Chapter 17 - Letting Go

211 15 1.9K
                                    

[Chapter 17]

Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more
To the warmth we had before?


Nang mawala si papa, isa iyon sa pinakamasakit na parte ng buhay ko. Ngunit ngayon, hindi ko akalain na muli akong masasaktan ng lubusan.

Sakit na hindi ko alam kung kailan ko ulit malalampasan. Sakit na hindi ko alam kung kakayanin kong muling makaahon.

"What are you talking about? Matagal nang wala si Jasmin, wag na nating siyang idamay rito," saad ni Justine.

The way he stare at me... it changed. Ibang-iba sa mga mata niyang nakatitig sa akin kanina.

It's cold... again. Just like the first time I saw him.

"Bakit nga ba hindi ha?"

"Stop talking nonsense Kate. Wala na siya ok. Wala na!" Nagsisimula ng tumaas ang boses niya sa akin.

"Wala na nga siya pero hanggang ngayon siya pa rin ang mahal mo!" Katulad niya'y nagsisimula na ring tumaas ang boses ko.

"Sino ka ba para pangunahan ako sa nararamdaman ko?!" Balik niya sa akin.

Sa mga oras na yong para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya. Natahimik ako at ilang beses na pinunasan ang mga luha kong wala pa ring tigil sa pag-agos. Sino nga ba ako para pangunahan siya?

Hindi ba sapat na rason ang mga nakita at narinig ko mula sa kanya na hanggang ngayo'y mahal niya pa rin si Jasmin? Hindi pa ba sapat na dahilan na hindi niya sinabi sa akin ang nakaraan niya? Hindi pa ba sapat na kamukha at kapangalan ko ang babaeng una niyang minahal?

[NP: Lifetime by Ben&Ben]
Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Paper planes and porcelain
Smell of rain through the window pane
And the sight of you
Oh, you were a good dream

"S-siguro nga wala akong karapatan para pangunahan ka Justine... pero iyong ilang beses mong tinatawag si Jasmin habang umiiyak sa tuwing nalalasing ka.... nagmamakaawa sa kanya 'wag ka niyang iwan. Hindi pa ba sapat yon para masabi kong mahal mo pa rin siya?"

"Oo wala na siya... wala na siya... pero hanggang ngayon may malaking puwang pa rin siya sa puso mo! Hanggang ngayon apektado ka pa rin sa kanya!" Nanghihina akong napaupo sa damuhan at bago ko pa man isinubsob ang mukha ko sa pagitan ng aking mga tuhod bakas sa mukha ni Justine ang labis na pagkagulat.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lang masabi sa kanya ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko.

Kahit ang sakit-sakit bitawan ng mga salitang ito sa kanya pero kailangan. Kahit pa kapalit nito'y unti-unting pagkadurog at pagkasawak ng puso ko.

I was scared to lose you then
But secrets turn into regrets
Buried feelings grow
Oh, you were a good dream

"P-please Kate ayusin naman natin to," nagmamakaawang sambit ni Justine.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniangat ang tingin ko.

"P-please I-i can't afford to lose you. H-hindi ko na ulit kakayanin na mawala sa akin yong b-babaeng m-mahal ko," saad niya. Just like me, tears starts falling from his eyes.

Sa mahina niyang paghikbi gustong-gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ibsan ang sakit na nararamdaman niya pero paano naman ako? Niloloko ko lang ang sarili ko kapag tinanggap ko siyang muli sa buhay ko.

Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more
To the warmth we had before?

"T-atanungin kita ulit Justine. M-mahal mo ba ako dahil mahal mo ako? O m-mahal mo lang ako dahil nakikita mo siya sa akin?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus iniyuko niya lang ang kanyang ulo.

Kung minsan hindi pala sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa. Tiwala? Iyon ang kulang sa amin. Wala akong tiwala sa kanya. Wala akong tiwala sa pagmamahal na pinapakita niya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit isipin na kamukha ko yong babaeng una mong minahal? Na kung hindi siya namatay wala sanang 'tayo'? Alam mo ba kung gaano kasakit isipin na baka minahal mo lang ako dahil nakikita mo siya sa akin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakayuko sa harapan ko habang nakaluhod.

Silence means yes.

Ang sakit isipin na kahit anong gawin ko hinding-hindi ko siya mapapalitan sa puso ng lalaking mahal ko. Na kahit wala na siya, siya at siya pa rin ang pipiliin nito.

Tangled with another's eyes
Never mind, you were never mine
Glimpse of me and you
Oh, you were a good dream

"Ang unfair eh. B-bakit kailangang kamukha ko siya? B-bakit kailangang kapangalan ko pa siya? B-bakit kailangan pareho kami ng magiging kaibigan? A-at higit sa lahat bakit kailangang pareho kami ng lalaking mamahalin?"

May mas sasakit pa ba kung ang karibal mo mismo sa puso ng taong pinakamamahal mo ay wala na? Paano ko siya lalabanan? Paano ako siya hihigitan?

"M-mahal kita Justine. M-mahal na mahal na kita alam mo ba yon?! P-pero ikaw? Hindi na ako sigurado sa pagmamahal na pinapakita mo sa akin. I doubted everything you did for me," saad ko at marahang pinahid ang luha kong wala na yatang katapusan.

Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more?

"I'm sorry if the love I have for you are not enough for me to stay. K-kapag pipagpapatuloy pa natin to pareho lang nating sasaktan ang isa't isa at ayokong dumating tayo sa puntong kamumuhian natin ang bawat isa," dagdag ko pa sa kanya.

"A love full of doubt? We both don't deserve that. Ayokong mahalin mo ako kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka sigurado sa tunay mong nararamdaman para sa akin at mas lalong ayokong mahalin ka nang may halong pag-aanlinlangan," mahaba kong paliwanang sa kanya.

Justine looked at me. Magkahalong sakit at lungkot ang nangingibabaw sa mata niya ngunit sa kabila non he weakly smiled at me.

"N-naiintindihan ko and I'm really s-sorry for everything. I-i'm letting you go," basag ang boses niya habang sinasabi sa akin ang mga katagang ito at sandaling hinalikan ang noo ko bago niya ako iniwan.

I'd spend a lifetime waiting in vain just to go back to the way we were before
Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more
To the warmth we had before?

As I watched him walking away from me habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya mas lalo lang lumakas ang paghikbi ko.

Ginusto ko naman 'to hindi ba? Pero bakit ganon? Kahit kaunti ay hindi naibsan ang sakit na nararamdaman ko bagkus mas lalo lang lumalim ang sakit.

Kung kanina siguradong-sigurado ako sa desisyon ko pero nang makita ko siyang naglalakad papalayo sa akin. Gusto ko siyang habulin. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya.

Ngunit ang utak ko... patuloy nitong sinasabi sa akin na tama lang ang ginawa ko. Na tama lang na pinakawalan ko siya. Na pinakawalan namin ang isa't isa.

We both need time. Pareho namin kailangan ng oras malayo sa isa't-isa. Hanapin ang sarili namin nang hindi kasama ang bawat isa.

Is there a lifetime waiting for us?
All this time, I have been yours

Kasabay ng pagputok ng makukulay na fireworks sa kalangitan, kung saan daan-daang tao ang masayang sinalubong ang taong ito ng may ngiti sa mga labi... heto ako at luhaang tinatanaw ang lalaking pinakamamahal ko habang tinatahak ang daan papalayo sa'kin.


Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon