KABANATA 25

32 2 1
                                    


Napabuntong hininga si Precious kahapon lang siya nagising bale tatlong araw siyang nasa loob ng hospital at kahit gusto man niyang pumasok ngayon ay hindi siya pinayagan dalawang araw daw muna siyang Hindi papasok kaya eto siya bored na bored na sa loob ng kanyang kwarto.

Si Ackmalie ay nasa loob na ng kaniyang kwarto natutulog pagod daw kase ito kase marami itong ginawa habang siya eto hindi makatulog dahil natulog siya halos buong araw.

Lumapit siya sa bintana at hinawi ng kauti ang kurtina napatingin siya sa buwan na bilog na bilog napangiti siya ng makita kung gaano kaganda  ang buwan.

Ako sayo ikaw ay akin

Ganda mo sa paningin

Ako ngayo'y nag-iisa

Sana ay tabihan na

Sa ilalim ng puting ilaw

Sa dilaw ng buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

sa dilaw ng buwan

Nangunot ang noo ni Precious ng marinig ang isang ungol napatingin siya sa paligid at napatakip ng bunganga ng makita ang isang studyanteng lalake na tumatakbo may hawak itong magic want at may lumalabas na puting ilaw na pinapatama ng lalake sa humahabol dito napatakip na lang siya sa bunganga ng makita kung paano dambahin ng bampira ang studyante lalake na may hawak na magic wand.
kita niya kung paano naging lupaypay ang katawan ng lalake.

Ayokong mabuhay ng malungkot

Ikaw ang nagpapasaya

At makakasama hanggang sa pagtanda

Hali na tayoy humiga

Nanlaki ang Mata niya ng may bagong dumating na lalake at kitang kita ni precious kung paano putulin ng lalake ang ulo ng bampirang kumagat sa studyanteng lalake na may hawak na magic wand ilang segundo ang lumipas biglang naging abo ang lalakeng putol ang ulo.

Sa tulong ng liwanag ng buwan nakita niya ang mukh ng lalakeng pumutol sa ulo ng bampira wala itong dalang espada o ano sariling kamay nito pumutol sa ulo ng bampira

Nahigit niya ang kanyang hininga ng mapagtanto kung sino iyon isa lang ang lalakeng alam niyang may maskara "Ty-tyduse" naiusal niya tumingin sa kanya ang lalake nagtama ang mata nilang dalawa

Sa ilalim ng puting ilaw

Sa dilaw ng buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

sa dilaw ng buwan

Seville Academy: A school for Vampire and WitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon