Chapter 11 - Preparation

177 14 170
                                    

[Chapter 11]

Lives have grown roots around each other
We both know the truth is we don't really care
To find any room to doubt each other
We're tied by the roots of whatever we shared


"Saan nyo pala planong magchristmas?" Tanong niya sa akin.

Katatapos lang namin kumain at napagdesisyunan na ring umuwi. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa parking lot.

"Sa bahay lang siguro, hihintayin magnoche buena, kakain at matutulog tapos kinabukasan magsisimba," sagot ko sa kanya.

Nakagawian na namin ito kahit noong buhay pa si papa na salubungin ang pasko at ang bagong taon at kinabukasan sabay-sabay kaming magsisimba.

"Ikaw ba?" Balik kong tanong sa kanya.

"Still undecided baka sumunod ako kina mom and dad sa states," kibit balikat niyang sagot sa akin.

"Oh e 'di gawin mo, spend time with your family. Lalo na at minsan mo lang naman silang nakakasama," i said to him and smile. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.

Ang gwapo niya talaga.

"But we have a Christmas Party 'di ba? I'm thinking since it's my first time baka dito muna ako magpapasko," sagot niya.

Muntik ko ng makalimutan may Christmas party nga pala kami sa December 23 at December 18 na ngayon. Five days to go at wala pa akong isusuot sa araw na 'yon. Blue ang theme ng susuotin namin ngayong taon.

"Ikaw ang bahala," saad ko.

"May susuotin ka ba?" Tanong niya ulit sa'kin.

We stop ng makarating na kami sa harap ng sasakyan niya.

Umiling ako ng tatlong beses. "Masyadong maraming nangyari nitong mga nagdaang araw kaya nawala sa isip ko," sagot ko sa kanya.

Halos isang buwan na rin ng mahospital ang kapatid ko at 3 weeks ago naman ng umamin si Justine at nagsimulang manligaw.

Agad na binuksan ni Justine ang shotgun seat at ang isang kamay nito ay nasa ulo ko upang alalayan akong makapasok.

Nang masara niya ang pinto. Tumakbo na siya papunta ng driver seat. Mabilis kong inilagay ang seatbelt ko nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Did you enjoy the dinner?" Tanong niya sa akin nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Yes. Thank you," sagot ko at ngumiti ng matamis sa kanya.

"Good to hear," saad niya ng nakangiti rin.

Kahit naman saan tayo kumain, sa mamahalin restaurant, fast food, o kahit pa sa karinderya kung ikaw ang kasama mag-eenjoy ako.

Syempre sa isip ko lang yan sinabi baka mamaya mas lalong lumaki ang ulo ng isang 'to.

Tinanggal ko ang seatbelt at saka lumingon sa kanya.

"Good night," I said bago ko buksan ang sasakyan.

Hinahawakan niya ang pulso ko para pigilan akong makababa. Nilingon ko siya ang nagtatakang tinitigan.

"May problema ba?" Tanong ko.

"I just forget something," saad niya at mabilis akong hinagkan sa noo.

"Good night... dream of me," sambit niya sabay kindat.

Wala sa sarili akong tumango sa kanya at bumaba. Nang makaalis siya saka pa lang ako natauhan.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon