16

3 0 0
                                    


Parang kahapon lang nasa Australia kami ngayon maghahanap na ako ng classroom at kaklase.

Pumasok ako sa classroom kung saan ang unang klase ko. Nilibot ko ang mata ko sa silid, wala pa si Wranz, bakit ba hinahanap ko na naman siya?

Pagkatapos ng pag uusap namin noong gabing 'yon hindi na kami ulit nag usap.

"May klase na naman" nayayamot na sambit ni Hanz, saka umupo sa tabi ko at dumokdok sa armchair.

As usual maingay parin ang buong klase, baka nga wala na naman kaming professor sa ngayon. Gano'n naman dito sa mga unang araw o unang linggo purong oryentasyon ang mangyayari, next week pa talaga ang simula ng regular classes.

Mukhang natutulog na si Hanz, I'm actually glad na kaklase ko siya wala man akong maraming kaibigan at least I have her. Isa lang naman ang kailangan ko, isa pero totoo, kaysa marami pero peke.

Madalas lang siyang tahimik pero sa ilang buwan na nakasama ko siya alam ko na maaasahan siya.

"Huwag mo ako masyadong titigan nakakairita" natawa na lang ako at binaling ang tingin sa lalaking kakapasok. It's Wranz.

Dumiretso lang ako ng tingin sa harap, nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin siya sa'kin.

Ewan ko ba kung bakit napatingin ako sakanya, nakita ko siyang tumingin sa black wrist watch niya.

Napansin ko rin na mukhang hingal na hingal siya at maya't maya ang tingin sa relo niya.

Nagsalita si Hanz, nagulat ako nang bigla siyang mag kwento.

Sabi niya pwede raw na hindi muna kami pumasok ng isang linggo, pero ayaw niya raw baka raw may plus points kapag naabutan ka ng professor mo na naghihintay sakanya.

"Alam mo kasi kapit plus points tayo lalo na't mahirap mga subjects natin ngayon," she explained, I raised a brow.

"Wala lang gusto ko lang sabihin," saka ulit siya dumokdok

Alam ko naman na hindi pa papasok mga professor ngayon, pero ang iba lalo na ang masisipag at strict, I'm sure papasok ang mga 'yon. Buti na lang at parehas kami ni Hanz na gusto parin pumasok.

Ganyan lang si Hanz pero alam kong grade conscious siya. Ako naman gusto ko lang makapasa, pero inaayos ko rin ang grado ko kasi nahihiya naman akong ipakita sa parents ko kapag puro tres lahat.

"Buti at hindi ka madada ngayon?" Panunukso naman ni Hanz na naglabas ng pagkain sa bag niya at tinanong pa kung gusto ko.

"Alam mo ang daldal mo ngayon," she just shrugged

Ang sumunod na subject ay ang Drawing namin, medyo kinakabahan ako kasi alam kong mahirap ang subject na 'to ito raw ang isa sa mga rason kung bakit hindi nakakatulog ang mga engineering students, sabi ng mga seniors.

In-orient lang kami ng Prof at nagmamadali ring umalis.

Sumunod naman na lumabas si Wranz, I don't know why pero sinundan ko siya. I'm kinda curious? Ano naman 'di ba?! Titignan ko lang naman kung anong pinagkakaabalahan niya 'yon lang!

Nagtaka ako nang papunta siya field kung saan naghahanda ang magnobya, baka may photoshoot? Pre nup photoshoot?

"Ang tagal mo naman! Kanina pa kami naghihintay rito!" Sabi ng baklang mukhang palaka naman

Nainis ako sa trato niya kay Wranz.

Siya pala ang kukuha ng litrato sakanila. Ito siguro ang isa sa mga raket na sinasabi niya? Parang gusto ko siyang tulungan.

Buong oras ng photoshoot nila nakatingin lang ako kay Wranz. Paano niya napagsasabay ang pag aaral at pagtatrabaho? Sobrang hinahangaan ko siya dahil doon.

Embracing the UncertaintiesWhere stories live. Discover now