Weeks have passed. Normal ang lahat naging mabait na sa'kin si Wranz sa mga araw na nagdaan.Our regular classes on the other hand started with a very heavy discussions. It was so frustrating not able to solve one problem, mahirap na nagsabay ang physics at integral calculus ko. Isama pa ang napakaraming plates.
"Hindi ko alam kung paano 'to nakuha, anong formula ba ang kailangan dito? I thought—"
Si Hanz ang kinakausap at tinatanong ko pero nagulat ako nang sumagot si Wranz at umupo sa harap namin.
"Kailangan mo mag derive, wala 'yong force rito so kailangan mo ng formula na force ang kinukuha hindi 'yan," turo niya sa gamit kong formula
Hindi ko alam kung paano ko nagawang concentrate at the same time tumitig sakanya.
Intelligence is really attractive. Pakiramdam ko kahit hindi ka gano'n kaganda o kagwapo kapag matalino ka iba eh, ibang level 'yon.
"Ang talino mo, paano mo nagagawa lahat 'yan? Sana ako rin naiintindihan ko lahat ng gano'n kadali," I pouted and look at the papers
"Practice lang ng practice, hindi rin naman ako gano'n katalino masipag lang," ang humble naman ng taong 'to, pakiramdam ko tuloy sobrang ipagyayabang ko kapag matalino ako sa ganitong bagay.
Maayos ang grado ko at walang tres, I'm not really good at this, solving problems and such. Masipag lang siguro talaga ako kaya rin nakuha ko ang mga gano'ng grado.
Ang saya siguro maging effortless na matalino, 'yong normal lang. Pero natututunan naman ang lahat kaya ayos na ako roon.
Umalis si Wranz dahil may trabaho pa raw. Tinanong ko kung tapos na ba niya ang lab report sa physics laboratory kaso nagmamadali lang niyang inabot ang lab report niya at sinabing ipasa ko na lang daw saka siya nagmamadaling umalis.
I understand what he said back then. Not all are privileged, hindi lahat ng tao kagaya ko na kaya mag aral kahit hindi magtrabaho. Hindi pantay pantay ang mga tao.
At masasabi kong isa ako sa mga taong sobrang hinahangaan si Wranz kasi hanggang ngayon nagpapatuloy parin siya. Kasi naisip ko kapag ako 'yong nasa sitwasyon niya baka sumuko na ako dati pa.
Saan kaya ang mga magulang niya?
"I gotta go," sabi ni Hanz saka umalis, okay I'm all alone.
I answered Sav's call and stop what I'm doing.
"Alam mo ang lapit lang naman natin kung tutuusin ba't di na kang tayo magkita?" Bungad ko sakanya ngunit tanging hagulgol niya ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"That damn rat cheated on me!" Inilayo ko ang phone sa tainga.
He cheated on her? I mean Ratthiel cheated? I don't think so. Masyadong in love 'yon kay Sav kaya paano?
Wait. Sila na pala?
"Hey, kayo na pala?"
"Oo, matagal na! I need your damn advises not questions!" She cried like a baby, hindi pala maiinlove sa gaya niya pero umiiyak ngayon?
"Sav, calm down and let him explain—"
"No I will kill thay asshole!!" Saka niya binaba ang tawag, I'm worried. Baka mapatay niya si Rath? Pero hindi naman gano'n si Sav.
Sa dinami rami ng naging boyfriend niya ngayon siya iiyak sa sinasabi niyang mukhang daga at hinding hindi niya papatulan?
Hinayaan ko na lang muna, pupuntahan ko na lang siya mamayang hapon kung kaya ng schedule.
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
Ficción GeneralHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.