Chapter 3 - The Moment

252 18 457
                                    

[Chapter 3]

Sunrise, I have run this far
Still I find you
Sunrise, show my weary heart, that
A new day will soon arrive
A new day will soon arrive


Tapos na ang meeting at palabas na ang lahat pero wala pa atang balak lumabas tong si Sheia. Nakaupo pa rin siya sa habang nakahalukipkip.

"Sheia hindi pa ba tayo lalabas?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at agad siyang tumayo.

"Dito ka na pala magtatrabaho?" Tanong niya kay Justine ang bagong head ng engineering department at ang lalaking nakapulot ng wallet ko.

"Yeah," sagot nito at nagkibit balikat lang.

"Sigurado ka na ba dyan?" She asked.

I wonder paano sila nagkakilalang dalawa.

Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hindi para magkaroon sila ng pribadong pag-uusap. Nasa likuran ako ni Sheia at walang ibang daanan palabas ng conference room kung hindi ang dumaan sa harap nilang dalawa. Ang kaso nahihiya ako.

Napansin siguro ni Sheia na nasa likod niya pa ako kung kaya lumingon siya sa'kin.

"Siya nga pala, Kate si Justine bestfriend ni Kayden. Justine si Kate siya ang head ng accounting department," pakilala sa aming dalawa ni Sheia.

Justine look at me. Kagaya ng kung paano niya ako titigan nang una kaming magkita. There is something in the way he looks at me. Kinikilabutan ako.

"I know," sagot ni Justine.

"Magkakilala kayong dalawa?!" Nagtatakang tanong ni Sheia.

Tumingin siya sa akin pagkatapos kay Justine. Kung anu-ano na namang iniisip ng babaeng to.

Bago pa may sabihin yong Justine inunahan ko na kaagad siya. "Oo but not personally may nangyari lang. Kwento ko na lang sayo mamaya. Kung may pag-uusapan pa kayong dalawa, mauuna na ako," I said and excused myself.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makalabas ako ng conference room. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong praning pero ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

Ano kayang meron?

Bumalik na ako sa opisina ko at sinimulan ng gawin ang trabaho ko. 4:30pm ng matapos ko ang ginagawa ko kaya inayos ko na rin ang gamit ko at naghanda na para umuwi kahit 5pm pa ang out ko.

Habang nag-aayos ako ay nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto. "Come in."

Inuluwa ng pintong yong ang kaibigan ko at alam na alam kong may hinihintay tong chismis at kanina niya pa gustong malaman.

Umupo si Sheia sa silyang nasa harap ng table ko.

"Paano kayo nagkakilala ni Justine," bungad niya na tanong sa'kin.

"Wow hindi ka naman atat siszt no?" Balik kong tanong sa kanya.

"Dali na kasi ikwento mo na," sagot niya.

Napailing na lang ako at sinimulan kong ikwento sa kanya yong nangyari noong sabado na hindi ko sinasadyang maiwan ang wallet ko sa supermarket at ang pagkikita namin kahapon nag ibalik niya sa'kin ang wallet ko.

"Yon lang?" Tanong ni Sheia sa'kin matapos kong magkwento.

"Ay wow ano pa bang gusto mong marinig sa'kin? Na may gusto ako sa kanya and blah blah blah and everything ha," nakataas ang kanang kilay ko habang nagtatanong.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon