Chapter 9

1.9K 37 4
                                    

NASA sasakyan na ako ni Apollo at tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Nag-aalangan pa akong pumasok kanina sa kotse niya, dahil unang beses 'to. Mahigpit niyang ipinagbabawal sa'kin ang pumasok dito. Pero siya na ang nagpumilit kaya hindi na ako tumanggi.

Nakatingin ako ngayon sa bintana habang pilit na inaalis sa isipan ko ang nakita ko kanina. I closed my eyes, took a deep breath, and slowly opened it.

Pansin ko sa gilid ng paningin ko ang paulit-ulit na pagtingin sa'kin ni Apollo tapos titingin na naman sa daan. Hindi ko matantya kung anong klaseng titig ang ginagawa niya. Binabaliwala ko na lang, baka masigawan ko pa siya dahil sa namumuong galit na nararamdaman ko.

Makaraan pa ang ilang sandali ay nasa tapat na kami ng bahay. Hindi pa man siya nakakalabas nang inunahan ko na siya at naglakad na papasok. Ramdam ko ang paghabol niya sa'kin at nang nasa loob na, agad nitong hinigit ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"It's nothing," seryosong sambit nito.

"Huwag ka nang magpaliwanag. Ayos lang, ano ka ba. Normal lang naman sa mga nagmamahalan ang maghalikan," mahinahon kong ani habang pinipigilan ko ang sarili kong lumuha.

Ayoko nang pahabain pa ang pag-uusap namin. Mas lalo lang nitong pinapasakit ang dibdib ko. 'Yung kaisipang lahat ng sinasabi't sasabihin niya ay pawang kasinungalingan lamang. Nasanay na ako. At nasisigurado kong walang bahid ng katotohanan ang mga sasabihin pa niya.

"Huwag ka nang makikipagkita pa sa lalaking 'yon," seryoso ulit niyang saad kaya napuno ang isip ko ng kaguluhan at katanungan.

Gulong-gulo na ako. Ayaw na ayaw mo akong nakikipagkita kay Lander, pero todo lapit ka naman kay Anne. Bakit? You always keep on dictating me what to do, but you never apply the same rules to yourself. Why are you being so unfair, Apollo?

"Hindi na. Hinding-hindi na. But do me a favor." I stopped as I look straight at his serious face. "Huwag na huwag ka na ring makikipagkita sa Anne na 'yon," I added that made his eyebrows met.

"Ano?" aniya sa naguguluhan na tono.

Sunod-sunod akong napatango, "You can't. Oo nga naman, mahal mo e. I'm so stupid to ask that. You love her, and you continue to love the woman who's only after your company!" I couldn't contain myself and ended up shouting.

Every day I spend with him, I remain silent. Because I know he won't believe me. But now is the time for him to know the truth. Regardless of whether he believes me or not, at least I've done my part.

Biglang naging blanko ang ekspresyon niya, at alam kong nagpipigil na siya ng galit ngayon.

"Anong sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?! I don't understand—"

"I can't understand you, either. Hindi ko maintindihan kung bakit mahal mo pa rin ang gold digger at walang hiyang Anne na—" naputol ang sasabihin ko. At namanhid ang mukha ko nang malakas niyang inilapat ang palad niya sa pisngi ko.

Kasabay no'n ang tuluyan nang paglabas ng mga luha ko.

"Tangina, ang lakas na ng loob mong magsalita ng ganiyan, ah. Bakit? Ano na bang ipinagmamalaki mo?! Sino ka ba para sabihin 'yan?!" galit na galit niyang sigaw.

I wiped my tears away with my arm and tried my best to look at him. "I'm your wife." I immediately turned my back on him and walked away.

Umakyat na ako at agad nagkulong sa kwarto ko. Hiniga ko ang sarili ko sa kama at niramdam na lang ang balde-baldeng luhang nilalabas ko.

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Masakit, galit, lungkot, at dalamhati. Naghahalo na. Hindi ko na makayanan. Nanghihina na ako. Akala ko... nagbago na siya. Akala ko... may napagtanto na siya. Akala ko... hindi na niya ulit ako pagbubuhatan ng kamay.

But I guess, it was just me imagining the impossible.

Hindi ko na namalayan na sa bigat ng nararamdaman ko ay nakatulog na pala ako. I only woke up when I heard someone knocking on the door.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at napaupo kaagad ako sa kama nang nagbukas ang pinto at iniluwa no'n si Liam. Na may dala-dalang tray ng pagkain.

Hindi ko siya nasundo. Sinong nagsundo sa kanya?

"Good evening, Mommy," aniya nang nakaupo siya sa kama. Inilagay niya ang tray sa harapan ko at tsaka ako muling tinignan.

"Are you okay?" tanong niya.

Wala akong nagawa kundi ang mapatitig lamang sa seryoso niyang mukha nang sinabi niya 'yon. Kinakapa ko pa ang mga sasabihin ko nang bigla itong umiling.

"Who am I kidding? Of course, you're not okay."

Agad akong umiling, "I'm going to be okay," I assured him and held his face.

I'm going to be okay, Liam. As long as I have you with me. As long as you're breathing, I'm okay. Hinding-hindi ako susuko dahil alam kong nandyadyan ka at mahal na mahal ako.

"Pasensya na, Liam, hindi kita nasundo. Sinong nagsundo sa'yo?" tanong ko.

"Si Dad po," tanging wika niya. Mabagal akong napatango at sinubukang ngumiti tsaka napatingin sa tray.

"You did this?" mangha kong sambit nang makita ko ito ng masinsinan.

It had a plate with a cup of rice, two bacon, two eggs, and a ketchup. It was so cute. Naka-smiley face ang mga itlog pero halatang nanginginig pa ang kamay ng gumawa nito dahil sa tabinging ketchup na ginawang labi at mata. But I really appreciated the effort, especially because my son did this.

"Yes, Mommy. Pasensya na po kung panget," paumanhin niya kaya mahina akong napatawa at napailing.

"No, it's cute. Thank you, Liam." I leaned my face to him and kissed his forehead.

I started eating, while he was just in front of me, looking at my mouth's every chew. Hindi ko mapigilang mapangiti sa inaakto niya. Bata pa lang siya, pero ganito na siya kaprotektado sa'kin. I wondered what it would be like when he grows older. I hoped he would continue to show this caring attitude. Gagawin ko ang lahat para lumaki siya ng maayos kahit ganito ang pamilya namin.

Pangako.

Nang matapos na ako ay pinainom na niya ako ng tubig. Diretso niya akong tinignan at ngumiti.

"Tulog ka na po ulit. I love you, Mommy," aniya at tumayo na.

"I love you, too. Magpahinga ka na rin, hm?" ani ko na agad naman niyang tinanguan.

"I will, Mommy. Bye po!" Iwinagayway na niya ang isang kamay niya habang bitbit ang tray.

Pinagmamasdan ko lang siyang maglakad at nang nasa pinto na siya, binuksan na niya kaagad ito at humakbang na papalabas. Pero bago pa man siya makalabas ng tuluyan ay tumingin muna ito sa'kin.

"I don't want to lie, Mommy," he said, furrowing my brow in confusion.

"About what?"

He sighed. "Dad made this." His words caused my eyes to widen in surprise. After saying that, he quickly left the room and closed the door behind him.

What the?!

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon