Chapter 18 - First Kiss

204 13 54
                                    

[Chapter 18]

'Wag ka lang bumitaw
Ayokong maiwan sa kawalan
'Di lubos matanaw
Mas kaya ko pang ipagsapilitan na
Isipin kung tama ang alam kong mali
Ibigin lang sana
Kahit kunwari
Kahit kunwari

"Are you going to take it Ms. De Vera?" Tanong sa akin ng head ng HR department.

"Yes Ma'am. Thank you po," nakangiti kong saad sa kanya at malugod na tinanggap ang kamay niyang nakikipagkamay sa akin.

"I know you will do well. Sayo nakasalalay ang kompanya natin," seryosong saad nito.

"I will do my best Ma'am."

"You may now go baka magkaiyakan pa tayo rito," wika nito.

Sandali akong yumuko sa harap niya bago lumabas.

I signed sa susunod na araw na kaagad ang flight ko papuntang Davao. May branch ang kompanya namin doon at kakatanggal lang nila sa head accountant dahil sa dami ng anumalyang nangyari.

Napagdesisyunan nang na management, na dito na mismo sa kompanya namin manggagaling ang susunod na head accountant at ako ang napili nilang humawak dito.

Pagkatapos nang lahat ng nangyari... hindi na ako nagdalawang isip pa and I decided to take this opportunity. Kailangan ko munang lumayo sa lahat at kailangan ko muna ng oras para mapag-isa.

Inaayos ko ang gamit sa opisina ko ng may kumatok sa pinto.

"Come in," saad ko na hindi tinitingnan kung sino man ang pumasok dahil abala ako sa pagliligpit.

"So tinanggap mo pala?" Tanong sa akin ni Sheia. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot.

Pansamantala kong itinigil ang ginagawa ko at tiningnan siya. Bahagya akong ngumiti bago sumagot.

"Kailangan nila ako roon," tugon ko.

"There a lot of good accountants here Kate pwede mo naman tanggihan," mahina niyang sambit.

"Para saan pa Sheia? Hindi ko kayang manatili sa lugar kung saan palagi ko kayong nakikita at isa pa kailangan namin ng pera," saad ko. Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko.

Tumingala ako sa itaas para pigilan ang sarili kong umiyak. I'm so sick and tired of crying.

"I'm s-sorry kung n-nasaktan ka namin." She said betweem her sobs.

"I'm s-sorry–," hindi niya niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko iyon.

"Please stop! Tama na Sheia. Ayoko ng makarinig pa nang kung anumang paliwanag mula sa inyo! Ayoko ng marinig kung ano pa ang gusto niyong sabihin!" Saad ko. Pilit kung pinipigilan ang sarili kong huwag umiyak sa harapan niya.

Pain registered on her eyes. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak because after all she's still my only bestfriend.

But just like me she's a great pretender. Huminga muna ng malalim si Sheia at saka pinahid ang mga luha niya.

"Mag-iingat ka. Thank you for everything," saad niya sa akin bago ito tumakbo palabas ng opisina ko.

Tulala akong napaupo sa swivel chair ko. Akala ko kaya ko pang pigilan ang mga luha ko ngunit heto sila't nag-uunahan ng bumagsak.

Tahimik akong humikbi at ipinilig ang ulo ko sa lamesa habang nakapatong sa mga kamay ko.

Hindi ko akalain na sa isang iglap parehong mawawala sa tabi ko ang nag-iisa kong kaibigan at ang lalaking mahal ko.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon