The class ended with that cheesy photographer receiving lot of praises, hindi niya masyado pinansin kahit pa may nag tangkang makipag kaibigan sakanya.Cheesy rude photographer, huh. He didn't look at me, not even once. I thought he's friendly, well I guess I was wrong.
We are currently waiting for our Professor in our PE class here at GYM.
Pwede kaming umalis kapag hindi pa dumating ang Prof after 30 minutes same sa ibang subject depende nga lang kung ilang oras ang klase.
Ang iba ay nag uwian na lalo ang mga malalapit lang ang dorm dito. I wish I could live here too, mukhang masaya na may kasama kang iba't ibang tao sa iisang kwarto at magiging kaibigan mo sila, kalaunan. Too bad, hindi ako pwede.
Konti na lang ang natira, paalis na rin sana si cheesy rude photographer or I'll just call him crp. Paalis na sana siya nang harangin siya ng babae na mukhang gusto makipag kaibigan sakanya.
"Uuwi ka na? Wala pang 30 minutes ah? Baka kumuha ng attendance 'yong Prof," She said.
"Oo" tipid na sagot ni crp
"Bakit? Saan ka naman pupunta?" Makulit na tanong ng babae na hindi ko manlang alam kung anong pangalan.
Well, here in college hindi mo naman talaga kailangan alamin ang pangalan ng buong klase.
"Mag hahanap ng raket dito sa campus, okay na?" Seryosong sambit ni crp saka na umalis. Gosh that rude guy!
Maghahanap ng trabaho? Naalala ko noong pangalawang araw na nakita ko siya noong hinatid ko ang kapatid niya, may nililitrato siya, noong pangatlo nakita ko na nagda-drive siya ng taxi, that must be his rakets? Right?
Mas lalo akong nabibilib sakanya. Paano niya nakakaya 'yon? Paano niya natatagalan?
Mula noong araw na 'yon humanga ako sakanya, kung paano niya nakakaya lahat. I... wanna know him more. Kung anong pinagdadaanan niya? Gusto kong malaman... kung okay lang ba siya?
Kinabukasan konti lang ang pumasok, hindi rin kami sinipot ng karamihan sa Profs. Narinig ko ang usap usapan na sa unang linggo ng pasukan ay wala pa raw talagang klase at puro orientation na lang muna.
Nalaman nila 'yon noong orientation ng buong first year hindi ako naka-attend noon dahil sabi ni Dad na 'wag muna sa crowded places.
Pauwi na sana ako pero nagtext si Ate Guia na mag meet daw kami around katipunan, I don't know why but she said please and I gave in. Wala na akong klase kaya okay lang din.
"Lunch?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Si Hanzytha pala.
"Ah may lakad—"
"Sure. Hey!... Yes you" Nilingon ko kung sinong tinuro niya, nakita ko naman si crp na nagtatakang tinuro ang sarili niya.
"Oo ikaw nga 'di ba? Dumbass. Tara lunch," Saka nilagpasan si crp. Sumimangot naman si crp at sinundan siya. Mukhang magkakasundo sila dahil pareho silang tahimik at cold. Rude, too.
Nag pahatid na ako kay Manong at naghintay kay Ate Guia sa isang cafe.
Why does it feel this way? Like, nasasayangan kasi hindi ako sumama sakanila? Argh.
"Lia!" I saw Ate Guia walking towards me, she looked depressed in her plain white shirt and black short naka shoes din siya at messy bun, maganda parin naman.
"Sorry, medyo late umuwi pa kasi ako," she smiled, I smiled back. Something's wrong with her smile, ngiting hindi abot sa mata.
"Are you okay, Ate?" Napasinghap ako noong bigla nalang siyang humagulgol sa harap ko. Wala masyadong tao, pero mayro'n parin! Hindi naman sa kinakahiya ko siya pero baka lang kasi kung anong masabi nila at higit sa lahat hindi ko alam kung anong gagawin ko!
YOU ARE READING
Embracing the Uncertainties
Ficção GeralHer For years I do nothing but hope Finally closing the book that should have done years ago. Him No matter how hard we fight we are not each other's end game.