KABANATA 08

39 3 0
                                    

>Present
-------

"Ma......Pa bakit na naman tayo aalis? maganda naman ang buhay natin dito diba"sabi niya habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagbuhat ng bagahe papuntang kotse " Anak intindihin mo na lang kami ng Mama mo kailangan nating makaalis dito"sabi nito at nauna na sa kanya

"Sweety tiyak naman magugustuhan mo don" sabi nito at sumakay na napabuntong hininga siya "Anak pumasok ka na aalis na tayo" sabi nito at tinapik ang braso niya tumango siya at pumasok na sa loob ng kotse nasa likod siya habang nasa harap naman ang magulang niya.

Nagsimula ng umandar ang kotse nila malungkot na tumingin siya sa bahay nila pero nangunot ang noo niya ng may makitang nakatayo sa 2nd floor sa Veranda ng kwarto niya hindi niya makita ang mukha nito dahil naka cloak ng itim.

Kumurap siya pero ng tignan niya ulit ito wala na 'hayts baka namamalikmata lang ako'.

"Anak matulog ka na lang muna mahaba-haba pa ang biyahe natin" sabi ng kanyang Papa tumango siya at naglagay ng earphone sa tainga at pinakinggan ang kantang Little do you know

Little do you know

How I'm breaking while you fall asleep

Little do you know

I'm still hunted by memories

Little do you know

I'm trying to pick myself up piece by piece

Little do you know I need a little more time

Nagising siya ng huminto ang kotse nila "Sweety gising na nandito na tayo" sabi ng kanyang mama "Hmm Ma akala ko ba malayo ang pupuntahan natin" sabi niya habang inaayos ang sarili

ngumiti ito "Malayo talaga ang lugar na ito anak 4 hours bago tayo makarating dito" sabi nito tumango siya napahaba pala ang tulog niya "Ma nasaan si papa?" tanong niya at tumingin sa labas ng kotse

Tumambad sa paningin niya ang mga batang naglalaro at mga matandang nagtitinda at nagkwe-kwentuhan. Napangunot ang noo niya ng makita ang isang karwahe na dumaan "Karwahe? ano to sinaunang panahon?" tanong niya sa sarili

"Anak ganito talaga dito wala masyadong kotse puro karwahe o bisekleta lang" sabi nito na nakangiti tumango siya at lumabas ng kotse napapikit na lang siya ng dumampi ang sa balat niya ang sariwang hangin
"Ate para sayo" sabi ng isang maliit na boses naidilat niya ang mga Mata ng makita ang isang batang lalake "Hi" nakangiting sabi niya "Ate para sayo ang ganda mo po kase" sabi nito at binigay sa kanya ang isang red rose napangiti siya at tinanggap iyon "Salamat saan mo naman nakuha 'to?" tanong niya "Ah pinitas ko lang po" sabi nito

"Anak pasok ka na" sabi ng kanyang papa at tumingin sa kanya bago sa bata ngumiti ito bago pumasok "Thank you pala dito oh eto sayo na lang to" sabi niya at kinuha sa shoulder bag niya ang mga chocolates at binigay sa batang lalake "Maraming salamat po ate ganda" sabi nito at umalis pumunta sa kasama nito at binigay ang chocolates na binigat niya napangiti na lang siya.

"Anak Aalis na tayo pasok ka na" sabi ng kanyang Mama tumango siya at pumasok pinaandar na ng kanyang Papa ang kotse "Pa saan po tayo titira?" tanong niya "Sa bahay ng Lola mo anak" sabi nito at ilang minuto ang lumipas

Huminto sila sa isang dalawang palapag na lumang bahay "Girls nandito na tayo" sabi nito at lumabas ganon din ang ginawa nila ng kanyang Mama

Lumabas sa bahay ang dalawang matandang babae at lalake "Daddy....Mommy!" Sigaw ni papa at lumapit dito at yumakap "Ikaw na bata ka bakit hindi mo na kami binibisita" sabi ng matandang babae

"Dad...Mom magandang umaga ho" sabi nito yumkap si Mama habang nagmano naman ako "Aba! kay laki na ng anak mo nang dinala mo siya rito kay bata pa at sakitin" sabi ni lolo "Oh siya sa loob na kayo magusap-usap pumasok muna kayo para tayo'y makakain na rin"sabi nito at pumasok sumunod kami

Seville Academy: A school for Vampire and WitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon