PAGKATAPOS nilang kumain sa Cafeteria pumasok na sila sa last period ng klase pero wala raw ang prof nila absent ito dahil may sakit kaya ang iba niyang classmate ay nagpunta sa mall ng Seville academy na ngayon lang niya nalaman.Umiling siya ng ayain siya ng mga classmate niya may gusto pa kase siyang pupuntahan kaya tumanggi siya sa mga ito habang si Ackmalie naman at sumama sa mga ito kaya magisa lang siyang pupunta sa library.
Ng makarating ng library agad akong kumuha ng book at umupo sa pinaka dulong mesa 4:00pm pa naman mahaba haba pa ang oras 6:00pm yung Curfew.
Ng Makita ang title agad siyang nainteresado kaya kinuha niya ang earphone niya at sinalpak sa tenga at pinakinggan ang kantang 12:51
Scrolling through my cellphone
for the 20th time today
Reading the text you sent me again
thought I memorized it anyway
it was an afternoon in December
When it reminded you of the day
when we bumped into each other
but you didn't say hi cause I look awayand maybe that was the biggest mistake of my life
and maybe I haven't move on since that nightCause its 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
and the moon shine so bright but I gonna dry this tear tonight
Cause I'm moving on and I'm not that strong to hold on any longer'Nawili si precious sa pagbabasa kaya hindi niya napansin na dumidilim na pala sa labas ng inilibot niya ang paningin wala ng tao sa loob maliban sa librarian at siya.
Agad niyang ibinalik ang libro at ipinasok ang earphone sa bag ng makitang wala na siyang naiwan agad siyang tumayo "Oh ija nandito ka pa pala?" tanong nito tumango siya "Opo hindi ko po namalayan ang oras"sabi niya at kinuha ang cellphone at tinawagan si Ackmalie.
" Hello!"
"Precious nasaan ka?"
"nasa library at saka ackmalie hintayin mo ako sa pinto"
"Ano? nasa library ka pa? malapit na ang curfew bilisan mo hintayin kita sabihin mo lang ang pangalan mo"
"Oo sige ipapatay ko na to may 15 minutes pa ako bago mag 6pm"
"Mag-iingat ka girl hihintayin kita"
"Sige bye-bye"
At pinatay niya na ang tawag napatingin siya sa Librarian sinasara na into lahat ng bintana "Ija kung ako sayo wag ka ng umalis dito na lang tayo" sabi nito umiling siya nagsabi siya kay ackmalie na uuwi siya
"Kailangan ko pong umuwi sa dorm may 15 minutes pa naman" sabi ko at tumingin sa relo "Hindi ka aabot ija dito ka na lang" sabi nito umiling siya "Hindi na po" sabi niya "Makinig ka kahit mabilis ka pang tumakbo maaabutan ka nila at saka kahit hindi pa 6pm alam kong may gumagalang bampira kung mahal mo pa buhay mo wag ka na munang umalis" sabi nito
Saktong nagring ang cellphone ko kaya agad ko iyon tinignan ng makitang si ackmalie agad kong sinagot.
"Ackmalie nasa library ka pa diba?"
"Oo bakit?" kinakabahang tanong ko
"Wag kang aalis diyan please diyan ka na lang humanap ka ng pagtataguan mo wag ka ng pumunta nakapalibot sila sa room natin"sabi nito agad sinalakay ng kaba at takot ang dibdib ko. kaba para sa sarili at takot para sa kaibigan
" Paano ka?"tanong ko
"Wag mo akong alalahanin hindi nila ako mapapansin ang pinunta nila dito ay ikaw kaya diyan ka lang"
"Oo pero mag-iingat ka parin"
" Blag ikaw rin sige na ibababa ko na to"
Napatingin ako sa librarian ng patayin niya ang ilaw sinenyasan niya ako na wag maingay tumango ako lumapit siya sa akin at binigay ang flashlight at naglakad paalis sumunod ako "Saan po tayo pupunta?" mahinang tanong ko "Old library" mahinang sabi nito nagulat na lang ako ng may itulak siyang libro sa pader bigla na lang iyon nagbukas
"Sumunod ka! Hindi na tayo safe dito" sabi nito at tumingin sa bintana may mga anino na dumadaan sa mga bintana at ang Iba ay sumisilip
Pero tumaas ang balahibo sa leeg ko ng may ramdam akong yapak sa dulo ng library "hali ka na" sabi nito at hinila ako ng makapasok kami agad sumirado ang pader
may hagdan pababa sa tulong ng flashlight nagkaroon ng ilaw. padilim ng padilim ang nilalakaran naming hanggang sa makarating kami sa mas malaki pang library.
"Umupo ka muna may aayusin lang ako" sabi nito at iniwan ako umupo naman ako sa isang bangko at mesa ron
Nagulat na lang ako ng biglang lumiwanag ang buong silid napa-wow na lang ako sa ganda mas maganda ang old library pero may napapansin siyang nakasabit at mga letra sa bintana at kanina sa pader na pinasukan nila
"Welcome to the old library wag kang mag-alala safe ka dito lahat ng paligid ay may spell kaya Hindi makakapasok ang mga bampira" nakangiting sabi nito 'So she's a witch!'.
BINABASA MO ANG
Seville Academy: A school for Vampire and Witches
Fantasy'How stupid of me,to think I was the only flower in your garden'. Si Precious Ariane Alarcon ay nag-iisang apo ni Don Pronciano Elixir Alarcon at Donya Miranda Ana Alarcon ang isa sa mga kilalang tao sa bayan ng Seville. Ang Seville ay isang bayan n...