Maraming pinagusapan ang kanyang lolo, papa at ang headmaster. nasa labas na sila ngayon ng kanyang dorm room and sabi ng headmaster bukas na lang siya papasok dahil late na naman daw siya pag papasok siya ngayon saka magpahinga daw muna siya.
"Anak magiingat ka dito pag may kailangan ka tumawag ka sa amin ng Mama po" sabi nito at niyakap siya tumango siya at gumanti rin ng yakap "I love you anak, We love you always remember that" sabi niya at hinalikan ang noo niya "I love you dad" sabi niya at bumitaw sa yakap ang sunod namang yumakap sa kanya ay ang kanyang lolo "Apo pag may problema lumapit ka lang sa headmaster kaibigan ko ang isang iyon at alam kong hindi ka niya pababayaan siya lang ang tanging makakapag katiwalaan ko sa akademyang ito" sabi ng kanyang lolo at hinawakan ang dalawa niyang kamay
Tumango siya "Pag may problema po ako makakaasang lalapit po ako Kay headmaster" sabi niya na nakangiti "At saka anak wag kang basta-bastang nagtitiwala hindi lahat ng nakangiti at mukhang mabait ay makakapag katiwalaan mo na alalahin looks can be deceiving" sabi ng kanyang papa
Tumango siya at ngumiti sa mga ito bago sila umalis nagyakapan pa ulit sila.tinignan niya ang papalayong bulto ng kanyang papa at lolo ng tuluyang wala na siyang makita saka siya pumasok sa loob ng dorm room.
Dumiretso siya sa pinto na kulay puti napatingin siya sa katabi ng kanyang pinto may nakasulat na 'Ackmalie Jazady' ito siguro ang ka dormmate niya.
Pumasok na siya sa loob ng kanyang kwarto at nagsimulang ilagay ang kanyang damit sa Cabinet.Sakto lang ang kwartong ito para sa kanya. Kulay puti ang pintura hindi kalakihang Kama at sa side ng Kama ay ang Study table at sa side naman ng study table ay ang bookshelf na walang laman habang katabi naman ng study table ang bintana ayos iyon sa kanya dahil kapag nagstu-study siya makikita niya ang magandang tanawin sa labas.
Sa left ng kama ay ang puting cabinet at sa tabi ng cabinet ay isang whole body na salamin all in all simple lang ang kwarto at ayos na iyon sa kanya.
Pagkatapos mag ayos ng kanyang gamit sunod naman niyang nilagay ang mga libro sa bookshelf marami siyang dalang libro. mahilig siya sa Love story at mga bampira na kwento kaya dinala niya ito para kung mabored man siya ay may maibabasa siya.
Pagkatapos ayusin ang libro niya sinunod niyang ayusin ang kama pinalitan niya ang unan at ang blanket at naglagay pa siya ng maraming ka-ekekan sa loob ng kwarto niya.

BINABASA MO ANG
Seville Academy: A school for Vampire and Witches
Fantasia'How stupid of me,to think I was the only flower in your garden'. Si Precious Ariane Alarcon ay nag-iisang apo ni Don Pronciano Elixir Alarcon at Donya Miranda Ana Alarcon ang isa sa mga kilalang tao sa bayan ng Seville. Ang Seville ay isang bayan n...