Nasa isip ko pa rin 'yong estrangherong lalaki na 'yon kung bakit ba naman kasi sumulpot si Kuya noon, umuwi tuloy kami ng wala sa oras ewan ko ba kay Kuya wala na siya sa mood mula noong nakausap niya 'yong Ms. Agustin. Hindi ko manlang nalaman kung sino ba 'yong lalaki— wait am I actually thinking about him?!"Break na kami! Sakal na sakal na ako bakit naman niya ako pagbabawalan magsuot ng shorts?!" Natigil ako sa pag iisip nang marahas na hinila ni Sav ang upuan saka umupo.
"Huh? Si Eyth?"
"No! Si Jarry! Break na kami ni Eyth. At itong si Jarry pinag babawalan ako sa kung ano ano, ano siya nanay ko?!" Sav is really really beautiful. She's now wearing a black sleeves inserted in a white high waisted shorts, as usual suot niya ang paborito niyang sandals. Mukha siyang nasa edad bente sa ayos niya, lalo na sa long wavy curly hair niya. Me, on the other hand, is just wearing an oversized shirt and shorts with my hair tied in a bun.
"You know what, you should stop being a play girl and start being serious. Mamaya mag backfire lahat sa'yo 'yang mga pinag gagagawa mo." I said and rolled my eyes.
What's the point of being in a relationship kung hindi ka naman pala seryoso?
"And what? Cry real hard kasi ako 'yong niloko? Nah, I'd rather make them cry than see myself crying. Dear, that's self love." Saka siya humalakhak. Maybe I'll understand where she's coming from kapag alam ko na nasaktan na siya dati but no, never pa 'yan umiyak sa lalaki pero marami nang napaiyak na lalaki.
"Then what are you doing, date to play?" Sumimsim ako sa iced coffee na in-order ko noong wala pa si Sav.
"Why not? I'm only Eighteen for God's sake LJ! I'm not like you na ang motto ay date to marry. You know dear at our young age hindi ka pa dapat magseryoso ng sobra dahil sa panahon ngayon kapag ikaw ang seryoso kapag ikaw ang unang nahulog ikaw ang talo! I will never risk my heart and cry in the end ano!" Napasinghap ako sa kanyang litanya.
Well, it's true that I only want to date to marry. I'm no saint but I never want to see someone cry because of me. I'm dating to marry not for a heartbreak. Maybe that's why hanggang ngayon wala parin akong boyfriend in my whole years of existence.
I saw my mom cried for love, I witnessed how messed up our family was because of uncertainties brought by love.
"A'right, let's stop this nonsense talk kasi hindi naman tayo magkakasundo dito" I sighed and she mockingly smiled at me.
"Hmm, so why did you asked to meet me here bored ka na naman ba sa inyo?" We are at the cafe near their house, since ayaw nito ng nagda-drive ng malayo, magkalayo kasi kami ng bahay.
"Bukas na ang result ng exam sa PLM, kinakabahan ako ngayon pa lang, Sav"
I took an exam in four Universities. Namili lang ako ng mga school na nag to-top sa field ng Engineering, yes I want to be an Engineer, Civil. Kayang kaya naman ng magulang ko na pag aralin ako sa top school for Engineering kahit private pa pero syempre ayaw ko. Mom wants me to go to med school and Dad wants something business, ang gulo 'di ba? Wala akong susundin sakanila. Kaya't sinisikap kong makapasa sa isang libreng paaralan, okay na ako sa allowance lang na ibibigay nila.
"Kung sana lang gusto mo ng med eh, Eh 'di sana magkasama parin tayo! Pero ano ka ba, makakapasa ka sa lahat ng pinasukan mo, ikaw pa ba?"
"Talaga bang gusto mo 'yang kursong pinili mo? You know this is not just a question that needs a yes or no as an answer." I asked worriedly.
"Oo naman! Mukha lang akong loka loka pero gusto ko talagang maging doktor" Pagyayabang pa niya.
"I just cant imagine you wearing a lab coat and stethoscope" Magsasalita na sana siya ngunit may biglang lumapit sa amin na lalaki mukhang galit na galit.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
General FictionHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.