"Thanks," saka ko kinuha ang test paper na binalik ni Wranz.
Ilang araw na mula noong unang try niya na kausapin ako, sa ngayon ako na ang kusang umiiwas.
I don't know what is he up to, trying to fix things between us? When it is him who started this nonsense fight?
I'm done trying to understand someone who doesn't really want to be understood.
Inisip ko na baka may pinagdaraanan lang kaya hinayaan ko na lang.
It was a gloomy day when I received a call from home saying Mom's in the hospital, at first naguluhan ako kasi nasa hospital naman talaga 'yon lagi.
"Manong pakibilisan po!" Kasalukuyan akong nag mamadali papunta sa hospital, it's because Mom's there because this time she's the patient!
Galit man ako sa mga hindi maintindihang rason ni Mommy, I can't deny the fact that she's my Mom!
Pagkarating ko sa mismong room na sinabi niya, nakita ko siyang nakahiga nakatulala si Kuya Zyair. May tinatawagan naman si Kuya Zaylee sa sulok.
"Kuya, what happened?" Nagulat ako nang bigla na lang umiyak si Kuya Zyair tuloy tuloy lang ang pagtakas ng luha niya mula sa kanyang mata.
May pumasok na Nurse para i-check si Mommy sakanya na ako nag tanong napasinghap ako nang sinabi niyang nasaksak si Mommy.
I don't know how to react, I don't know what to ask first. What's going on?
Pumasok si Dad at agad naman siyang sinuntok ni Kuya Zay! Ni hindi ko namalayan na tapos na pala siya sa kausap niya!
"It's your fault! You said you're done with your god damn illegal business! I confirmed it the Vsec said this is a threat from Iscavilla!" Galit na galit si Kuya pumunta ako sakanya bago pa niya masuntok ulit si Dad
"Zaylee, calm down" Dad said, halatang nagtitimpi
I told Kuya Zay to calm down first at pinaupo siya sa upuan. Yumuko siya habang hinihilot ang sentido niya.
Lumapit si Dad kay Mommy, "How is she?" Tumingin sa'kin si Dad
"Sabi ng Nurse na nakausap ko hindi naman daw po gano'n kalalim ang pagkakasaksak kay Mommy, kailangan lang po niya magpahinga" I said without looking at him, If it's true that it's because of Dad's business, I will surely be mad at him.
"The Iscavillas.. threatened Marguerite too, what will I do Dad.. kung 'yon nga ang rason ng pagkawala ng anak namin.."
"Sinabi ni Margi na kalmado siyang kinausap ni Mommy at heto ako sinisi kay Mom ang lahat!" Puno ng pagsisising sigaw ni Kuya Zyair. Nalungkot ako sa nalaman, I almost hate Mom for doing that. May parte sa'kin na sinisi ko siya..
"Hush.. Zyair, anak. It's okay we all make mistake," napatingin kami nang magsalita si Mommy, agad akong lumapit sakanya
"Mom! Are you okay?" I asked worriedly
She gave me a faint smile and nodded.
Tahimik lang si Dad sa tabi ko.
That day ended without Mom and Dad talking tahimik lang sila. Kaya nagpasya akong umuwi kasi pakiramdam ko kailangan nila mag usap na sila lang
Umalis na rin sila Kuya dahil parehong may gagawin pa.
Sabi naman ni Mom pwede na kami umuwi kasi may mga kaibigan siya na magbabantay at mukhang marami pa silang pag uusapan ni Dad
Bilin ni Kuya Zay na dumiretso na ako sa bahay at 'wag na lumabas sa ngayon.
Hindi na ako makakapunta sa pag gawa ng project naming 3D model, I sighed and call one of my group mate.
"Hello.. Bienne.. pasensya na hindi ako makakapunta, something happened. Babawi na lang ako sa ibang parte o kaya ako na lang ang magpapasa,"
"Uh, may ginagawa si Bienne.. sasabihin ko na lang sakanya..." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Wranz sa kabilang linya, kagrupo ko nga pala siya!
"Uh.. okay ka lang ba?" I almost assumed that he's worried.
"Ah oo, sige sorry ulit babawi na lang ako,"
"Sige.. ayos lang din madali lang naman 'to,"
Naninibago parin ako hanggang ngayon kapag nagkakausap kami at maayos ang tungo niya sa'kin
Ang weird? O baka hindi lang ako sanay, kasi nasanay ako na puro pang iinsulto ang lumalabas sa bibig niya.
Inakyat ko sa kama si Tres hindi ko na siya masyado nabibigyan ng atensyon noong mga nakaraang araw, natutuwa akong makita na lagi siyang sabik tuwing uuwi ako.
Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong may naghihintay sa'yong umuwi.
Kinabukasan dumalaw ako kila Ate Aitania, medyo okay na ang alitan sa pamilya namin at sakanila.
"Ate Lia!!" Yumakap sa'kin si Aislinn ang nakababatang kapatid ni Ate Aitania
"Oh nariyan ka na pala, kain muna tayo Lia," pumunta kami sa hapag at nagsimulang kumain
"Kamusta naman si Tita Avia? Okay na ba siya? Okay lang din ba na pumunta ka rito? Baka delikado pa ha?" Tanong ni Ate Tania
"Okay naman na po siya Ate at okay din na pumunta na ako rito,"
Marami pang napagkwentuhan kanina habang kumakain
Andito kami ngayon sa veranda nila at kasalukuyang kinukuhaan ng litrato ni Ate Tania si Aislinn, mahilig kasi si Aislinn sa photoshoots nabanggit niya rin na gusto niyang maging modelo
Todo support lang din si Ate Tania sakanya
"Tingin sa side," utos ni Ate Tania
Ginawa naman ni Aislinn, ang bata pa niya pero mas magaling pa siya sa'kin sa mga ganitong bagay
Sinabihan ko siya na i-enjoy ang pagkabata pero siya gustong gusto na agad lumaki
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagdalaga at may nanligaw na riyan," umiiling na sabi ni Ate Tania
Napangiti lang ako at nilanghap ng sariwang hangin
"Ikaw? Kamusta ka naman? Okay naman ba ang pag aaral mo o puro tres na rin?" Natatawang sambit ni Ate Tania
"Ate! Well, never naman ako nagkaroon ng tres Ate pero aaminin ko na mahirap.."
"Ano? Madali lang naman ang Calculus ah? O Algebra... Madaling ibagsak," tumawa pa ng tumawa si Ate, Archi kasi ang kinukuha niyang kurso
"Alam mo, mahirap talaga ang proseso. Pero worth it naman 'yan sa huli kaya laban lang," pang momotivate pa ni Ate Tania
"I know Ate.. pero minsan nawawala 'yong focus ko sa mismong gusto ko, kapag mahirap tinatanong ko lagi 'yong sarili ko kung gusto ko ba talaga 'yon, naka survive ako ng isang semester at marami rin akong iniyak noong mga panahong 'yon,"
"Ito pa lang 'yong simula ng laban, Lia. Marami pa tayong pagdaraanan, kaya maging matatag ka,"
I never actually imagine college life would be this hard, iba 'yong pakiramdam kapag nasa sitwasyon ka na.
I am always praying to survive.. at the same time live my life to the fullest.
"I know Eustace.. and I'm hearing thing about him, about you two.. is he courting you?" Tanong ni Ate Tania
"No.. uh not yet Ate, he told me he'll wait though," nahihiyang sagot ko
"May pag asa ba?" Napaubo ako
"We can always learn how to love someone.. like our parents does, I know you can pero 'wag mo pilitin, 'wag mong ikulong ang sarili mo sa taong alam mong hindi ka naman pala totoong magiging masaya.." bigla akong nalungkot isipin 'yon.
Ano bang ginagawa ko?
"I.. think I'm almost there" nag aalangang tugon ko
"Lia, almost will never be enough. You know that..."
Mas lalo akong naguluhan.
Am I caging myself? Or worst Am I caging...him?
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
Ficción GeneralHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.