[Chapter 10]
Huling hirit
Di ko alam kung bakit
At paano mo napapawi ang kalungkutan ko
Abot langit
Ligayang dulot mo
Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito
For the past 24 years, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na may isang taong magpapatibok ng ganito sa puso ko.Isang tahimik at supladong lalaki pero sa tuwing nalalagay ako sa kapahamakan ay hindi man lang nagdadalawang isip na iligtas ako.
Isang taong may matayog at matibay na pader para ikubli ang kanyang sarili mula sa lahat pero sa isang iglap ay agad niyang aalisin para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.
Kailanman ay hindi ko nakita ang sarili kong magkakagusto sa tulad niya ngunit heto ako at unti-unting nahuhulog sa kanya.
Way back in high school and college I was too busy and focus with my studies that everytime na may nagbibigay motibo ay kaagad ko silang tinutulak papalayo.
Don't get me wrong, I'm not a man hater. Hindi lang ako yong tipo ng taong kailangan may lalaki sa buhay niya. I can stand on my own. Hindi ikababawas ng pagiging babae ko kung wala pa akong nagiging jowa.
Nakadagdag rin dito na lumaki akong independent dahil simula ng mamatay si papa halos ako na ang kumakayod para sa pamilya namin.
And one more thing, ayoko sa panandaliang landian. Yong tipong manliligaw pa lang kapag pumayag ka akala'y kayo na. Kapag hindi mo naman sinagot kaagad ay may bago na. O di naman kaya, a relationship that only last for couple of weeks or months.
But Justine Villanueva changed my whole principle.
Sa kanya ko naranasan na hindi pala masamang kumuha ng lakas sa iba lalo na kung ikaw mismo sa sarili mo, sukong-suko na. Na hindi masamang umiyak at maging mahina at ipakita ito sa taong handang saluhin ang mga luha mo dahil lahat tayo'y may kahinaan at limitasyon.
Tinitigan ko nang matagal ang dilaw na tulips na hawak ko. Hindi ko maalis ang matamis na ngiti sa labi ko.
Everytime i entered my office, isang dilaw na tulips ang laging sumasalubong sa akin.
Nang unang beses kong makatanggap ay hindi ako nag-abalang pansinin 'to pero Justine texted me, tinatanong kung nagustuhan ko ba ang bulaklak na bigay niya.
We also exchanged numbers last time kung kaya't natitext at natatawagan niya na ako. Hindi ko nga alam kung bakit ibinigay ko kaagad sa kanya ng hiningi niya sa akin.
He is very consistent simula nang sabihin niya sa akin gusto niya rin ako ay nagsimula na siyang manligaw.
At ako? Heto go with the flow lang. Gusto kong subukan dahil bukod sa first time kong magkagusto sa taong gusto rin ako. Maybe it's time na hayaaan ko rin ang sarili kong sumaya.
Tatlo beep mula sa cellphone ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko.
Agad ko itong kinuha at nang tingnan ko ay si Justine pala ang nagtext.
From: Justine
Let's have dinner after work.Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti ng malaki. Sumandal ako sa swivel chair at nagpaikot-ikot habang nakaupo pa rin doon.
Ilang minuto ko pang tinitigan ang cellphone ko at paulit-ulit na binasa ang message niya bago nagreply.
To: Justine
Sureeee
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...