TRISHA'S POV
AFTER talking to Apollo, we're now walking to the cemetery because I want to visit my son. My beloved son who didn't deserve any of this.
"Tita Trisha," tawag ni Arabella kaya napababa ako ng tingin. "Bakit po sinabi niyong anak niyo ako? Kayo na po ba Mommy ko?" tanong niya.
I sighed.
"No, it was just my technique to get away with that man. Don't worry, Mommy mo pa din si Ara," paliwanag ko tsaka tumingin kay Ara at kay Lander sa gilid ko.
I was shocked when he thought Arabella is my child. Pero buti na lang at naisip niya 'yon, napadali ang pagpirma niya sa mga papeles.
Inaamin kong... may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. The way he smiles, his face, the way he speaks, I admit that I miss it all. Pero hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako magpapakatanga. I already experienced the worst, I think I deserve to experience the best. And that is not having him beside me.
Nang nasa puntod na kami ay inilapag ko na ang isang-dosenang bulaklak na dala ko. Tumayo muli ako at tinitigan ang puntod ng anak ko.
How I wish I can still see you smile, Liam.
"Hi, Liam." I removed my shades. "It's been years, and I don't think I can move on anymore. Anak, I know that you're happy up there. So, please, just continue to be happy. Because that's what you deserve to have."
I can feel my tears, they're now slowly coming out, ruining my make-up. Kasabay no'n ang paghawak sa akin ng isang tao sa balikat kaya napatingin ako doon, and it was Lander trying to comfort me with his smile. Ngumiti rin ako sa kanya at tumingin muli sa puntod.
"P-Pabayaan mo na si Mommy dito dahil a-ayos na ayos ako. Patawad din dahil h-hindi ko na mabibigyan pa ng isang pagkakataon ang Daddy mo. Mahal ko siya, pero mas mahal kita, anak. And I will never do the same mistake I did before. Mahal na mahal kita, Liam. Always remember that," pagtatapos ko bago ko maramdaman ang pagyakap sa akin ng tuluyan ni Lander at ang pagsuklay niya ng marahan sa buhok ko.
"It's time to go, Trish," aniya, kaya agad akong tumango.
Muli muna akong tumingin sa puntod ni Liam, "Paalam, anak." ...bago ako tumalikod at maglakad papalayo.
Nakita ko kaagad si Ara na tipid na nakangiti sa akin habang hawak-hawak si Arabella. Naglalakad na kami papalayo habang ramdam ko pa din ang bisig ni Lander sa balikat ko. Pahigpit ng pahigpit na parang ayaw akong pakawalan.
Pupunta na ako sa New York. Iiwan ko na ang buhay ko dito. I will live there for good. It's time to start another season of my life, without them.
Sumakay na kami ng sasakyan at pinaandar na ito ni Lander. Nagmamaneho lamang si Lander habang ako ay nakatingin lamang sa bintana. Hanggang sa naramdaman ko ang init ng kamay ni Lander na hinahawakan ang kaliwang kamay ko. Tumingin ako sa kanya na nakangiting sumulyap sa akin bago ibaling muli ang tingin sa daan.
Maya-maya pa, nandidito na kami sa airport. Dala-dala na ni Lander ang dalawang maleta ko at nang nasa loob na kami, tumingin na ako kay Lander.
"Salamat," ani ko. Akmang kukunin ko na ang mga maleta ko nang bigla niya itong inilayo.
"I will miss you, Trisha," malungkot na sambit niya.
"Ako din, Trisha. Sobra. Si Arabella din," usal naman ni Ara sa nangungulilang tono.
Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Napatitig lamang ako sa mga mukha nilang hindi maipinta dahil sa sobrang lungkot.
Sobrang swerte ko sa kanila. Si Ara, na palaging nandyadyan sa oras na kailangan ko siya. Si Lander, na suporta sa mga desisyon ko... kahit hindi ko siya nagawang mahalin higit pa sa pagkakaibigan, tinanggap niya pa rin ako ng buong-puso. I'm so lucky with these people, but I really have to go.
"I will miss you guys, too. Pero kailangan. Don't worry, I'll visit you guys here when I have time. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan," I assured them and took my two luggage to Lander. Hindi na siya umangal pa at binigay na sa akin.
"Bye. I love you both," panghuli kong saad sa kanila bago ko iwinagayway ang kamay ko. Tumingin muna ako kay Arabella bago magpatuloy. "I love you, Arabella. Makinig lagi kay Mommy Ara mo, ah?" saad ko na nagpatango sa kanya.
"Opo! Promise po!" aniya na nagpangiti sa akin.
Muli akong tumingin kina Ara at Lander... tsaka ako tumalikod at maglakad papalayo. Suddenly, my tears are again falling one by one, it's not stopping. And what I can only do is to secretly wipe these tears away with my arm.
Hanggang sa nakapasok na ako sa maliit na espasyo kung saan naroroon na ang eroplanong sasakyan ko.
I will miss them, but I have to do this. To get away with my painful memories, to not cry again with the same and wrong person, and to be the strongest version of myself.
Ayun ang gagawin ko, at sinisigurado kong mapagtatagumpayan ko ang lahat ng 'yon.
I was once a battered wife. I was once a stupid woman. I was once a woman who would still accept you even if hurting me is your hobby.
But that was all in the past. It's time... to finally move on.
Hello, New York.
Goodbye, memories.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomanceTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...