"Tulungan niyo po kami! 'yong mama ko po Doc!" Kinalabit ko ang madalas kong makitang DoktorAgad naman silang pumunta sa kwarto ng mama ko kasama pa ng iba sumunod ako at pinanood ang ginagawa nila.
Umiiyak na ako sa gilid kasi hindi ko alam kung anong nangyayari
"Doc, there's an emergency... your daughter.."
Agad na umalis ang Doktor at iniwan ang mama ko.
Nagkagulo sa kwarto, isa isa silang nag alisan hanggang sa dalawa na lang ang natira.
Umiyak ako ng umiyak..
"Time of death 5:19 pm"
Hindi ko alam kung paano ko maiintindihan lahat sa murang edad. Sampung taon ako noon nang mamatay si mama.
Galit ako sa mundo, lalo na sa Doktor na 'yon kasi pakiramdam ko maisasalba naman si Mama kakayanin pa naman niya, kaso iniwan niya kami.
Nakapag bayad kami ng bill sa ospital sa tulong ng iba pang kamag anak.
May sakit sa puso si Mama, sabi nila na makukuha pa ito sa gamutan, pero dahil sa gabing 'yon na inatake siya... Kinuha na siya sa'min agad.
Patay na rin si Papa bago pa ako maisilang sabi ni mama sundalo siya at nabaril sa gitna ng giyera.
Bilin ni mama na pwede kong kunin lahat ng gusto kong kurso, 'wag lang ang pagiging sundalo.
Pero gusto niya ako maging Inhenyero.
Sinabi ko sa sarili ko na mag sisikap ako. Magkakaroon ng maraming pera.
Dalawa na lang kami ni Wreign ngayon, ako ang tumutustos sa lahat ng gastusin. Raket doon raket dito. Nakatulong din ang ipon ni Mama na iniwan niya sa'min.
Gustong gusto kong maghiganti. Gusto kong tanungin Siya mismo kung bakit ko 'to pinagdadaanan?
Hindi na kailan man huhupa ang galit ko.. lalo na sa mga Villezca.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
General FictionHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.