[Chapter 1]
Took a morning ride to the place where you and I were supposed to meet
The city yawns, they echo on
My thoughts are spinning on and on my head, it seems
They lead me back to you
I keep coming back to youKailan mo ba matatawag na successful na ang buhay mo? Na naabot mo na ang mga pangarap mo?
Kapag ba nakabili ka na ng sarili mong bahay? May sarili ka ng kotse? Natutustusan mo na ang pangangailangan ng pamilya mo?
Yon bang pagkailangan nila ng pera agad kang may maibibigay?
Kung ganon I still can't call myself successful dahil ni isa sa mga 'yon hindi ko pa mabigay sa pamilya ko.
Growing up as a bread winner of a family wasn't never easy. Yong lahat gagawin mo para sa kanila mabigay lang lahat ng pangagailangan nila. Ni hindi mo na nga maisip yong para sa sarili mo basta ang importante makapag-abot ka, may maibigay ka.
But what if lahat ng effort hindi nila maappreciate? Hindi nila makita? Yong ginagawa mo naman lahat pero lagi pa rin may kulang.
Minsan napapaisip na lang ako anak pa ba ang turing nila sa akin? Naiisip kaya nila ang nararamdaman ko? Ang mga paghihirap ko? Nakikita ba nila lahat ng 'yon?
"Anak may pera ka ba dyan?" Tanong sa'kin ni mama.
"Para saan po ma?" Balik kong tanong sa kanya. Kakabigay ko lang kasi sa kanya noong isang araw nanghihingi na naman siya. Hindi naman sa pinagdadamutan ko ang nanay ko pero sapat lang kasi ang perang natira sa akin para maging allowance ko sa loob ng dalawang linggo bago ako magkasweldo ulit at sa mga kailangan namin dito sa bahay.
"Pambayad ko sa utang ko kay Mareng Tereng may inutang kasi ako sa kanya kahapon," paliwanag niya. Napailing na lang ako.
"Ma ano na naman po bang pinagbibili niyo? Baka di niyo na naman yan magamit. Nagtitipid pa naman tayo," saad ko at napabuntong hininga.
"Eh di wag ang damot-damot nito, dalwang daan lang naman ang hihingiin ko. Di porket may trabaho ka na magmamataas ka na sa'kin. Akala mo naman kung sino ka. Tandaan mo ako nagpalamon sayo ng bata ka pa," napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
Nakarating na naman sa kung saan-saan ang pinagsasabi ni mama. Kesyo ganito, kesyo ganyan.
Lagi na lang kaming ganito. Kung ano-anong pinagbibili niya pero hindi niya naman ginagamit ng matagal at kapag sinasabi ko sa kanya ang tungkol sa pagtitipid isusumbat niya kaagad ang lahat ng sakripisyo niya sa aming magkapatid.
Yong effort ko ba ma nakikita mo?
Kaysa humaba pa ang usapan naming dalawa nilabas ko na ang pitaka ko at naglabas ng dalawang daan.
"Ma ito po oh," pag-aabot ko ng pera sa kanya. Tumigil na siya sa pagsasalita at agad na lumapit sa'kin.
"Magbibigay naman pala kailangan pa akong galitin!" sambit niya sabay kuha ng pera sa kamay ko at lumabas ng bahay.
Kung nandito lang sana si papa.
Tiningnan ko ang perang natitira sa'kin. Kasya pa naman to. Alam na alam ko na ng galawan ni mama kaya lagi akong nagtatabi ng extrang pera para kapag humingi siya para may maibibigay ako.
Wala eh anak lang ako. Siya nanay ko. Lahat ng gusto niya gagawin ko, ibibigay ko para lang mapasaya siya.
Pero ang masaklap, hindi niya man lang yon maappreciate.
"Ate," tawag ng kapatid ko sa akin at agad siyang lumpit sa kinaroroonan ko.
"Bakit?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...