[Chapter 15]
Bakit ba ang hirap-hirap
Magsabi nang diretsahan?
'Di pagkakaunawaan
Pwede sanang pag-usapan
Tahan, pwede pa bang malaman?
Laman ng iyong isipan
Para walang maling akala
Tanghali na kami nagising. Nagpaalam din kaagad sa akin si Justine na kailangan niya ng umalis dahil may kailangan pa siyang puntahan. Hindi na ako nagtanong pa kung saan iyon.
“Ingat ka,” saad ko sa kanya ng ihatid ko siya sa labas.
“I will. Thank you,” saad nito at ngumiti sa akin. Ngumiti lang din ako pabalik sa kanya.
Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang nangyari kagabi. I just realized I’m afraid to know the truth. Hindi ko pala kaya kung malalaman kong may iba siyang babae. Ang sakit.
Nang makaalis siya ay ako naman ang nag-ayos dahil magsisimba kami at pupunta sa mall pagkatapos.
“Ma may titingnan muna ako ha, pumili muna kayo ng gusto niyo dyan ako na po magbabayad,” saad ko at nagtungo sa men’s section. Naghahanap ako ng ireregalo ko kay Justine.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na ibibigay sa kanya kung kaya't titingin-tingin muna ako baka sakali may makita akong babagay sa kanya.
Nasa hilira ako ng mga necktie ng may makabangga ako.
“Oh my gosh!” saad ng babae sa maarte nitong boses. Nagkalat sa sahig ang mga pinamili niya.
“Sorry,” saad ko at tinulungan siyang pulutin ang mga pinamili niya.
Nang iabot ko sa kanya ang pinamili niya ay natulala siyang nakatingin sa akin.
“J-Jasmin?” Tanong nito na nagpakunot sa noo ko samantalang siya ay windang na windang na para bang nakakita siya ng multo.
Matangkad siya na kaunti sa akin. Balingkinitan, maputi, ngunit mababakas mo sa mukha niya ang pagiging maarte.
“Yes? Magkakilala ba tayo?” Inosente kong tanong sa kanya.
“It’s impossible,” saad nito at tumawa na parang baliw.
Lumpit pa ito sa akin ng kaunti at kinurot ang pisngi ko. “Aray!” Saad ko. Napahawak ako sa pisngi ko dahil ang sakit ng pagkakakurot niya rito.
“Y-you’re r-real?” Nauutal nitong tanong.
Nawiwirduhan na alaga ako sa babaeng ito. Kaunti na lang masasapak ko na ‘to.
“Yes I’m real mukha ba akong multo miss?” Tanong ko sa kanya.
“B-but you died three years ago right? P-paano ka nabuhay?” Tanong nito sa akin. She looked so confused, maging ako ay ganoon na rin ang nararamdaman dahil sa sinabi niya.
“Nagkakamali ka ata Miss,” saad ko.
“But you said your name is Jasmin?” She asked.
“Yes, Jasmin is my second name… My name is Kate Jasmin De Vera,” saad ko na mas lalong ikinagulat niya.
“Y-you’re not Jasmin Sierra?” Nanininguradong tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...