Chapter 4 - The Signs

240 19 352
                                    

[Chapter 4]

Ika'y nakulong sa maling pag-iisip
Pangarap mo raw mananatiling isang panaginip
Sabi nila di raw kakayanin
Kaya't ika'y sumuko
At nagpasyang huwag nang subukin

It didn't took so long before kami nakarating ng Kalibo. Nasa 45 minutes lang ata ang byahe namin.

Pagkababa namin sa eroplano ay nandoon na kaagad ang van na nirentahan nila Sheia.

Dahil apat lang naman kami. Magkatabing umupo si Sheia at Kayden sa harapan samantalang nasa likuran naman nila kami Justine. Hindi kami magkatabi, may malaking space sa pagitan naming dalawa dahil pawang nasa may bandang bintana kami pumwesto.

Kung gaano kalapit sa isa't-isa ang dalawa sa harap namin ganoon naman kami kaayo ng lalaki sa tabi ko.

Pakiramdam ko nga ang baho na ng hininga ko dahil kanina pa ako hindi nagsasalita. Paminsan-minsan ay nagtatanong si Sheia kung ayos lng ba ako at panay oo lang ang sagot ko sa kanya.

After 1 hour, nakarating na rin kami sa Caticlan. Ang akala ko ay bangka ang sasakyan namin ngunit isa itong maliit na ferry. Ang mga upuan dito ay katulad ng sa eroplano.

Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin namangha ako sa laki ng hotel na pag-aari nila Kayden.

Halatang pangmayaman talaga ang hotel na ito dahil may swimming pool pa sa taas ng nito at mayroon din dito sa baba. May mga naglalakihang slides pa.

"Ateeee!" Excited na sambit ng magandang dalagitang papalapit sa amin sa tingin ko ay kapatid 'to ni Sheia dahil may pagkakahawig silang dalawa.

"OMG!" Matagal akong tinitigan ng kapatid ni Sheia na para bang nakakita siya ng multo. Nakatakip din ang dalawa niyang kamay sa kanyang bibig halatang nabigla ng makita ako.

Nagtataka naman akong tumingin kay Sheia. Agad siyang lumapit sa kapatid niya at may binulong. Tumango naman ito pero hindi pa rin naalis ang tingin niya sa'kin.

Weird. May dumi ba ako sa mukha?

"Ah akala ko si -" Hindi na natuloy ang kanyang sasabihin ng takpan ni Sheia ang bibig niya at pinandilatan ng mata.

Lumingon si Sheia sa amin habang pilit na ngumiti. "Tara na pasok na tayo. Alam kong pagod kayo sa byahe."

Agad naman kaming sumunod sa kanya. Nagkibit balikat na lang din ako at winaksi na sa isip ko ang naging reaksyon ng kapatid niya.

Pagpasok namin sa loob agad din ibinigay ni Kayden sa amin ni Justine ang kanya-kanya naming card.

Pansin ko talaga kanina pa tahimik ang isang to. Ano kayang problema niya?

"7am pa lng gusto nyo bang kumain muna?" Tanong sa amin ni Kayden.

Umiling ako sa kanya. "Mamaya na lang siguro hindi pa naman ako nagugutom," sagot ko.

"Ikaw bro?" Tanong naman niya kay Justine. Tipid lang itong umiling sa kanya.

"Sige magkita na lang tayo mamayang 11am dito sa lobby para sa lunch," saad nito sabay ngiti.

"Nasa fourth floor ang rooms nyo. Susundan ko muna si Sheia," paalam nito sa'min at umalis na.

Nauna ng maglakad si Justine papunta sa elevator at agad naman akong sumunod sa kanya.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon