[Chapter 24]
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig“Hey ready?” Bungad sa akin ni Justine ng makarating siya sa opisina ko.
“Yes,” sagot ko at ngumiti sa kanya.
We decided to eat dinner together pagkatapos ng trabaho pero sabi niya sa akin may dadaanan muna kami bago tumuloy doon. Alas kwatro pa lang naman kaya pumayag na rin ako.
Habang papalapit kami nang papalapit sa lugar na tinutukoy niya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil pamilyar ang lugar na ito sa akin.
Itinigil niya ang sasakyan sa malapit sa kinaruruunan ng puntod ni Jasmin. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay at tinanggap ito. Hawak-kawak ni Justine ang kamay ko habang papalapit sa puntod ni Jasmin. Ang isa niya namang kamay ay may hawak na dilaw na rosas at kandila.
Pagkarating namin doon ay nilinis niya ang puntod nito at pinalitan ang mga nalantang rosas ng bago niyang dala. Sinindihan niya rin ang kandila at tahimik na nagdasal, umupo ako tumabi sa kanya para sabayan siya. Napansin kong saglit na dumilat ang mata ni Justine para tingnan ako bago nito muling ipinikit ang kanyang mata.
“Kumusta ka na Jas? Sorry matagal na rin ng huli akong pumunta rito. Naalala mo ba yong kinuwento ko sa iyo noon? Si Kate? Nandito na siya ngayon sa tabi ko,” idinilat ko ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Justine. Habang tinititigan siya nakita kong nakangiti siya habang nakapikit.
“Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. Wag ka ng mag-alala sa akin Jas masaya na ako ngayon. All the memories we shared together... palagi kong babaunin ang mga ‘yon maging ang mga aral na iniwan mo sa akin.” Justine open his eyes and looked at me. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon bago muling ibinalik ang tuon sa puntod ni Jasmin.
“Hindi ka naman magagalit sa akin Jasmin kung pansamantala kong hihiramin si Justine sayo? Pangakong mamahalin ko siya ng buong-buo,” saad ko naman sa puntod ni Jasmin. Nilingon ako ni Justine ngunit hindi ko siya nilingon at ipinagpatuloy ang sasabihin ko.
“Hindi ko man mahigitan ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya pero pangako kong mamahalin ko siya sa paraang alam ko, papasayahin ko siya sa abot ng makakaya ko at higit sa lahat hindi ko na siya bibitawan pang muli,” and this time nilingon ko na si Justine. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Sa tingin mo masaya siya para sa atin?" Tanong ko kay Justine.
“I know she’s happy for us,” saad ni Justine habang nakangiting nakatanaw sa isang dilaw na paru-paro na lumilipad sa puntod ni Jasmin.
Sinundan namin ito nang tingin ng una itong dumapo sa balikat ni Justine at lumipad patungo sa balikat ko bago muling dumapo sa puntod ni Jasmin.
Hinawakan ni Justine ang balikat ko at bahagyang isinandal ang katawan ko sa kanya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.
The last time I went here it broke my heart into pieces. Hindi lang dumami ang tanong sa isipan ko mas lalo din nitong nakompirma ang hinala ko.
But I never knew that at this same spot tuluyan nitong hihilumin ang mga sugat sa puso ko. Tuluyan nitong aalisin ang mga pag-aalinlangan sa isipan ko. Tuluyang tutuldukan ang mga agam-agam ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...