Hindi ko kailan man inungkat ang nasaksihan ko noong isang araw. Malapit na ang anniversary namin pero hindi ako masaya. Ilang araw na ang lumipas at hindi parin niya sinabi sa'kin, gusto kong malaman 'yon mula sakanya."Wala ka ba talagang sasabihin sa'kin?" Kasalukuyan kaming kumakain sa labas ngayon, dinner na namin ito. Inaya ko siyang kumain sa labas at pumayag naman binibigyan ko lang siya ng tsansa para aminin sa'kin ang totoo at magpaliwanag.
"Wala naman. Ano ba iyon, hmm?" Sa tingin ko wala talaga siyang balak sabihin sa'kin. Ngumiti akonat umiling.
Mula noong araw na 'yon, hindi na ako masyadong komportable na kasama siya. I wanted so bad to give him a chance, I trust him. Yes, I should trust him. Kailangan niya lang siguro ng oras.
"Sav..." I called Sav. Siya lang ang alam kong malalapitan ko sa ngayon.
"Can I sleep at your place? Kahit ngayon lang." Nagpaalam na ako kay Mom at Dad. Pumayag naman sila, pero nagbilin pa si Mom ng napakarami.
"Sure! Sa condo ko ha, saan ka ba? Susunduin ba kita?"
"Nope, I'm on my way there." Sinabi niya na magluluto pa siya kaya binaba na niya ang tawag.
Once again I asked the stars above silently, habang nasa loob ng sasakyan. Should I trust him? Enlighten me. Tinatanong ko kung paano maayos at mababalik ang lahat? Gayong nakita ko siya na may kahalikang iba, paano maalis sa isip ko iyon kung bawat ngiti niya ay naalala ko ang pangyayaring iyon? Kung bawat kwento niya hindi na ako halos maniwala kasi may alam akong tinatago niya.
Paranoid lang ba ako? Kasi lagi na rin siyang busy at may pinag kakaabalahang iba. Sabi niya paper works, all right, I should trust him.
"And he didn't even bother to tell you that?!" I nodded. Nasa harap kami ng TV at kasalukuyang kumakain ng pizza.
"Oh my god, where's his balls now? That's cheating!" Halos umusok ang ilong at tenga ni Sav sa galit.
"He didn't. Maybe he just needs more time..."
"The bulag bulagang Lia is here again! I think you'll get the most understanding girlfriend awardee!" Nag slow clap pa siya.
"Hindi ako nagbubulag bulagan, alam ko. Binibigyan ko siya ng chance. Iniintindi ko ang sitwasyon, Sav." She gave me that nakakaawa-ka-look.
"Why are you here then?"
"Am I not welcome here?" She sighed and hugged me.
"Alam kong mahilig kang isara ang mata mo sa katotohanan, pero siguraduhin mong hindi pagpapakatanga 'yan. Wala akong kaibigan na tanga sa pagmamahal."
"Hindi mo ako kaibigan kung ganoon?"
"Nagpapakatanga ka kung ganoon?"
"Iniintindi ko, Savannah." She just rolled her eyes
"Pwede ba akong umiyak?" Nanlaki ang mata niya saka ako niyakap ulit. Naiyak naman ako agad dahil doon.
"Gosh! Stressful dear! Kapag 'yang lalaking 'yan nakita ko ha!" Halos isumpa niya si Wranz dahil doon.
Ilang minuto rin ang itinagal ko sa pag iyak bago ako kumalma.
"Tinuruan kitang lumandi pero hindi ko tinurong maging tanga ka ha? Pero kung ano man 'yon nandito lang ako. Text mo lang ako kung may gano'n ulit na nangyari at papatayin ko talaga ang dalawang 'yon! Naturingang iskolar ng bayan!" Marami pa siyang sinabi na pagbabanta kay Wranz. Ganyan lang si Sav pero alam ko na palagi siyang nariyan para sa'kin.
Kinabukasan medyo magaan ang pakiramdam kong pumasok sa school. Nagpahatid na rin ako ng gagamitin ko para hindi na ako umuwi sa bahay, sabay kaming pumasok ni Sav hinatid pa niya ako sa school baka sakali raw na makita niya sila Wranz. Aish.
Minor subject lang ngayong umaga kaya hindi masyadong stressful.
"Hoy ang taas ng score mo sa quiz sa integral ha?" Panunukso ni Eulla. Nakatulong ang pag papraktis ko sa halos gabi gabi na magsolve ng problems.
"Sipagan mo lang at tiyagahan." Lagi namang madaldal si Eulla sanay na rin ako sakanya at thankful din kasi kaklase ko siya.
"I know, I know! And you know what? Tingin ko may nagugustuhan nang ibang babae si Kuya!" Natuwa naman ako sa narinig kahit papaano
"Good for him." I smiled genuinely. I want nothing but happiness for Eustace, he deserved that.
Marami pang kwento si Eulla, nabanggit niya rin na laging magkasama si Wranz at Ella. Iyong nakita kong kahalikan ni Wranz. Umakto akong wala lang sa'kin 'yon, sabi ni Wranz kaibigan niya lang 'yon kaya hindi ko pinahalata kay Eulla na may nakita ako.
Ang sumunod na tatlong oras ng klase ay purong diskusyon lamang, nagtake note ako at nakinig ng maayos. Halos antukin ako dahil madilim na rin sa labas, buti na lang natapos na ang klase.
Iniisip ko pa lang si Wranz, kung pupuntahan ko ba o hindi kaso nasalubong ko siya sa harap ng pinto at mukhang pagod pero ngumiti parin.
"Hindi ka... nagreply sa message ko kagabi. Okay ka lang ba?"
"Ah, oo. Nakatulugan ko, okay naman ako. Sorry, ikaw ba? Mukhang pagod ka." Napangiti naman siya
"Okay lang nakita na kita e. Akala ko kung ano nang nangyari, pupuntahan sana kita kanina kaso marami akong inasikaso.." Buong araw wala manlang ba siyang vacant? Lia, trust him. Tumango na lamang ako.
"Dinner? My treat for today." Masyado siyang masaya para tanggihan...
"Sorry kailangan ko na kasing umuwi..." Pero tinanggihan ko parin, I don't know...
"Oh, okay. Sige ayos lang, text mo ako kapag nakauwi ka na ha?" Tumango lang ako saka umalis na, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Bakit hindi niya na lang sabihin sa'kin nang mapag usapan na namin iyon? Pinipigilan kong maiyak hanggang makarating sa bahay.
Bumungad naman sa'kin ang sigaw ni Dad sa pag pasok ko ng bahay. Mukhang nag aaway sila, dapat pala kila Sav muna ako nagtungo.
"Just calm down, will you?" Malumanay ngunit puno ng galit na sambit ni Mommy
"He knows what he's doing Dad. At kung totoo man na nagtanan sila ni Ate Guia-"
"Napakaraming babae sa mundo ba't sa Audencia pa na 'yon?!" Nasapo ni Dad ang noo niya at umupo na lamang
"What's happening?"
"Si Kuya Zaylee at Ate Guia?"
"Ate Guia is missing galit na galit ang Audencia at pumunta pa rito, nalaman nilang wala rin si Kuya Zaylee." Kuya Zyair explained
Hindi ako makapaniwala sa narinig, hindi hinayaan ni Dad na makisawsaw ako sa gulo nila kaya pinaakyat niya ako sa kwarto.
Nag aalala ako kay Kuya Zay at inisip ng husto kung bakit nila ginawa iyon kung sakaling totoo nga?
Hinila na ako antok sa kalagitnaan ng pag iisip.
Kinabukasan nabasa ko ang mensahe galing kay Wranz naka two missed calls din siya. Nagulat aki nang mabasa ang mensahe niya kagabi. He said Wreign is in the hospital! Sa hospital kung saan nagtatrabaho si Mommy!
Sa pag aalala hindi na ako nakareply at nagmadaling kumilos. Mabuti na lang at wala akong klase ngayon mamaya pang 11am.
Nagmadali akong pumunta sa hospital, binilisan ni Manong ang pag drive dahil sabi ko emergency. Sobrang nag aalala ako.
Tinanong ko sa kakilalang nurse na nasalubong ko kung saan ang room niya at sinabi naman nito.
Nakita ko sa hallway si Mom at Wranz na nag uusap. Habang papalapit ako pabagal ng pabagal ang lakad ko, ewan ko pero nagtago ako sa 'di kalayuan pero rinig parin sila.
"Sinisi mo ako sa pagkamatay ng nanay mo now you want me to save your little sister?" Nagulat ako sa nalaman, napayuko naman si Wranz
"Girlfriend mo ang anak ko... hindi ba?" Agad agad na napalingon si Wranz kay Mom
"I saved Lia that day...kaya hindi ko naisalba ang nanay mo..." Napatakip ako ng bibig sa narinig, tears stream down at my cheeks.
Hindi ko na nasundan ang mga susunod na usapan nila nakita ko na lang si Wranz na nakaluhod na sa harap ni Mommy.
Mom saved me...kaya namatay ang Mama ni Wranz?
Of all people... why?
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
Ficción GeneralHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.