"Nix" Natutuwang sabi niya agad humarap ang lalake sa kanya at ngumiti "Akala ko hindi ka na dadating" sabi ni Nix "Nandito ka ba kahapon?" tanong ni Aria umiling si nix "Buti na lang, Hindi kase ako makalabas kahapon dahil pinagalitan na naman ako ni tita" ngiting sabi niya
Agad nawalan ng emosyon ang lalake ng makita ang pasa sa palapulsuhan niya "Sa tita mo ba to galing?" tanong ni Nix at hinaplos ang may pasang banda ngumiti lang siya ng malungkot "Wala kase dito si daddy" sabi niya pero ang lungkot sa mata ni Aria ay napalitan ng masayang Ngiti "Maglakad lakad tayo" sabi niya tumango si Nix "Tell me about yourself" sabi ni Nix habang naglalakad silang dalawa
"About sa akin? hmmm Nag-iisang anak ako walang kapatid pero masaya naman kami. araw araw tuwing uuwi si daddy may pasalubong siyang damit na magaganda o di kayay laruan tuwing wala siyang trabaho nilalaro namin ni daddy ang mga laruan na binili niya.
Habang si Mommy nagtatanim siya ng gulay at prutas sa likod ng bahay may mga alaga rin kaming mga hayop Pero nagkasakit si mommy at iniwan kami nag-asawa ulit si daddy at nagkaroon sila ng anak ni tita Martha kaya nagkaroon na ako ng bagong kapatid si Marina" kwento niya
"Then what is your favorite Color? Fruits? or Food?" tanong niya "Favorite kong kulay ay asul alam mo ba kung bakit" sabi ni claret at humarap sa kanya "Why?" tanong niya.he's interested every single detail about her.
"Kase paborito ko ang ulap at dagat saka paborito ko rin tuwing umuulan yung iba ayaw sa ulan ako paboritong paborito ko kase kung umuulan kahit umiiyak ka walang nakakapansin" nakangiting sabi niya "Yung tanong mo naman kanina kung ano yung paborito kong prutas at pagkain, sa prutas marami akong gusto pero pinaka gusto ko at apple then sa pagkain siguro adobo ni Mommy ikaw?" sabi nito
"Ako? I love red" maikling sabi ni Nix "Yun lang? eh ako sinabi ko sayo lahat tapos ikaw 'I love red' lang sagot mo" sabi nito at ngumisi ngumiti ang lalake at pinitik ang noo niya napa-aray si Aria at sinamaan ng tingin si Nix.
"Bakit ka namimi----- Umuulan" sabi ni Aria at tumingin sa ulap habang seryosong nakatingin naman sa mukha niya si Nix at bumaba iyon sa leeg niya "Nix maligo tayo sa ulan hoyyyy nix" sabi ni Aria natauhan naman ito "Ha?" tanong nito "Sabi ko maliligo tayo sa ulan" sabi niya at hinila si Nix Nagsimula ng pumatak ang ulan at kinalaunan lumakas na iyon
Natutuwang tumingin si Aria sa ulap at pumikit "Beautiful" manghang sabi ni Nix dumilat ang Mata ni aria kaya agad umiwas siya ng tingin "Nix laro tayo habul-habulan ikaw taya!" sabi niya at lumayo "Paano yon?" tanong ni Nix napakamot naman sa ulo si ari at lumapit "Ganito-----Hoy" sigaw niya ng hawakan siya ni Nix pagkatapos ay tumakbo na ito
"Nix madaya ka!" sigaw niya at hinabol ito binagalan ni nix ang pagtakbo ng maabutan siya ni Aria agad siyang hinawakan sa likod at tumakbo na ito "Blee ikaw na hahaha hindi na ako magpapahuli sayo" sabi nito at tumakbo palayo "Wag kang magpapakampante Aria mahuhuli rin kita" malakas na sabi ni nix at tumakbo para habulin siya
Takbo ng takbo si aria huminto siya at tumingin sa likod "Hala! nasaan na siya?"tanong ni Aria wala ng Nix sa likod niya "Nixxxx" tawag niya dito at inilibot ang tingin agad siyang kinabahan baka ano ng nangyari dito.
"Huli ka!" sabi nito galing sa likod ni Aria napasigaw siya sa gulat ng yumakap ang braso ni Nix sa tiyan niya agad siyang humarap dito at tinapik ang braso niya "Nixxx wag mo nang gagawin yon. natakot ako don baka may masamang nangyari sayo" sigaw nito habang nagsasalita si Aria nakatitig lang sa kanya si Nix nagulat na lang siya ng niyakap siya ni Nix "I will protect you aria no matter what"
Tumila na ang ulan kaya eto naglalakad na sila pauwi "Sige na nix mauuna na ako bye" nakangiting sabi ni aria tumango si Nix at ngumiti kaya tumalikod na si aria at umalis.
BINABASA MO ANG
Seville Academy: A school for Vampire and Witches
Fantasy'How stupid of me,to think I was the only flower in your garden'. Si Precious Ariane Alarcon ay nag-iisang apo ni Don Pronciano Elixir Alarcon at Donya Miranda Ana Alarcon ang isa sa mga kilalang tao sa bayan ng Seville. Ang Seville ay isang bayan n...