27

3 0 0
                                    


The night ended peacefully, natapos ang konting pagpapakilala at pag uusap saka ako nagpasyang mauna nang matulog. Hinatid ko rin si Cleme sa guess room kasama si Ate Guia, dahil hindi ko pa kabisado ang pasikot sikot dito.

Kinabukasan sabay kaming nag tungo ni Cleme sa Salv Corp. ngunit nasa magkaibang sasakyan, may sarili na akong sasakyan na regalo sa'kin ni Mommy noong 21st birthday ko, dahil wala parin akong tiwala sa sarili ko, nagpapadrive pa rin ako kay Manong Lito. I don't know how, when and why pero sa mga Audencia na siya nagtatrabaho ngayon. Hindi ko na lang din tinanong at baka pribado iyon.

Tinanong ako ni Mom kung gusto ko raw ba ng party noon para sa mga kaibigan ko sa Nueva Ecija, pero tumanggi ako simpleng salo salo lang ang naging hiling ko. Ngunit noong umuwi sila ay inabutan ako ni Dad ng maliit na box na laman ang susi ng sasakyan na regalo nila sa akin.

Matagal din bago ako tuluyang maging close kay Mom at Dad. Pareho silang magaling sa business, matunog ang mga Audencia dahil na rin sa yaman at kapangyarihan siguro ng mga ito. No one dared to mess with the Audencias maybe because of their power and control of some things.

Magkasunod lang kaming nakarating ni Cleme sa kompanya at sabay din na pumasok, dumiretso kami sa opisina ng nasabing Engineer na kailangan naming puntahan.

Napag usapan ang tungkol sa bagong condominium na ipapatayo sa Taguig and that's my first project at si Cleme ang partner ko.

Matapos ang usapan sa opisina ni Engr. Dela Rama, pinahatid na niya kami sa magiging kanya kanya naming cubicle. Mababait naman ang mga kasama sa departamento kaya mas magiging madali ang lahat.

Bumisita na sa site si Cleme at ako naman ay nanatili sa opisina para tapusin ang iba pang bagay na kakailanganin.

Panay ang vibrate ng phone ko kaya kinuha ko 'yon, at sinagot kahit hindi pa nakita kung sino ang caller.

"Ate!!" Inilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko masisira pa yata ng wala sa oras.

"Your voice, Aislinn. What is it?"

"May nahanap na akong best photographer! Puntahan mo na lang siya." Narinig ko naman ang hagikhik ni Aislinn sa kabilang linya. Hindi man totoong pinsan ko siya, hindi ko na pinansin 'yon, noong nasa Nueva Ecija ako nagkakausap parin kami through chat, pati na rin si Ate Aitania, na kahit papaano ay sinubukang i-comfort ako noong mga oras na nalaman ko 'yong totoo.

"As you wish. Sino ba iyon? Send the address wala na akong gagawin ngayon pupuntahan ko na."

"Si Kuya Wranz Ate, I'll send the address alright. Bye!" Hindi na ako nakasagot pa. I sighed.

Nagpahatid naman ako kay Manong sa bagong condo ni Sav.

Kasalukuyan siyang kumakain noong dumating ako roon. Niyakap naman niya ako agad noong makita niya ako.

"Ang ganda ganda naman ni Engineer oh!" Mas nagkalaman ng konti si Sav iyon lang ang napansin kong nagbago sakanya.

Halos araw araw parin kaming nakakapag usap mula noong umalis ako rito sa Manila. But I didn't asked anything about him, Wranz. Kahit na minsan tinatanong ni Savannah kung gusto ko raw bang makasagap ng balita patungkol kay Wranz. I always refused. Pero ngayon na kailangan ko siyang i-meet, pakiramdam ko kailangan ko munang malaman kung anong balita sakanya sa mga nagdaang taon.

"Now tell me what I need to know about him." I asked then start to eat what she is eating too, chicken.

"Susss, bakit naman? Hindi mo na kailangang malaman 'yon. Okay ka na sabi mo 'di ba?"

Truth is, yes, I'm okay. Pero magiging okay pa rin kaya ako kapag nakausap ko siya? I saw him last night but we didn't talk, nagtama ang mga mata namin pero hanggang doon lang 'yon.

Embracing the UncertaintiesWhere stories live. Discover now