[Chapter 23]
Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I've never been more certain
I will love you 'til we're old
Maybe the night holds a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down, just be near
Stay together here
At some point of our live we turn our back to something or someone not because we don’t want them anymore, sometimes at that very moment it’s the most right thing to do.Naniniwala naman ako na kapag para sayo, para sayo talaga. No mattter how long it takes, when the right time comes everything will fall into its right place.
Ako at si Justine? Kinailangan namin tahakin ang landas na malayo sa isa’t isa ng sa ganoon pareho naming mahanap ang mga sarili namin. Parehong maghilom ang mga sugat namin. Pareho naming malaman kung ano ba talaga ang gusto namin.
Sa loob ng limang taon ang daming nangyari. Ang dami kong naintindihan at nauwanaan… na siguro kung hindi ako lumayo, kung hindi namin pinakawalan ang isa't isa hinding-hindi ko mahahanap sa puso ko ang pagtanggap at pagpapatawad.
Pagtanggap na hindi ako ang babaeng naunang mahalin ng lalaking mahal ko. Na hindi rin naman naging madali sa kanya ang lahat sapagkat minahal niya ng totoo si Jasmin. Na katulad ko ay nasasaktan din siya. Na hindi ko kailangan makipagkompetensiya kay Jasmin. Na hindi ko kailangang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Magkamukha man kami, siya at ako ay kailanman ay hindi magiging isa.
Pagpapatawad na hindi ko lang ibinigay sa kanila kundi maging na rin sa sarili ko. I need to forgive myself for thinking I’m not enough. Na sapat ako hindi lang sa mata ng mga tao sa paligid ko kundi maging na rin sa sarili ko mismo.
Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag sa tumama sa mukha ko. Bahagya kong itinaas ang kamay ko para harangan ang liwanag habang unti-unti minumulat ang aking mga mata. Nang makapag-adjust na ang mata ko sa liwanag, naaninag ko ang dalawang guwardiya nakatingin sa amin habang may hawak na flashlight.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako matapos naming mag-usao ni Justine. Nang tingnan ko ang ayos ko, kasalukuyan akong nakahiga sa sahig at ang ulo ko ay nakaunan sa binti niya.
Agad akong napabalikwas ng bangon at napaupo dahilan para magising si Justine. Napansin ko ang kanyang coat na nakatakip mula sa aking baywang hanggang sa tuhod na siyang ginawa kong pansamantalang kumot.
“Naku Sir Justine, Ma’am Kate ayos lang ho ba kayo? Kakabalik lang ho ng kuryente, papunta na ho sana kami sa 3rd floor ng makita namin kayo rito,” saad ng isang guwardiya na sa tingin ko’y nasa edad kwarenta na.
“Ayos lang po kami salamat po,” saad ni Justine at saka tumayo.
“Sige ho mauuna na kami,” paalam ng dalawang guwardiya.
Nang makaalis sila tiningnan ako ni Justine at inilahad nito ang kamay niya sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na tinanggap ito.
“Thank you,” saad ko sa kanya at ibinigay sa kanya ang coat.
Kinuha niya ito sa akin. Akala ko ay isusuot niya itong muli pero sa halip ay ipinatong niya ito sa magkabila kong balikat.
“Malamig sa labas,” sambit niya. Pinagsilop niya ang kamay naming dalawa dahilan para lihim akong mapangiti habang sabay na naglalakad palabas ng kompanya.
“Ihahatid na kita,” saad nito nang makarating kami sa labas.
“H-ha–”
“Madaling araw na. Wala ka ng masasakyan, mahirap na baka mapaano ka pa,” puna nito sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at hindi na nakipagpatalo pa.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...