21

10 0 0
                                    


"It's threat again from Iscavilla, Dad. Akala ko ba tapos na 'to Dad?" a drained looking Kuya Zaylee talked. Kanina pa tahimik ang lahat matapos makausap sa telepono ni Dad ang Vsec. Ayon sakanila mabilis na nakaalis ang namaril.

It's not the bullet that I'm afraid of, it's the sudden death and it's impact to my family. Though, alam ko na hindi ako mamamatay doon, it is probably just a warning.

Nakalimutan ko na ang usapan namin ni Wranz, I was startled. Pagkatapos ng mabilis na pangyayari, hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko. Ayaw ko rin muna mag phone sa ngayon. Matutulog din ako sa kwarto ni Kuya Zyair tutal wala naman siya at nasa condo niya siya.

Si Mom hindi nakauwi kasi may duty siya at kasalukuyan siyang nasa operating room noong tumawag sa ospital si Kuya Zaylee. Sabi niya uuwi siya, pero sabi ko okay na at mukhang marami pa siyang kailangan gawin.

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari, papunta na ako ngayon sa unang klase namin nasa hallway ako nang marinig kong may tumawag sa'kin

"Syd..."

"Pumunta lang ako rito para sana imbitahin ka tutugtog kasi 'yong banda namin... kung pwede ka sana,"

"Sure!" kahit na alam kong baka hindi ako payagan dahil sa nangyari kagabi, hindi ko lang kasi siya matanggihan

"Talaga? Thank you, sunduin ba kita? Pwede ka rin magsama ng iba kung gusto mo..." naisip ko si Wranz.

"Okay lang ba may isama? May gusto sana akong isama at ipakilala sa'yo," I smiled at him. Tumango lang siya at nagkamustahan saglit saka pumunta na kami sa kanya kanya naming klase.

Inagahan ko ngayon, maaga rin kasi akong nagising dahil na rin hindi ako nakatulog ng maayos.

I was so shocked when I felt someone's arms embraced me.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari kagabi? Tinawagan kita pero hindi ka na sumagot. Pupuntahan sana kita pero may lagnat kasi si Wreign—"

"May lagnat si Wreign 'yong kapatid mo? Okay na ba siya ngayon?"

"Ako ang unang nagtanong, Jaione,"

"I'm okay, see? It's just a threat to our family again,"

"Lagi bang nangyayari 'to? Panigurado may guards kayo, anong ginagawa nila?"

"Come on, I'm okay, kamusta ang kapatid mo?"

"Binabayaran sila bakit—"

"Ang tanong ko, kamusta ang kapatid mo," he sighed

"Okay naman na siya,"

"My Mom's a doctor. Gusto mo ba ipa-check up natin? Samahan kita kay Mommy,"

"Hindi na, Jaione okay naman na siya," nagbago ang ekpresyon niya, hindi na lang ako sumagot

"Pwede ka ba mamaya? 7pm?" Nakita kong napatigil siya, nakalimutan ko may trabaho nga pala siya, gosh Lia

"Inaaya mo ba ako ng date?" I pinched his nose and go to my sit, matagal ko nang gustong gawin 'yon ewan ko ba ang cute lang ng ilong niya ang cute ng pagkaka-tangos.

"Oo naman pupunta ako, saan ba?" Ngiting ngiti siya ngayon, tignan mo 'tong lalaking 'to.

"Papanoorin 'yong kaibigan ko tutugtog kasi sila," tinaas niya 'yong isang kilay niya and gosh he looked really cute!

"Sino namang kaibigan iyon?"

"Si Syd, childhood friend,"

"Kahapon 'yong singkit na lalaki, ngayon ibang lalaki na naman? Mukhang marami talaga akong kaagaw, hmm?"

Embracing the UncertaintiesWhere stories live. Discover now