HINDI magkamayaw ang nararamdaman ko. Parang tinutusok ng paulit-ulit ang puso ko habang nakahiga si Liam sa isang kama habang nakapaligid sa kanya ang mga nurse at Doctor at tumatakbo. Habang ako ay paika-ika ang lakad dahil hindi pa gaanong magaling ang kanang paa ko.
Ang pagmasdan ko ang anak kong nakahiga at walang malay... para na akong pinapatay. Gusto nang bumigay ng dalawang tuhod ko, pero nilakasan ko ang loob ko at mabagal na naglakad papuntang upuan at umupo. I will wait, I will wait for his recovery. Alam kong makakayanan niya 'to... alam ko. Kasi nanay niya ako. Alam ko.
Ramdam ko ang paghimas nila Ara at Lander sa likod ko, sinusubukang pakalmahin ako habang ako ay hindi mapigilan ang sarili sa pagluha.
Magiging maayos din ang lahat.
Suddenly, I saw Lander knelt in front of me, giving me a reassuring smile. "It's going to be okay. Liam is strong. He will surely get through this," he said calmly. I nodded, trying to believe his words.
"Yes, I know... he wants to be a doctor someday. There's no way he can't fight this," I whispered, attempting to console myself.
Pinupunasan ko na ang mga luha ko pero may kaunti pa ring lumalabas, hanggang sa naramdaman ko ang mainit na bisig ni Lander sa katawan ko. Hindi ko siya magawang yakapin pabalik, hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Ramdam ko pa rin ang kamay ni Ara sa likuran ko tsaka ito biglang nagsalita.
"Nahuli na siya ng mga police, Trisha. Bukas na bukas, pagkatapos niyang tanung-tanungin, ita-transfer na sa presinto si Apol—"
"Don't... say his name again. I don't want to hear that name ever again." Tumatayo ang balahibo ko kapag pumapasok sa isipan ko ang pangalan niya.
Napakasama niya. Walang katulad ang kasamaan niya! Sana ako na lang! Sana ako na lang at hindi sinangga ni Liam! Sana ako na lang ang nakahiga at inooperahan! Sana hindi na lang ang anak ko.
He was pure evil, and I regretted not leaving him sooner, not seeing the monster he truly was. Iniwan ko na dapat siya. Sana noong nahuli ko sila ni Anne, doon pa lang ay iniwan ko na siya. Para hindi na nangyari ang lahat ng ito. Para hindi na nahihirapan ang anak ko.
"Tita and Tito are coming. I texted them," paalala ni Ara at tsaka siya lumuhod sa harapan ko.
Napabitaw sa akin si Lander kaya natitigan ko si Ara na inihaharap ang kamay niya sa akin.
"Liam gave this to us," aniya at doon ko lang nakita ang bracelet na gawa sa santan na naka-suot sa kamay niya. "Gusto niya raw magpasalamat sa'min. He's such an amazing kid, Trisha. So don't give up, malalabanan niya 'to," pagpapakalma niya sa'kin kaya napatango na lang ulit ako.
Sakto namang may sumulpot na isang babae at isang lalaki sa gilid ko na balisang-balisa at parang may hinahanap.
I struggled to stand, managing to do so just as they noticed me. Tears welled up in their eyes at that moment.
"Trisha, anak," ani Mama at agad akong nilapitan at niyakap. Ginantihan ko siya ng isang mahigpit na yakap tsaka ko nakita si Papa na sobra-sobra ang lungkot ng mukha.
"Mommy... si Liam po," naiiyak ko na namang sambit.
"Shh... everything's gonna be okay. Malakas siya, Trisha, malakas ang anak mo. Malakas ang apo ko," paulit-ulit na pagpapakalma ni Mama. Wala akong ibang magawa kundi ang tumango sa bawat sinasabi niya.
Ilang sandali pa ay bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin. Kaya napatingin ako kay Papa na agad akong niyakap. Niyakap ko rin siya at pinipilit na wala nang luhang lumabas sa mga mata ko.
"I'm sorry, Trisha... hindi ko na dapat pinagkatiwalaan ang lalaking 'yon. Napansin ko na dapat na may mali. I'm really sorry," aniya na nagpailing naman sa akin.
"Pinili ko pong huwag sabihin, p-pero hindi na po ngayon. Hinding-hindi na po ako babalik sa kanya. Makulong man siya o hindi, hinding-hindi na. Tapos na akong magsakripisyo," mapait na wika ko tsaka ko inalis ang pagkakayakap ni Papa.
Naramdaman ko ulit ang kirot ng paa ko kaya agad akong napaupo sa upuan. Naghihintay na lang akong may lumabas sa kwarto kung saan inilagay si Liam habang paulit-ulit akong pinapakalma ng mga taong malalapit sa akin.
I was trying to convince myself that I shouldn't have to worry about it. But seeing those blood in Liam's mouth and chest, I was going to die because of my worries. Halo-halo na ang iniisip at naiisip ko, hindi na kaya ng utak ko. Para na itong sasabog. Katulad ng puso kong sobra-sobra na ang sakit at hindi ko na makayanan.
I loved Liam dearly, so much that I couldn't imagine living without him. He was my inspiration... siya ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko at pursigido akong kumapit.
I intertwined my fingers, praying desperately for my son. Lord, please, kahit ngayon lang po Ninyo tuparin ang kahilingan ko. Sana po, wala na pong mangyaring masama kay Liam. Keep Liam safe and stable. I love that child beyond words, Mahal na mahal ko po ang batang 'yon, hindi ko na po alam ang gagawin ko kapag wala na siya sa piling ko.
Lord... hindi ko po kayang mabuhay nang wala ang anak ko, so please, let him live.
May narinig akong tunog ng bumubukas na pinto kaya napatingin ako sa pinto ng kuwarto ni Liam. At lumabas na nga ang Doctor. Kaya kahit mahirap ay pilit akong tumayo habang ramdam ko ang pag-alalay sa akin ni Lander sa gilid.
Naglakad na kaming lahat papunta sa Doctor, siya ang Doctor ko rito noon. Inayos nito ang salamin niya at seryoso kaming tinignan isa-isa. I was still praying inside my mind, until he suddenly opened his mouth.
Lord, just this one, please. Grant my wish. Because it's not just a wish, itself my life.
But I guess, the heaven didn't listen.
"Direkta sa puso ng bata ang bala ng baril. Kaya nawalan na siya ng hangin nang makapasok sa hospital. We tried to revive him, but his little body couldn't endure it. I'm sorry. We did everything we could, but... unfortunately, he's gone."
Sa bawat salitang sinasabi ng Doctor, parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. I couldn't resist anymore my tears and just wanted to burst out crying right away. Napaluhod na ako dahil hindi na makayanan ng mga paa kong tumayo dahil sa narinig.
Nawawalan na ako ng lakas.
Nahihirapan na akong huminga.
Para na akong lumuluha ng dugo.
Pero pilit muli akong tumayo. Naglakad ako papuntang loob ng kwarto ni Liam, at agad ko itong nakitang mahimbing na natutulog. Putlang-putla. Hindi ko makayang titigan ang anak ko sa ganitong sitwasyon.
Paika-ika akong naglakad papunta sa kanya, hanggang sa napaluhod na lang ako nang nasa harapan ko na siya.
I held his hand and cried myself out. "A-Anak... m-may pangarap ka pa e. Hindi ba, sabi mo, y-you want to take care of Mommy? Bakit nagkaganito? Ang daya mo naman e. Anak, g-gising ka na, please..." pagmamakaawa ko, pero mas nadagdagan lamang ang hikbi ko nang walang nangyayari. My child still lay motionless.
I was just looking at his calm face while he was already sleeping peacefully. I couldn't believe that it all went to this. He was too young to experience and witness such horrors. He didn't deserve the abuse he endured.
But why did it have to be this early?
He had dreams, not just for himself but for his parents too. He was a great child, he was always making me proud, every single day. Hindi siya nagpapaapekto sa kung anuman ang nangyayari araw-araw sa bahay.
So why him? Why take his precious life and not mine? I was an idiot, he was not. My husband loved him, but not me. So why him?! Why took a precious life instead of a sacred life like mine?!I was lost in my grief until Ara knelt beside me, hugging me tightly. I didn't know what to do. In that moment, I just knew that, it was a mix of my grief, my greatest pain, my sorrow, my regret.
"Anak... m-mahal na mahal ka n-ni Mommy."
It was my lament.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomanceTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...