Sinikap kong mag aral ng mabuti, at ibaling ang atensyon sa pag aaral. Sa tulong ng ibang kamag anak at donasyon nakapag kidney transplant si Wreign, at gumaling siya.Bumagsak ako sa dalawang subject noong mga panahon na halos hindi na ako pumasok at puro trabaho na lang.
Noong bumalik ako unibersidad, maraming nagsabi na baka hindi na ako makagraduate on time, pero nagsikap parin ako. Nag overload ako ng subjects.
Lumipas pa ang taon at walang araw na hindi ko inisip si Jaione. Pati na rin noong aksidenteng may nangyari sa'min ni Ela, dahil pareho kaming lasing. Sa huli pangalan ni Jaione ang nabanggit ko.
Umiwas sa'kin si Ela at hinayaan ko iyon. Nagsusumikap akong mag aral dahil gusto ko nang magtrabaho, graduating student na ako at may iilang kumukuha na sa'kin para sa plano ng bahay.
Ikinagulat ko ng husto nang isang gabi na pinuntahan ako ni Ela sa bahay para ipaalam na buntis siya at ako ang ama.
Gumuho ang mundo ko sa nalaman. Sa nagdaang taon, wala akong ibang bukang bibig sakanya kung hindi ang maging successful para sa kapatid ko at kay Jaione.
Galit ako sakanya noon at hindi siya kinausap. Maling mali ako sa parteng iyon, mali para sa'kin ang nangyari noong gabing iyon, pero hindi mali ang bata. Kaya naman nang may magsabi sa'kin na balak niyang ipalaglag ang bata dali dali ko siyang pinuntahan at humingi ng tawad.
May mga bagay na kahit gaano mo kagustong makuha, kung hindi sa'yo hindi mo makukuha. Gaya ni Jaione.
I graduated on time at Cum Laude pa.
Buong puso kong tinanggap ang anak namin ni Aubriella.
"I'm sorry..." I heard Ela's voice.
Nasa kwarto na kami ngayon, kakatapos lang ng civil wedding namin ni Ela. Ideya ng Mama ni Ela na magpakasal kami kung hindi, ilalayo nila sa'kin ang bata.
Nakaupo siya ngayon sa kama. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya.
"Shh, it's okay..." I wiped her tears. I failed as a brother, I failed as a boyfriend to Jaione. I failed in many things. But I will promise not to fail being a father and a husband as well.
"Alam kong si Jaione ang mahal mo." I heard his little sobs.
Ela did nothing but to help me stand up in the past years, I can't do this to her. Hindi ko maikakailang kahit papaano minahal ko na rin si Ela higit pa sa kaibigan pero hindi nalampasan o napantayan manlang iyon ng pagmamahal ko kay Jaione. Kaya ayaw kong magpakasal dahil gusto ko, buo na ang pagmamahal ko sakanya saka ko siya papakasalan.
Ever since Akiella was born, I tried hard to erase every dream of doing things with Jaione.
Narinig kong umiyak si Aki, kaya pinuntahan ko siya, sinundan naman ako ni Ela.
Kinarga ko siya at hinele ulit para makatulog.
"Matulog ka na ako na ang bahala sakanya." I smiled lightly at Ela and kissed her forehead.
She really look like me. Our baby Akiella.
Hindi ko man nakuha ang totoong pangarap ko si Jaione. Binigyan naman ako ng blessing ni God. That is enough for me.
Naging ganap akong Engineer at kasalukuyang nag tatrabaho sa Salv Corp. Tatlong taon na rin si Aki, kaya mas pinagbutihan kong magtrabaho para maibigay lahat ng kailangan niya. Hindi ko na masyadong naiisip si Jaione dahil sa pagpokus sa trabaho at pamilya ko.
Not until I saw her, here in a party of Audencias. May naghire sa'kin na kuhaan sila ng litrato, but I didn't expect I'd see her here. She looked more mature now at mas naging palaban ang awra. I missed her.
The news of her being an Audencia shocked me, hindi ako naniwala ngunit kung iisipin totoo nga. Hindi rin siya magpapakalayo dahil lang sa'kin, nasasaktan akong isipin na wala ako sa tabi niya noong mga panahong iyon, but looking back now, I understand, pinili niya iyon.
She's now an Engineer, hindi man natupad ang plano namin dati proud pa rin ako sa narating niya.
"Yes baby? Donuts again?...hmm alright okay, love you." Kausap ko sa phone si Aki, baka pinilit na naman niyang tumawag sa'kin si Ela.
A talk with Jaione now will not work, lalo na't pareho pa kaming nagsisisihan sa isa't isa.
Hindi ko naiwasang magtanong tungkol sa nakaraan.
Things won't always work out the way you want it to be. No matter how you work for it, no matter how much love you give, if it's not meant for you it will never be.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
Tiểu Thuyết ChungHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.