Chapter 2

2.2K 44 6
                                    

NAPAMULAT ako ng mga mata nang biglang may humigit sa buhok ko at agad kong nakita si Apollo na galit na galit na nakatitig sa'kin.

"A-Apollo, n-nasasaktan ako," sambit ko pero hindi pa din siya tumitigil.

"Anong oras na, trisha! alas-singko na! pinerwisyo mo pa 'ko! umalis pa ako ng trabaho para sunduin si liam dahil d'yan sa katamaran mo!" galit na galit niyang sigaw at doon ko pa lang napagtantong nakatulog nga pala ako at hindi ko nasundo ang anak ko.

"S-Sorry, Apollo... h-hindi ako nakatulog ng maayos k-kagabi—" Napatigil ako nang malakas niya akong sampalin na nagpahiga sa akin sa kama.

"Nagdadahilan ka pa! Tarantado ka!" sigaw niya pa. Kahit anong pigil ko ay unti-unti na namang nagsisilabasan ang mga luha ko.

Manhid na manhid na ang mukha ko. Pakiramdam ko, pulang-pula na ito ngayon dahil sa pagsabunot at sampal niya. 

I tried facing him the best as I could, pero inis lamang nito akong tinignan.

"Nakakasawa ka na," mahinahon ngunit may diin niyang saad na nagpadurog ng puso ko.

Umalis na siya sa kwarto ko kaya napahinga na ako ng maluwag. Ininda ko na lamang ang sakit ng ginawa niya sa'kin tsaka sunod-sunod na huminga ng malalim para mabawasan kahit papaano ang sakit.

"Mommy..." Isang boses mula sa pintuan ang narinig ko at nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Liam na nakatayo roon.

Ngumiti ako, "Anak." Unti-unti itong humakbang papalapit sa akin.

Nang nasa harapan ko na siya ay isang malaking yakap ang ibinigay niya sa'kin kaya ginantihan ko rin ito ng isang mainit na yakap.

"Sorry, anak, ah? Hindi ka nasundo ni Mommy."

"I love you, Mommy. Kahit hindi niyo po ako nasundo, mahal pa rin po kita," he comforted while his head is on my shoulder.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap at tinignan ako.

Tipid itong ngumiti. "P-Pwede naman po tayong umalis dito. Kung iyon lang po ang paraan para hindi po kayo saktan ni Daddy," nag-aalinlangang saad pa niya. Hinawakan ko ang buhok niya at taimtim siyang tinignan.

"It's okay. I'm okay. Wala 'yon. Magbabati rin kami," paninigurado ko pero bumuntong-hininga lang siya.

"You're always saying that, Mommy. But it's not happening."

Wala akong magawa kundi ang titigan lamang ang mukha niya dahil walang salitang lumalabas sa bibig ko. Tama naman siya. Hindi nangyayari ang bagay na 'yon. At sa palagay ko, hinding-hindi mangyayari ang magkabati kami.

For six years of our marriage, he never gave me a chance, not even once. How could I expect things to change in the coming years?

"Sige na, anak. Labas ka muna at mag-aayos muna si Mommy," tanging saad ko na lang na agad naman niyang mabagal na tinanguan.

"Babye po." He waved his hands and immediately closed the door when he left.

Kinagabihan nang napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto. I composed myself. Dapat walang bahid ng lungkot.

Nang makalabas na ako ay agad akong bumaba sa hagdanan. Nang makababa ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pero napatigil ako nang makita ko ang nakatalikod na si Apollo na pinagmamasdan si Liam habang nakatulog na ito sa sofa. Pansin ko rin ang nagkalat na mga laruan ni Liam sa sala.

I couldn't help but just stare at them—ang mag-ama ko, mukhang naglaro na naman. Liam must have gotten tired and fallen asleep. Kita ko rin ang paghawi ni Apollo sa mga hibla ng buhok ni Liam kaya mas lalo lang ako nitong napangiti.

Maya-maya pa, bigla nang tumayo si Apollo at yumuko para kargahin si Liam. Nang makarga na niya ay agad na siyang naglakad pero napatigil siya nang makita niya ako.

Agad siyang nag-iwas ng tingin at naglakad na hanggang sa nilagpasan na ako at humakbang na sa hagdanan. Sinundan ko lamang siya hanggang sa nandidito na kami sa kwarto ni Liam.

He opened the door and gently put Liam on his bed, kissing his forehead. Then, he turned to face me while I remained standing by the door, feeling a mix of emotions.

"Thank you, Apollo."

Thank you for being a good father. Kahit wala na sa'kin, sa anak ko na lang. Sa anak natin.

"He's my angel. Hindi ako magtitiis sa relasyon na 'to kung hindi dahil sa kanya. So be thankful for him. Matagal na sana kitang iniwan," sambit niya at nilagpasan na ako.

Si Liam... he was just an accident. Apollo was so drunk that night. Kaya hindi na ako nagpumiglas pa at ibinigay na ang sarili ko sa kanya. Pero kahit aksidente lang siya, laking pasasalamat ko at dumating siya sa buhay ko. Sa buhay namin. He added another layer of inspiration for me to continue and never give up on this family.

Unti-unti ko nang isinarado ang pintuan ng kwarto niya tsaka na ako pumunta sa sarili kong kwarto. Sinarado ko na ang pinto nang makapasok na ako at humiga na sa kama. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang may tumunog.

Cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa maliit na table na nasa gilid ng kama ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Pero unknown number. Napakunot ako ng noo at sinagot na ang tawag.

"Hello?"

"Trisha..."

Isang boses ng lalaki ang narinig ko, at sa tono nito, alam kong siya 'to.

"Anong kailangan mo?" tanong ko. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Baka ikagalit na naman ito ni Apollo.

"Trisha, alam kong hindi maganda ang trato sa'yo ng walang-hiyang Apollo na 'yan. Kaya, please, sumama ka na sa'kin. Isama mo na rin ang anak mo. Tatanggapin ko kayo ng anak mo, Trisha. Hinding-hindi ko kayo sasaktan."

Napapikit na lamang ako sa mga pinagsasabi niya. Umiling-iling ako na para bang nasa harapan ko lamang ang kausap ko.

"Tapos na tayo, Lander."

"I know, but—"

"Alam mo naman pala. So stop bothering me, please."

I immediately ended the call.

You know I can't do that, Lander. Mahal na mahal ko si Apollo. Hindi ko siya makakayang iwanan. Para na rin ito sa anak ko. Alam kong hindi nila masabi pareho pero ramdam kong kailangan nilang dalawa ang isa't-isa. Mas hihirap lamang ang sitwasyon kung aalis ako.

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon