I sighed after reading Cyara's message to our group chat. Sinabi niya na hindi niya ako masasamahan something urgent came up she said.Kaya ko naman gawin 'yon ng mag isa, mas mapapabilis nga lang sana kung may kasama.
Nagulat ako nang magchat si crp sa group chat. He said he'll help me! Sabi niya pa sabihin ko kung saan ako at pupuntahan niya ako! Ba't ganito ako magreact?
Naeexcite? Natutuwa? Bakit ka naman matutuwa Lia!
Wala pang sampung minuto nakarating na siya.
"Can we start?" I nodded.
Naghati kami sa mga gagawin. Hindi ako maka-concentrate ng maayos kaya nauna siyang natapos. Nakakahiya!
Tumayo siya, nilingon ko. Tatawagin ko sana kaso nakaalis na.
Saan naman kaya pupunta 'yon?
Hindi ko na pinansin at ibinuhos ang atensyon para matapos na agad.
Hindi manlang ako kinausap sa buong oras na magkasama kami!
Nasulat ko na ang huling sentence para sa conclusion. Nakahinga ako ng maluwag at nag simula nang mag ligpit ng gamit.
"Tubig oh," Napatingin ako kay crp na nag abot ng tubig. Tignan mo 'to! May pabili pa ng tubig na nalalaman! Akala mo mabait talaga!
Kinuha ko ang tubig.
"You don't really have to—"
"Tara i-submit na natin 'yan," sambit niya saka unang umalis.
"Wait, crp!—"ops what the hell Lia?! Natawag ko siya ng gano'n!!
"Sinong crp?" Nilingon niya ako.
"Ah wala, tara na!" Nauna na akong nag lakad sakanya.
Hindi na kami nag usap no'n. Buti na rin at tumahimik na siya.
"Ano namang ibig sabihin ng crp?" He smirked. God this guy! Akala ko hindi na niya 'yon ib-bring up!
"Wala 'yon," mabilis na sabi ko saka tumalikod.
Hinila niya ang kamay ko kaya napaharap ako sakanya, binitawan niya ang kamay ko.
Saka siya naglahad ng kamay? Huh
"Wranz Kenth De Avila," Tinitigan niya ako ng mariin.
Wala sa sarili kong tinanggap ang kamay niya.
"Zann Lia Jaione V— Diza"
Binitawan niya ang kamay ko saka una nang naglakad.
"I know. Nagpakilala lang ako para hindi mo ako tinatawag sa kung ano anong pangalan,"
Nakapamulsa siyang umalis. Sinundan ko naman siya.
"Magiging mabait ka na ba sa'kin n'yan?" I asked still following him.
Natigil siya sa paglalakad nabunggo tuloy ako sa likod niya. Hanggang balikat niya lang ako, eh 'di siya na matangkad!
Humarap siya sa'kin.
"I mean it, lahat ng sinabi ko noong nakaraan at kung nasaktan ka man wala na ako doon. Truth hurts, hmm?" Umatras ako at yumuko.
"Mauuna na ako," sagot ko na lang. Alam kong may masasabi at masasabi siya. I'm not in the mood to hear insults right now.
"Let's be a good friends, then. If that's what you want, Jaione" sabi niya saka ako hinila.
What's with this guy?
And why does it feel so good to hear him say my name?
Nagpatianod naman ako sakanya saka ako pinaupo sa kaharap niyang table.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
Ficción GeneralHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.