[Chapter 14]
Nang magkahawak ang ating mga kamay
Umawit mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At ang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Simula ng mamatay si papa palaging may kulang sa tuwing pinagdiriwang namin ang pasko at bagong taon.Pero katulad ng nangyari sa christmas party namin sa kompanya, Justine make this year an exception. Hindi niya man mapalitan sa puso namin si papa but he filled something that I’m missing.
For the past seven years I’ve never been this happy. Hindi ko pinagsisihan na pinapasok ko siya sa buhay ko.
I look at my family, masayang-masaya sila mama at Nicole. Patuloy pa rin sila sa pakikipagkulitan kay Tito Arman at Tita Cheska. Hindi rin magpapahuli si Justine na ngayon ay komportable ng makikikulit sa kanila.
“Hey are you ok?” tanong ni Justine sa tabi ko.
“Y-yes,” sagot ko.
“Your spacing out,” ani nito.
“Ok lang ako may naalala lang,” saad ko sa kanya.
Umurong siya papalapit sa akin at kinuha ang kamay ko at pinagsilop ang kamay naming dalawa.
“Namimiss mo ba ang papa mo?” Tanong niya at tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
He squizzed my hands. “Wherever he is I know he is so proud of you. Napakaswerte nila na nagkaroon sila ng anak na katulad mo,” he said and smiled at me. Yong tipo ng ngiti na aalisin lahat ng pag-aalala at pag-aanlinlangan mo.
“Tara na sa labas malapit na mag-alas dose,” aya sa amin ni mama.
Agad naman kaming nagsitayong lahat para pumunta sa labas. Nauna si mama at Nicole, si Tito at Tita at panghuli naman kami ni Justine.
Nakaugalian na sa subdivison namin na magkaroon ng fireworks display tuwing pasko at bagong taon. Kung kaya’t hindi na namin kailangan pang lumayo para makakita ng ganito.
Nang makalabas kami ay marami na ring mga tao ang nag-aabang. May iilan rin kaming mga kapit-bahay na nakakakilala sa amin ang bumati. Maraming mga bata ang nagtatakbuhan at naglalaro habang suot-suot ang mga bago nilang damit habang ang iba sa kanila ay nagpapainggitan ng mga regalong natanggap nila.
Nanatili naman si Justine sa tabi ko habang magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. Nagsimula naman ng magbilang ang mga tao sa paligid.
Humiwalay sa akin si Justine at pumunta sa bandang likuran ko.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bumulong sa akin si Justine ng ‘Merry Christmas’ naramdaman ko rin na may inilagay siya sa leeg ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na binigay niya, a gold tulip pendant.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
Narrativa generaleDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...