Chapter 17

2.3K 34 1
                                    

"CASE no. 426738. People of the Philippines versus Apollo John Felizar for the crime of Murder and Violence Against Women."

Nakatayo ako sa harapan, hinihintay ang susunod pang sasabihin ng babae. Ramdam ko ang tensyon sa likod ko pati ang galit na presensya sa akin ng ama ko, pero paunti-unti, nawawalan na ako ng pake sa kanya. Ayos lang na magalit siya, ayos lang na magwala siya, ayos lang na sigawan niya ako. Handang-handa na ako.

Nararapat lang sa'kin 'to. Kahit ano pang sabihin niya, nararapat pa rin akong ikulong sa mga ginawa kong pang-bababoy kay Trisha, at sa pagpatay sa sarili kong anak.

"Considering the testimonies of the witnesses of both parties and after thorough examination of the facts and circumstances, the accused Apollo John Felizar is found guilty beyond reasonable doubt. Case closed."

And by that, I can feel the cheering of the people at my back. And I know that she's one of them. She's happy with the result, and that's making me happy, too. She already has her justice, hindi ko ipinagkait sa kanya. At sobrang saya ko na sa kaisipang iyon.

I turned my back on the judge as she made a sound with the gavel. Pagka-harap ko pa lang, kitang-kita ko na kung paano siya umiyak sa upuan niya. Not because of sadness, but because of happiness and contentment.

At once, I made her happy.

Tumingin ako kila Dad, at isang malakas na sampal ang biglang dumapo sa mukha ko kaya napatagilid ang ulo ko.

"I'm so disappointed of you, Apollo. Hinding-hindi na kita titingalain bilang anak, wala akong anak na isang kriminal," galit niyang wika habang nanlilisik ang mga mata niya sa'kin.

Bakit? Kailan mo ba ako tinuring na isang anak?

Tinalikuran na niya ako at umalis na sa loob ng korte. Tsaka ko pa lang naramdaman ang paghawak sa akin ng mga pulis at ang pagtangay na nila sa akin palabas ng korte.

I'm just following the policemen until we are already here at the door. I tried to look back, to glance at Trisha, but my heart immediately shattered when I saw how he is hugging my girl.

I looked back at the door, waiting for them to open it. I lowered my head when I felt something that's about to come out inside my eyes. Hanggang sa nakalabas na kami.

Sunod-sunod ang lakad namin, at sa bawat paghakbang ko... hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pangyayari ngayong araw. I want to hug her, too. Because I know that this is the last. Hindi ko na siya ulit makikita, gusto kong gawin ang lahat sa araw na ito. Gusto kong makita siyang nakangiti man lang. Pero sino nga namang niloko ko? Siyempre, hinding-hindi ko makikita ang ngiti niya. Nasa harapan mo ba naman ang taong kinasusuklaman mo, ngingiti ka pa ba? Hindi, dahil takot ang mararamdaman mo. Takot na sa akin ang asawa ko.

Napabalik ako sa realidad nang nasa hagdanan na kami papalabas. Hanggang sa nandidito na kami sa pinakalabas at papasok na sa kotse ng mga pulis.

Binuksan na ng isa ang pinto ng back seat at pinasok na nila ako tsaka sila pumasok sa harapan at pinaandar na ang makina. Nakatingin lamang ako sa bintana habang kasalukuyan na nilang pinapaandar ang kotse. I looked up to see the sky, with hope that he's seeing and hearing this.

Anak, patawarin mo ang Daddy, ha? Hindi ko ginusto ang nangyari sa'yo, pangako. Hindi ko ginustong malagutan ng hininga ang sarili kong anak nang dahil sa kagagawan ko. Masama akong ama, pero hindi kita kayang makitang nasasaktan, anak. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal ka ni Daddy, lagi mong tatandaan 'yan. Mahal na mahal ko kayo ng Mommy mo. Pasensya na, anak, kung ngayon ko lang napagtanto ang lahat.

Maya-maya pa, ramdam ko na ang biglang paghinto ng sasakyan. Napatitig ako sa nasa harapan namin, at naririto na nga kami sa bilibid. Lugar ng mga mapapanganib. Agad nang binuksan ng pulis ang pinto at nilabas na ako. Hinawakan nila ang dalawang braso ko tsaka ako mabilis na pinaglakad papuntang loob.

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon