Chapter 13 - Christmas

175 17 293
                                    

[Chapter 13]

Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?
Kay tagal ko nang nag-iisa
And'yan ka lang pala

It's already December 24 at abala ang lahat sa paghahanda sa noche buena. Kami ni Nicole ang nag-aayos ng bahay habang si mama naman ang nasa kusina para magluto.

"Mga anak," masayang tawag sa amin ni mama nang lumabas siya sa kusina. Hawak-hawak nito sa kanang kamay niya ang cellphone at sa kaliwang kamay naman ang sandok.

Nagpatigil kami ni Nicole sa ginagawa namin at nagkatinginan. May hawak pa akong walis samantalang pamunas sa alikabok naman ang sa kapatid ko.

"Darating ngayon ang Tito Arman at Tita Cheska niyo," nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ni mama.

Kapatid ni papa si Tito Arman at asawa naman nito si Tita Cheska, noon ay madalas ito sa amin bago sila pumunta sa Davao para roon na manirahan. Ngayon lang ulit namin sila nakakasama matapos ang pitong taon. Malapit kami ni Nicole sa kanilang dalawa lalo na at walang anak ang mga 'to.

"Talaga po ma?" Masayang tanong ni Nicole. Ang laki ng ngiti nito dahil alam niyang marami na namang dalang pasalubong sila Tito sa amin.

"Oo kaya bilisan na natin bago pa nila tayo maabutan," saad ni mama bago ito bumalik sa kusina para ipagpatuloy ka ang kanyang niluluto.

Tatlong doorbell mula sa gate ang nagpatayo sa amin. Nauna si mama at sumunod naman kami ni Nicole sa kanya.

"Tito! Tita!" Masayang salubong namin sa kanila ng kapatid ko.

"Kate! Nicole! Ang lalaki nyo na," sambit ni Tito Arman agad nitong ibinaba ang hawak niyang maleta para yakapin kami ng kapatid ko.

Bukod sa close kami kay Tito, kumukha niya rin kasi si papa kung kaya't naalala namin siya dito. Sa tuwing niyayakap niya ako pakiramdam ko si papa rin ang yumayakap sa akin.

Nang humiwalay kami kay Tito saka naman kami lumapit kay tita para yakapin pa siya.

"Ang lalaki nyo na talagang dalawa, parang kailan lang liliit nyo pa," saad ni Tita habang nanggigil na yinayakap kami.

Nasa gilid lang si mama at nakangiting nakatanaw sa amin.

"Sa loob niyo na ipagpatuloy yan. Pumasok na tayo at lumalamig na ang pagkain," saad ni mama.

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Maraming ikuwento sila Tito sa amin sa nging buhay nila sa Davao. Nalaman ko rin na nagmamay-ari sila ng taniman ng sagung at pinya.

Matapos kumain nagtungo kaming lahat sa sala. Hindi pa rin tapos sila mama, tita at tito mag-usap , wari'y pinupunan nito ang pitong taong nawala sa kanila. Paminsan-minsan ay sinasali kami nila ni Nicole sa usapan.

"Kumusta ang trabaho mo Kate? May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Tito sa akin.

"Ok naman po ang trabaho ko Tito at wala pa po akong boyfriend," sagot ko.

Nagkatinginan sina mama at Nicole. Umayos sila ng upo at saka sabay na tumikhim.

"Ay naku hija wag ka puro trabaho hayaan mo rin ang sarili mong sumaya," saad ni Tita Cheska sa akin ng nakangiti.

"Opo tita," sambit ko at ngumiti.

"Tita alam nyo ba may manliligaw yan si ate," pinandilitan ko ng mata si Nicole sa sinabi niya. Kung minsan talaga walang preno ang bibig nito.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon