[Chapter 2]
Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you
I really think that we could make it, girl
Bago pa mag 10am ay nandito na kaagad ako sa labas ng supermarket. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung paghihintayin ko pa siya lalo na at ako ang may kailangan sa kanya.Hindi ko pa pala alam kung babae o lalaki ang nakakuha sa wallet ko. Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya.
To: Unknown
Hello, nandito na po pala ako sa labas ng supermarket. Wala namang ibang tao dito sa labas, nakayellow off shoulder ako.From: Unknown
5 minsAng tipid naman nitong magreply. Hindi na lang din ako nagreply at naghintay pa ng 5 minutes bago siya makarating.
Nakasandal ako sa glass wall ng supermarket habang nakikinig ng music. I’m playing Ben&Ben songs. Pinapakinggan ko ngayon ang version nila ng make it with you. Sinasabayan ko sila sa pagkanta pero walang lumalabas na boses mula sa bibig ko. Alangan naman magconcert dito sa loob ng mall. Nakakahiya.
“Hey Miss, Kate De Vera right?” Bungad na tanong sa akin ng lalaki.
OMG ang gwapo naman ng lalaking ‘to. Thick eyebrows and eyelashes. Matangos na ilong at manipis na lips. May jawline pa nga at sobrang manly tingnan ng adams apple niya.
“Miss?” Muli niyang tanong sa akin at saka ako natauhan.
Ano ba yan Kate Jasmin nakakahiya ka. Wag ka naman masyadong pahalata diyan.
“Ah eh. Oo,” nahihiya kong sagot. “Ikaw ba yong nakakuha ng wallet ko?” Balik kong tanong sa kanya.
May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya sa likod at saka inabot sa’kin ang wallet ko. Agad ko iyong tinanggap.
“Thank you so much. Hulog ka ng langit. Sorry sobrang pre-occupied ko yata kahapon kung kaaya ‘di ko namalayan na naiwan ko ang wallet ko, ‘yan tuloy naabala pa kita,” paliwanag ko sa kanya.
He just stare at me and I won’t deny na although sobrang gwapo niya, nakakailang yong mga titig na binibigay niya sa’kin.
Binuksan ko ang wallet ko to check kung may nawawala bang importanteng cards dito. Mabuti naman at kompleto pa at hindi rin nabawasan ang pera na nandito.
“Don’t worry wala akong kinuha dyan. Tiningnan ko lang ang ID mo kung para malaman ko ang pangalan mo at buti na lang nandyan din ang contact number mo,” mas lalo akong nahiya sa kanya. Baka isipin niya na matapos niyang ibalik sa akin ang wallet ko paghihinalaan ko pa siyang may kinuha dito.
“Sorry. Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. By the way how can I pay you for your kindness? Gusto mo ba itreat kita ng starbucks or kung anong gusto mo? Sorry yon lang din kasi ang kaya ko,” I said sabay yuko ng ulo ko.
“No need. Kailangan ko na rin kasing umalis,” he said.
“Ganon ba. Sige maraming salamat ulit,” sagot ko. Tumango lang siya bago tumalikod at tuluyang umalis.
Nang makaalis na ang lalaking nagbalik ng wallet ko doon ko lang narealize na hindi ko pala natanong ang pangalan niya. Nasapo ko na lang ulit ang noo ko. Bakit ang tanga-tanga mo Kate Jasmin.
Sinundan ko kung saan siya dumaan at apalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung nandito pa ba siya pero hindi ko na siya nakita.
Hays kung sabagay nandito pa naman sa akin ang number niya itetext ko na lang siya mamaya para tanungin.
Monday na ngayon at may pasok na ulit sa trabaho. Nagkucommute lang ako papasok ng opisina dahil wala pa naman akong sasakyan. Isang oras din ang byahe bago ako makarating sa opisina.
“Hi Kate,” bati sa akin ni Sheia. Siya ang head ng Sales Department at siya rin ang pinakaclose ko sa mga katrabaho ko rito.
Marunong naman akong makisama sa lahat ng mga katrabaho ko rito pero hindi lahat ay tinuturing kong kaibigan. Sadyang mapili lang talaga ako pagdating sa kung sino ang kakaibiganin ko at pagsasabihan ng problema sa buhay.
Unang kita ko pa lang kay Sheia ay magaan na kaagad ang loob ko sa kanya. Pero pansin ko noong una ay sobrang distant niya sa akin at palagi siyang malungkot pero after the team building naging close kami.
“Hi Sheia blooming mo ah,” pang-aasar ko sa kanya. Alam kong may boyfriend na siya at 3 years na sila. Madalas din siyang hatid sundo ng bebe niya.
Sana all talaga ako hanggang ngayon NBSB. Lord mga kelan mo po ako bibigyan? Malapit ng lumampas sa kalendaryo yong edad ko pero hindi pa rin ako nagkakajowa.
“Busog sa pagmamahal ni bebeluvs,” sagot niya sa akin sabay kindat. Tumawa lang ako sa sagot niya.
“Sana all may Kayden hahahah.”
“Ilang beses na akong may nireto sayo pero lagi mong nirereject. Siszt babaan mo ng kaunti standard mo ha. Baka tumanda kang dalaga niyan,” saad niya and I just rolled my eyes on her.
“Dahhh hindi pa kasi dumarating si Mr. Right. At isa pa gusto ko yong sigurado na,” ginaya niya lang ang sinabi ko sa kanya. Alam kong memorize niya na yang linya ko kasi palagi ko yang sinasabi sa kanya.
Nasa harap kami ngayon ng elevator pagkabukas nito ay agad kaming pumasok ni Sheia. May iilang din kaming nakasabay rito.
“Oy alam mo ba may bagong head ang engineering department,” sabi ng isang empleyado.
“Oo ang sabi-sabi gwapo daw yon,” kinikilig naman na sagot ng isa.
Tumikhim ako kung kaya’t natahimik silang dalawa. Nagkatinginan din kaming dalawa ni Sheia habang may gumuhit na namang kakaibang ngiti sa labi ng kaibigan ko. Tsssk alam ko na kaagad ang plano nito.
Naunang lumabas ang dalawa sa 3rd floor samantalang naiwan kami ni Sheia dahil nasa 5th floor pa ang opisina naming dalawa.
“Magkakaroon ng meeting mamaya ah. Baka doon na ipapakilala si head engineer,” saad niya.
“Oh tapos?”
“Siszttt it’s your time to shine. Naniniwala ka ba sa kasabihang engineers are made for accountants.”
“At saan mo naman nakuha ‘yan aber?” Balik kong tanong sa kanya habang naiiling.
“Dyan lang sa tabi-tabi hehe,” sagot niya sa’kin.
“Naku Sheia tigil-tigilan mo yang pagiging Kupida mo ha, mamaya pakboy na naman yang ireto mo sa’kin.”
“Nararamdaman kong siya na si Mr. Right mo,” kinikilig niyang sagot sa’kin habang hinahampas ang braso ko.
“Tsseee! Buti ka pa alam na siya si Mr. Right ko samantalang ako hindi.”
Natigil ang pag-uusap namin ng bumukas na ang elevator.
“See you later sa meeting,” paalam niya sa’kin habang hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti.
Napailing na lang saka sumagot. “See you.”
Oras na ng meeting tahimik lang kami habang nakikinig sa plano and concerns katabi ko ngayon si Sheia. Kanina niya nililibot ang paningin niya para hanapin yong nbagong head ng engineering department.
“So I want to introduce to all of our newest head for engineering department, Engineer Justine Villanueva,” nagpalakpakan ang lahat at saka pumasok ang isang lalaki.
Natatameme ako ng marealize ko kung sino ang lalaking naglalakad papunta sa gitna. Siya yong lalaking nakapulot ng wallet ko.
Nang makarating siya sa gitna, yumuko siya ng bahagya at pag-angat niya ng tingin agad nagtama at mata naming dalawa. Mababakas sa mukha niya ang pagkabigla.
Paglingon ko kay Sheia, nawala na ang nakakawili niyang ngiti at napalitan ng pagkakunot ng noo.
I smell something fishy.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
Ficción GeneralDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...