35

9 0 0
                                    


"Man, top 1 ba naman sa board exam! Natural na marami kang project ang gusto ko lang naman ay sumama ka rin naman sa night out natin!" Zach said, kinukulit na naman ako para sa night out. Stable na ang buhay namin ngayon, nabigyan ko rin si Wreign ng bahay kasama si Tiya. Naging okay na siya ngayon na siyang kinagaan ng loob ko.

"May anak na ako," I said and continue to read the terms of my next project.

"Alam ko! Ikaw ang inaaya ko hindi 'yang anak mo, kailan ka pa nawalan ng common sense?" This annoying guy.

"Tss. Get out, Zach. I can't concentrate." Sinamaan niya ako ng tingin, parang bata. Hindi ko na siya pinansin umalis siya nang nagdadabog.

Pagabi na rin kaya inayos ko ang gamit ko at nagpasyang sa bahay na ituloy ang iba.

Akmang papasok na ako sa kotse nang marinig ko ang tinig niya na tumawag sa'kin.

"Can we talk? I mean a proper talk? Without yelling at each other..." She asked. Tumango lamang ako at ngumiti.

I don't know what to do and what to say, I just lead the way sumunod naman siya kaya hindi na ako nagsalita. Iba pa rin talaga ang epekto mo sa'kin.

Dinala ko siya sa mini garden ng kompanya namin, alam ko naman kung gaano niya kagusto sa tahimik na lugar.

"Pwede bang ako muna magsalita?"

"Alright." I gave her a small smile.

"Bakit...Bakit hindi ka lumaban?" She chuckled. Lumaban ako, Jaione. Lumaban amo.

"Bakit hindi mo ako hinabol?" Hinabol kita sinubukan ko, ginawa ko lahat. Pero kada lapit ko ng isang hakbang sayo dalawang hakbang paatras ang sukli mo.

"Bakit ka pumasok sa buhay ko para iwan ako sa huli? Bakit sobrang sakit?" Hindi kita iniwan, kasi ang totoo nandoon ako at balak hintayin ka hanggang sa huli...

"Kamusta ka na kaya? Okay ka lang ba? Ang kapatid mo maayos na ba? Nakakatulog ka pa ba ng maayos? Kasi kilala kita, baka nagtrabaho ka na naman buong magdamag. Nakakakain ka pa ba ng maayos? Baka nagugutom ka na, kasi kilala kita lagi mo nakakalimutan kumain sa dami ng ginagawa." Ilang beses ko bang sinabi na bago ang lahat dapat sarili mo muna?

"Bakit ang sakit pa rin? Bakit hindi ako lumaban? Bakit pinili kitang iwan? Bakit hindi ako kumapit? Bakit tayo bumitaw?" Napayuko ako, bakit nga ba tayo bumitaw? Ang mga tanong na ang kasagutan ay tanong din.

"Nasasaktan ka rin kaya? Umiiyak ka rin ba? Sana hindi, sana may taong nandyan para sa'yo, sana hindi ka sumuko, sana hindi ka nasasaktan...kasi mas masasaktan ako." Hindi natin namamalayan na sa ayaw nating masaktan ang isa't isa, tayo na pala mismo ang gumagawa ng bagay na makakasakit sa atin.

"Sa sobrang sakit...noong nalaman ko na may kasama ka at hindi ka nag iisa...hindi na ako nakaramdam ng selos sa kung sino mang kasama mo, I felt relieved. Buti naman may kasama ka...buti naman nagpapatuloy ka." May kasama ako, pero nagpatuloy ako dahil sa kaisipang alam ko na babalik ka, nagpatuloy ako dahil sa'yo.

"Hindi ko kaya na mawala ka...noong una. Sa paglipas ng panahon, naisip ko...mas hindi ko kayang makita na nawawasak ka." Sa tingin mo kaya ko, Jaione? Mas wasak ako kapag nalaman kong umiiyak ka.

"We are bound to meet...but not to be together, not until forever." Bakit? Bakit natin hinayaan na humantong sa ganito?

"Kasama ka sa plano ko mula noong umalis ako but as time passed by I realized...I didn't deserve you because I wasn't there at your lowest." I am thinking of you at my lowest...

"Hindi rin ito ang plano ko, Jai..." I said, tumango naman siya at ngumiti. Walang kasiguraduhan kung sa dulo tayo pa rin, pero kasama ka sa plano ko. At wala sa plano ko ang masaktan tayo pareho.

"Pero ito ang itinakda para sa'tin." Ngumiti siya ng mapakla, nanghina naman ako sa sinabi niya. Ito ba talaga ang itinakda o ito lang talaga ang mga daang pinili nating tahakin?

"I can be difficult to love...but loving you will always be so easy." Napayuko ako

"Do you...hate me now?"

"What is there left to hate, Wranz? Nasaktan ako ng sobra. Sobra sobra na dumating sa punto na wala na akong ibang maramdaman kung hindi pagmamahal. Napagod akong masaktan sobrang bigat sa pakiramdam, kaya hinayaan ko ang sarili ko, hinayaan ko na mag mahal na lang nang sa ganoon hindi na siya sobrang sakit..." Bakit hindi ka na lang magalit sa'kin? Bakit hindi mo ako sisihin sa lahat? the more na minamahal mo ako the more na nasasaktan ka.

"Sabi ko sa prayer ko, Lord kapag nawala 'to sa'kin sobrang sakit. Araw araw kong pinagdarasal na sana 'wag ka mawala sa'kin. But I made a promise...that no matter how painful it is, I will still remember how kind hearted person you are." I prayed too, Jaione. I prayed countless times, is He listening?

"Hindi man tayo nagkasama sa malungkot at masayang araw mo...proud ako sa'yo, kasi hindi ka sumuko. I'm so proud of you, Engineer." I've been longing to hear that...nakatanggap ako ng sandamakmak na bati, pero iba kapag galing sa'yo.

"I am so proud of you too, Jaione."

How cruel. Bakit hindi pwedeng kami na lang?

"Kaya Wranz pinaparaya kita...kasi mahal kita." Agad ko siyang niyakap. Dito na ba talaga nagtatapos ang lahat?

"I don't want to let go, Jai. Please..."

"Hindi mo gusto pero kailangan mo..." I cried.

"Palayain mo na ako, Wranz." Who am I to reject my love's request? Syempre papakawalan kita, you don't need to beg baby.

"Palayain mo na ako kasi masyado nang masakit...palayain mo na ako kasi baka kapag hindi mo ginawa...baka kumapit ulit ako."

"Hindi ba pwede iyon, Jai? Mahal kita." Mahal na mahal.

"Kung mahal mo, Wranz, hihintayin mo ako...I left, you deserve someone who wants to stay, clearly that's not me. I'm sorry because the love I have for you is not enough to ruin a family. Mahal kita...mahal na mahal. But this time, I'm choosing myself."

"You deserve all...the love and happiness in the world, Jaione." I kissed her forehead.

"I love you." I whispered.

Sana Jai, sa susunod na buhay piliin mong kumapit.

Sinalubong ako ng yakap ni Ela nang makapasok ako ng bahay.

"Umiyak ka?" Hindi ko maikakaila na kahit papaano napapagaan ni Ela ang loob ko. Tama si Jaione, hindi deserve ni Ela ang lahat ng ito.

I am letting you go, my wife Ela knows I'm sending this to you. Thank you for always encouraging me, thank you for loving me. The way your heart is made... it's amazing. I know we were young when we started but you taught me what's the truly meaning of love. To the man who is lucky enough to have you as their wife, I hope he treats you with care. I hope he shows you loyalty and love every day. Please be well and be happy.

Days passed before I decided to sent her a message. Acceptance will always be the key.

"Are you happy?" Ela asked

"Very." My arms is on her small waist, si Aki naman ay tulog sa lap niya.

I looked up at the blanket of stars that stretched to infinity.

Acceptance will truly set us free, I may not see forever with Jaione, I am still thankful to feel the warmth of her love. My plan didn't work, but God's plan is the best. Ang mahalaga naman pagkatapos ng nakakapagod na araw ay ang mga aral na natutunan mo sa gitna ng laban.

Love does not hurt, it heals.

Embracing the UncertaintiesWhere stories live. Discover now