"PASOK ka na. Good boy dapat, ah," paalam ko kay Liam nang makarating na kami sa school niya.
Tumango ito at nginitian ako. "Babye po!" He waved his hands and turned his back on me.
Nang masigurado kong nakapasok na siya sa room nila, tumalikod na ako at naglakad na. Nag-abang na ako ng jeep at nang makasakay na, nagbayad na kaagad ako.
Dala-dala ko ang baon ni Apollo na nakalimutan niyang dalhin kanina. Ewan ko ba kung bakit nagmamadali siya kanina at ang aga-aga niyang umalis. I tried to check if he still had a fever, pero hindi ko na nagawa dahil ang bilis niyang kumilos.
Naisipan ko na lang na gawan siya ng pinagsama-samang masusustansyang pagkain. Alam kong stressed siya sa kumpanya nila, idagdag mo pa na nagkasakit siya. Alam kong mahihirapan siya kaya ginawa ko 'to.
I wanted him to understand the depth of my love in the simplest manner possible. And as his wife, preparing food for him was one of those uncomplicated ways to show how much I truly cared.
"May I help you, Ma'am?" Apollo's secretary asked while she sat on a swivel chair.
"Is Mr. Felizar here right now?"
"May appointment po ba kayo with him?" tanong pa niya kaya agad akong umiling.
"Wala."
"I'm sorry, Ma'am, but—"
"I'm his wife," pagputol ko na agad nagpalaki ng mga mata niya.
Agad itong tumayo sa swivel chair at yumuko sa harapan ko. "Naku, sorry po. Sorry po talaga, h-hindi ko po alam," paumanhin niya at sunod-sunod pang yumuko.
"It's okay. Nasa loob ba siya ng office niya?" tanong ko kaya tumigil na siya sa kakayuko at diretso akong tinignan.
"Y-Yes po. I can accompany you—"
"No." I smiled at her. "...thanks."
Naglakad na ako palayo sa kanya at dumiretso na papuntang 2nd floor sa office niya. Pero sa gitna ng paglalakad ko, pansin ko ang pagtingin ng mga empleyado sa'kin. At rinig ko rin ang pagbubulungan nila.
"Asawa niya 'yan?"
"All this time... may asawa pala si sir."
"I can't believe it. Balak ko pa namang akitin si Sir pero huwag na lang."
"Nako, huwag mo nang balakin. Wala ka nang laban sa hitsura pa lang."
"Kung siya 'yung asawa... e, sino 'yung..."
Napairap na lang ako sa kawalan at mas minabuting huwag na lang silang pansinin at magpatuloy na sa paglalakad.
Yes, you're right. Hindi nila alam na may asawa na si Apollo. Hindi naman sa tinago ni Apollo. Sadyang hindi lang ako pumupunta dito kaya lingid sa kaalaman nilang may asawa siya. Hindi rin nasasabi ni Apollo sa kanila ang tungkol doon, siyempre, he's not proud of having me in his life.
Mas proud pa siyang sabihin na ang asawa niya ay ang Anne na 'yon kaysa sa'kin.
Pero... sa nakalipas na araw, wala na akong natatamong suntok sa kanya. Wala na. Siguro, unti-unti nang lumalambot ang puso niya. Dapat na ba akong maging kampante sa inaakto niya?
Was that a sign?
Naririto na ako sa tapat ng pinto ng office ni Apollo at pipihitin na sana ang doorknob nang may maramdaman akong kakaiba.
My mind was urging me not to open the door, but my body was compelled to do so. I wanted to see his face and for him to taste what I had prepared.
May nararamdaman akong hindi maganda, pero hindi naging dahilan iyon para hindi ko buksan ang pinto.
And as I swung it open, my eyes widened in shock.
No... it wasn't a sign.
Parang tinutusok ng libo-libong kutsilyo ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Nawalan na ng lakas ang mga kamay ko kaya bigla kong nabitawan ang dala-dala ko kaya napatingin sila sa'kin.
Si Apollo... at si Anne. Naghahalikan.
"Oops, I think she saw us," biglang sambit ni Anne at sarkastikong tumawa.
She was wearing a tight-fitting red cocktail dress that emphasized her ample cleavage. She was the same as ever, still flirtatious.
Tumingin ako kay Apollo at kita ko kung paano manlaki ang mga mata niya habang diretsong nakatingin sa'kin. Hindi malaman kung anong gagawin.
I faked a smile. "S-Sorry, naistorbo ko yata kayo," I said then walked away.
Naglakad-takbo na ako habang ramdam ko na ang mga namumuong luha sa mata ko. Kita ko kung paano magtinginan ang mga tao dito sa loob ng kumpanya sa bawat hakbang ko. Nang makalabas na, doon ko na nabuhos ang lahat.
I shouldn't have gone there in the first place.
Kaya pala siya nagmamadali. Dahil sabik na sabik na niyang makita ang babaeng 'yun. Sabik na sabik na niyang makita ang totoo niyang mahal.
Tumakbo na ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang, umiiyak ako. Nanghihina na ako at gusto nang bumigay ng dalawang tuhod ko.
Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa. Bumigay na ang dalawang tuhod ko at inaasahan kong mahuhulog na ako sa sahig, pero hindi.
May biglang kamay na humawak sa'kin at kinulong ako sa mga bisig nito.
"Shh... don't cry... I'm here," pagpapakalma sa'kin ng lalaking niyakap ako. At sa tono ng boses niya, alam kong si Lander ito.
Hindi ko na nakayanan pang ipagtulakan siya. Umiiyak lang ako ng umiiyak sa balikat niya habang marahan niyang sinusuklay ang buhok ko. Sa bawat luha ko, doon ko nailalabas ang sakit at ang hapdi ng nakita ko kanina.
'I badly want to see you again.'
So that was the meaning of it. Ang makipaghalikan sa loob ng kumpanya. Apollo naman. Hindi pa ba ako sapat? Ginawa ko ang lahat, ilang ulit akong nagsakripisyo.
Bakit siya ulit?
"Trisha, what happened—" Napatigil ito. At laking gulat ko nang bigla na lamang itong napahandusay sa sahig kaya napabitaw ako ng yakap sa kanya.
May humigit sa braso ko. "Bro, this is my last and final warning. Huwag mo na ulit hawakan ang asawa ko," sambit ni Apollo.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nabigla na lang ako nang tumayo si Lander at sinuntok rin si Apollo kaya napahawak na lamang ako sa bibig ko.
"Kapal rin ng mukha mo, 'no?! Matapos mo siyang saktan at paiyakin, tatawag-tawagin mo siyang asawa mo! Gago ka pala e!" sigaw ni Lander na may dugo na sa labi.
"T-Tama na!" Sinubukan ko silang pigilan pero walang talab.
Agad tumayo si Apollo at kita ko rin ang sugat nito sa labi. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa habang hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin.
Hanggang sa napatingin ako kay Apollo nang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Mahal mo 'ko, 'di ba? Kung talagang mahal mo ako, sumama ka sa'kin. Let's go home, and we'll talk about what you saw," mahinahon nitong saad tsaka nauna nang naglakad palayo. Na parang siguradong-sigurado na siyang sasama ako sa kanya.
Tumingin ako kay Lander at kita ko ang nangungusap niyang titig sa'kin.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Trisha, p-please. I can't stand seeing you with that man. He will just hurt you," pakikiusap nito na nagpatitig lang sa'kin sa mukha niya.
Alam kong mahirap sa parte niya ang paulit-ulit akong kumbinsihin. Kitang-kita ko ngayon kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon ko. Kita ko ang sakit sa mga mata niya, at alam ko ang pakiramdam no'n dahil araw-araw akong nakakaramdam ng ganoong klaseng pakiramdam.
Pero, "I'm sorry." ...inalis ko na ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya at naglakad na papalayo sa kanya.
I'm sorry, Lander. I'm really sorry.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomanceTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...