Chapter 7 - Locked in His Arms

227 14 85
                                    

(A/N: Sorry for the late updates kasi umuwi kami ng probinsiya and unlike before I don't have all the time to sit down and write an update huhuh. So please bare with me. I hope you support this till the end. Medyo mahaba-haba ang storyang ito kompara sa dalawang nauna :)
Play the song Fall by Ben&Ben especially sa *toot* na part you will know where it is since I put lyrics there. Enjoy bb's! Thank you and keep safe! Xoxo ❤️)

[Chapter 7]

So why don't we fall in love tonight
'Cause everything else just feels so right
And now I just want to hold you tight
So why don't we just fall

Nang dahil sa nangyari mas naging mahigpit ang sekuridad sa loob at labas ng kompanya.

Naglagay din sila ng mga karagdagang cctv camera at nilagyan na rin ng ilaw ang madilim na bahagi ng parking lot kung saan muntik na akong gahasain.

Napag-alaman ko rin na matagal na pala akong minamanmanan ng lalaking 'yon at kahapon siya nakahanap ng magandang pagkakataon para gawin 'yon.

Kasalukuyan ng nakakulong ang lalaki. Mabulok na sana sa kulungan ang mga tulad nila.

Gusto ko na lang kalimutan ang nangyari, gusto kong kalimutan ang panibagong bangungot na ito.

Hindi na rin ako nag-abala pang sabihin ito kay mama. Buong araw kong isinubsob ang sarili ko sa trabaho ng sa ganon ay hindi ko masyadong isipin ang mga nangyari noon lalo na ang naganap kahapon.

I wanted to bury everything in the past gaya ng ginawa ko dati at alam kong magagawa ko rin ulit ngayon.

Tatlong katok ang nagbalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

"Gosh Kate are you ok?" Agad ni tanong sa akin ni Sheia nang makapasok siya.

"Ayos lang ako Sheia no need to worry," I said with a faint smile.

"Paano naman ako hindi mag-aalala sayo ha? Muntik ka ng magahasa!" Hysterical niyang sagot. One thing I noticed about her she's very protective.

"Ayos lang talaga ako. Buti na lang dumating si Justine kung hindi baka kung ano pang nangyari sa'kin. Hinatid niya rin ako pauwi," nawala ang nag-aalalang mukha ng kaibigan ko at napilitan ng pagkakunot ng noo.

"You mean Justine na kaibigan namin ni Kayden?" Paninigurado niya.

"Bakit may iba pa bang Justine dito?" Balik kong tanong sa kanya. Umiling lang siya at natahimik.

"May problema ba?" Muli kong tanong sa kanya.

"Wala naman. It just that I know him for almost five years and never yan nagpasakay ng sasakyan niya. Very unusual."

"Wag ka ngang echosera siszt nagmamalasakit lang yong tao."

"At isa pa he may look so cold and suplado outside pero alam kong mabuti siyang tao," dagdag ko pa. Tumango naman ng tatlong beses sa akin si Sheia at ngumiti.

"By the way Sheia nabanggit mo na lang rin naman na matagal na kayong magkakilala. What happened to him? Bakit siya ganoon. I think something bad happened to him in the past."

Gulat na napatingin sa'kin si Sheia. Agad din siyang nag-iwas ng tingin and I noticed that she's about to cry, kinagat niya pa ang pang-ibabang labi niya para lang pigilan ang sarili niyang umiyak sa harapan ko.

"Hey no need to answer. I respect if it's something na hindi niyo pwedeng sabihin sa'kin," pag-aalo ko sa kanya.

Tumingin siya sa itaas bago niya muling ibinalik sa akin ang kanyang tingin.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon