BINUKSAN ko na ang pinto at agad nang pumasok ng bahay. Kakahatid ko pa lang kay Liam. Pumasok naman si Apollo kanina bago kami umalis kaya mag-isa na naman ako dito.
Hindi ko siya magawang titigan kanina dahil nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Liam kagabi.
"Dad made this."
The thought kept swirling in my head, and I couldn't believe it. Did Apollo really make breakfast for me? But what if Liam was only lying to make me feel better? What if Liam actually prepared it, but he wanted his Dad to be praised?
It's difficult to imagine Apollo doing something like this. Kahit noong kami pa, hindi siya nagluluto ng kahit na ano at gagawa pa ng gano'n ka-effort na plating.
I felt torn between wanting to believe Liam and being cautious not to get my hopes up. Deep down, I wanted it to be true, that Apollo had made this breakfast for me. But my past experiences with him made it hard to fully trust this unexpected gesture.
Napapikit na lamang ako at umiling. Siguro, mas mabuting kalimutan ko na lang.
Naglakad na ako at pumuntang kusina para makainom ng tubig. Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref tsaka kinuha ang pitsel. Marahan ko nang binuhos ang tubig sa loob ng pitsel sa baso at uminom na. Binalik ko na ang pitsel sa ref nang makaramdam na ako ng ginhawa.
Malalim akong huminga.
I need to clean.
Medyo maalikabok na ang ibang sulok ng bahay, dapat ko na itong malinisan. Agad ko nang inayos ang sarili ko at kumuha na ng walis para mawala ang mga kalat. Pagkatapos kong magwalis, kinuha ko na ang basahan para maglampaso. Binasa ko muna ito tsaka lumuhod para mapunasan ang sahig ng kusina at sala.
Punas dito, punas doon. Mag-i-isang oras na ang nakalipas nang matapos ako at tumayo na. I stretched myself. Ang sakit sa likod! Pero okay lang ako, walang-wala ito kumpara sa pambubugbog na ginagawa sa'kin ni Apollo.
Pawis na pawis at pagod na pagod na ako pero kinaya ko pa ring umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para maglinis ng bawat kwarto. Inuna ko muna ang kwarto ko, at nang matapos na, kwarto naman ni Liam. Sinigurado kong bawat sulok ay malinis at napunasan. Baka ang pagiging marumi pa nito ang maging sanhi ng pagkakasakit niya.
After Liam's room, I stopped walking when I'm now in front of Apollo's bedroom.
Ayaw na ayaw niyang pinapaki-alaman ang mga gamit niya, pero wala na akong choice. Kailangan ko ding linisin ang kwarto niya. So without further a due, I immediately held the doorknob and rotated it a bit, and here I am, now inside his room.
I took a deep breath and started cleaning his things one by one. Nilampaso ko muna ang sahig nito tsaka ko pinunasan ang mga figurine. Pagkatapos kong gawin 'yon, napatingin ako sa table niya sa gilid at sa swivel chair nito. Naglakad ako papunta roon at sinimulan na itong punasan.
Ito na lang ang natitira, pagkatapos nito, aalis na ako.
Yumuko pa ako at binuksan isa-isa ang mga drawer nito. Nagbabakasakaling may mga kailangan pang linisin pero mga papeles lamang ang laman nito, dapat hindi ko na paki-alaman.
Pero nanlaki ang mga mata ko, nanginig bigla ang mga kamay ko nang buksan ko ang pinaka-babang drawer... and it had a freaking revolver inside.
Napatitig lamang ako dito at hindi naaalis ang tingin ko. Hindi mapakali ang mga kamay ko, sa kanya ba talaga 'to?
Paanong... paanong meron siya niyan?
Hindi ko alam 'to.
Para saan 'to?
Did he even have a license?
Napaigtad ako at nawala ang paningin ko sa baril nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Umayos ako ng tayo habang ramdam ko pa din ang nginig ng mga kamay ko.
I immediately took my cellphone and it's Ara, calling, so I answered the call.
"H-Hello?"
"Are... you okay?"
Napansin niya yata ang pagkabalisa ko.
"Of course... what is it?" I said, trying to sound calm while my eyes are still on the gun.
"I know you're not okay. I forced Lander to tell me what happened to his lips, so basically, I know everything."
"Y-Yeah..." tanging usal ko.
"Mind if I go there? Kwentuhan ulit tapos yahoo." She chuckled.
"Sure. I'll wait for you." I immediately ended the call.
Inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko tsaka ko tinitigan pa ulit ang revolver.
Until I heard the sound of a car.
Why did he go home so early?
Habang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko ay sinarado ko na ang drawer. Tumakbo ako papuntang labas at agad sinarado ang pinto ng kwarto ni Apollo. Naglakad-takbo ako pero hindi pa man ako nakakapunta sa hagdanan nang bigla ko na siyang nakitang nakaakyat na. Habang galit na galit na nakatitig sa'kin.
Shit! Nakita niya yata na pumasok ako!
Naglakad ako papalapit sa kanya, "A-Apollo... I can expla—" Pero napatigil ako nang bigla niya akong sampalin.
"So totoong nagkita na naman kayo? Huh?! Sagot!" sigaw niya na nagpakunot ng noo ko.
I looked at him, "W-What?" naguguluhan kong tanong. Agad niyang iniharap sa'kin ang cellphone niya, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang picture ko kasama si Lander.
While kissing.
"A-Apollo, hindi 'yan toto—" Napatigil ako at napadaing nang hawakan niya ng mahigpit ang buhok ko.
"Tangina, huwag ka nang magdahilan! Nahuli na kita, Trisha!" Dating-dati pa 'yan, Apollo!
"Hindi na kita maintindihan! Putcha, ako ba ang mahal mo o siya?!"
I tried my best to speak. "I-Ikaw, Apollo." I couldn't anymore endure the pain! It was more than painful!
"Ako? Pero nakikipagkita ka pa sa lalaking 'yon?! Ano?! Iiwanan mo na kami ng anak mo?!"
"A-Apollo—" ...hinding-hindi ko kayo iiwan.
"Sige! Mabuti pa nga!" sigaw niya at tsaka na ako binitawan, pero laking gulat ko nang wala na akong naaapakan at natumba ako bigla sa hagdanan, at nagpagulong-gulong ako hanggang sa naririto na ako sa pinakababa.
Sunod-sunod na ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na nakakayanan ang klase ng hapdi na nararamdaman ng katawan ko. Nanghihina na ako... nanlalambot na ako. Hindi ko na matiis!
Hanggang sa nakita ko ang mga paa ni Apollo na nilagpasan ako at lumabas na ng bahay. But that was the last thing I saw before everything went black.
My vision faded, and I collapsed, losing consciousness. The emotions and turmoil had taken a toll on me, and I couldn't fight it any longer.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomanceTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...