kissing in that picture. But that was all in the past, when we were still together, and now I couldn't help but wonder who had sent that old photo to Apollo.
"Lander, I thought ngayon na ang flight mo?" biglang tanong ni Ara pero parang hindi ito narinig ni Lander at nanatiling nakatitig lang sa'kin.
Flight? Papunta saan? Aalis na siya dito? Bakit wala man lang siyang sinabi sa'kin?
"Ano na naman bang ginawa sa'yo ng Apollo na 'yon?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Lander.
"A-Aksidente lang. Don't worry," I stuttered.
I had to lie.
He held my hand, taking a deep breath, clearly unsure of what to do. Tumingin ako kay Ara na nakatingin lang din sa'kin.
"Can you give us a second?" ani ko. Nagulat siya dito pero agad ring tumango.
Batid ko ang pagtingin sa'kin ni Lander nang sabihin ko iyon, pero nakatingin lamang ako kay Ara hanggang sa naglakad na ito at lumabas na ng kwarto. Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto ay tsaka ko pa lang tinignan si Lander.
"What happened, Trisha? 'Yung totoo." tanong niya. Siguro'y hindi siya naniwala sa sinabi ko kaninang aksidente lang, kaya wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanya.
"M-May nakitang picture si Apollo. Picture nating dalawa, habang naghahalikan. I'm not pointing you out, but by any chance, may kinalaman ka ba?"
Si Lander lang ang kasama ko sa picture na 'yon, hindi naman sa siya agad ang sinisisi ko na nagpakita kay Apollo ng mga litrato, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong tanungin siya.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomanceTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...