Epilouge

295 22 26
                                    

[A/N: Sa acknowledgement na ako mag-eemote hahahaha. Hope you listen to Walang Papalit by Music Hero. Kagaya ng ang sinabi ko I was hesitant to write this story at first pero bigla kong narinig ang kantang yan and boom nasulat ko ang Begin Again heheh. Sila rin yong kumanta ng Klwkn. Enjoy and thank you so much my bbs 💙]

[Epilouge]

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo'y walang kibo
Ngiti'y di maalis
Sana'y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

Justine's POV

When I lost Jasmin, I also lost the reason to live. But then, she make sure na hindi ko sasayangin ang buhay ko. Na kahit wala na siya, she never failed na iparamdam sa akin na nariyan lang siya para gabayan ko.

Akala nila ok lang ako. Akala nila masaya na ako. Akala nila hindi na ako nasasaktan sa pagkamatay ng babaeng mahal ko. Pero hindi naging madali sa akin ang lahat. Sino bang magiging masaya kung yong dahilan ng kasiyahan mo wala na?

When everyone's not around, all I felt is loneliness. Binabalot ako ng lungkot, galit at panghihinayang.

Ilang beses ko tinangkang magpakamatay, tapusin ang buhay ko para sundan si Jasmin. But everytime I attempt to do it, out of nowhere bigla kong maririnig ang kantang ginawa niya para sa akin, she also visited me on my dreams, reminding me that she will never be happy if I end my life like that.

Days, months, years had passed pero yong sakit simula ng mawala si Jasmin mas lalong lumalin dala ng matindi kong pangungulila sa kanya. Ang sakit-sakit kasi kahit anong gawin ko hindi na siya babalik... na tuluyan niya na akong iniwan mag-isa sa mundong ito.

I'm a total mess not until I found the woman who resembles her. Naisipan kong maggrocery sa pinakamalapit na supermarket sa condong tinutuluyan ko at habang nagbabayad I noticed na naiwan ng babaeng nauna sa akin ang wallet niya. Kinuha ko ito at hinabol siya pero paglabas ko wala na siya.

When I opened it, halos umawang ang bibig ko sa matinding pagkagulat dahil hindi ako makapaniwala sa litratong nakita ko mula sa id niya.

Bakit? Bakit kamukha niya si Jasmin?

Kate Jasmin De Vera iyon ang nakasulat doon. Nakita ko rin na may calling card siya roon.

Pinaglalaruan ba ako? Bakit magkapangalan pa sila?

I was hesitant kung tatawagan ko ba siya o hindi pero baka kailangan niya ang kanyang wallet dahil nandito pa ang mga importante id's at atm niya. So I immediately grab my phone and texted her.

The moment I laid my eyes on her, yong puso ko nagwawala. Bakit pati pananamit nila magkatulad rin? Jasmin used to love off shoulders.

Nang magtama ang mata naming dalawa halos magwala ang puso ko. Alam kong hindi siya si Jasmin pero bakit nagkakaganito ang puso ko ng makita ko siya? An unknown feeling na ngayon ko lang naranasan matapos ang tatlong taon.

I can't help but to stare at her face. Ang mukhang iyon... iyon ang mukhang gustong-gusto ko ng makita ngunit hindi sa ganitong paraan.

Hindi ko maatim na magtagal pa sa lugar na iyon kung kaya nang maibigay ko sa kanya ang kanyang pitaka umalis na rin ako pero inimbitahan niya pa akong ilibre pero mariin kong tinanggihan.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon