Prologue

85 6 0
                                    


Sa tagal niyang nabubuhay hindi niya maalala kung nagkaroon ba siya ng matagal na kaibigan palagi na lang kase silang palipat-lipat ng lugar at school gusto niya mang tumutol na sa kanyang magulang na mag-stay na lang sila sa isang lugar pero sa tuwing nakikita niya ang mukha ng magulang niya na takot na takot pilit na lang niyang iniintindi 'May pinagtataguan ba sila?' palaging tanong niya sa sarili.
Isang Araw Lumipat na naman sila sa lugar na malayo sa tao. ilang oras ang biyahe nila bago makarating sa lugar na iyon Ang Seville.

Ang Seville ay isang bayan na malayo sa maraming tao. isang probinsiya na sagana sa mga gulay at prutas. Walang teknolohiya at kakaunti lang ang may sasakyan.

Sa pagpasok nina Precious at ng kanyang magulang sa bayan agad niyang nakita ang kaibahan nito sa dati nilang lugar.

Makikita ang ngiti at maririnig ang masayang pagkwe-kwentuhan ng bawat tao idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na nakakapag dagdag ng ginhawa sa mabigat na pakiramdam ni Precious.

At Napagdesisyonan ng kanyang magulang na mag-aaral siya sa Seville Academy isang paaralan na nasa gitna ng gubat. ayos lang naman iyon sa kanya dahil Gusto niya ang nature.

Pero matutuwa at mamangha pa kaya siya sa paaralan na ito kung sa pagsapit ng dilim ay may malalaman siyang sikreto. Isang madilim na sikreto na naghatid ng kilabot sa kanya at dahil sa sikretong iyon nasa panganib na ang buhay niya.

Seville Academy: A school for Vampire and WitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon