[Chapter 20]
Cause I'm stuck in this illusion called us
Stuck in this puzzle and it doesn't get any better
Stuck in this illusion called us
Together, us forever oohhhh
Maybe never
5 years later…“...oo nasa amin na ako. Thank you,” saad ko sa telepono.
“Miss na kaagad kita… mag-iingat ka dyan. See you soon,” sambit nito mula sa kabilang linya. I smiled sobrang sweet talaga ng lalaking ‘to.
“See you Jake,” sagot ko at saka ibinaba ang tawag.
Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa harap ng bahay namin habng hila-hila ang dalawang maleta.
“Anakkkkkkkkk!” sigaw ni mama nang makita niya ako sa labas ng bahay namin. Binitawan nito ang hawak niyang walis tingting at dustpan, tumatakbo itong lumapit sa akin. Ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap.
“Bakit hindi mo sinabing uuwi ka na pala. Sana sinundo ka namin,” saad ni mama.
“Ok lang po ma. Si Nicole po?” Tanong ko kay mama.
“Ayon nasa trabaho. Mamaya pa ang uwi non,” sagot ni mama.
Isa ng licensed civil engineer ang kapatid ko. 2 years ago ng grumaduate siya ngunit hindi ako nakauwi dahil sa trabaho ko.
Napangiti ako ng makita ang bahay namin dahil sa wakas ay naipaayos na. Malaki ang ipinagbago nito kumpara sa dati naming bahay. Dalawang palapag na ito. Kapatid ko mismo ang tumayong engineer.
“Siguradong matutuwa yon kapag nakita ka. Miss na miss ka na ni Nicole,” saad ni mama.
“Hindi nyo ba ako na miss ma?” kunwaring nagtatampong tanong ko.
“Anong hindi... miss na miss rin kaya kita anak. Pero anak salamat ha, dahil sayo nabayaran na natin lahat ng utang natin, napaayos pa ang bahay natin at higit sa lahat napagtapos mo ang kapatid mo,” naiiyak na saad ni mama habang nakangiti.
“Ma ano ba kayo. Alam niyo namang gagawin ko ang lahat para sa inyo hindi ba?” Nakangiting tugon ko. Tumango ito at saka niyakap ako ng mahigpit.
Limang taon… limang taon na rin ang lumipas at ang dami nang nangyari... ang dami nang nagbago. Kumusta na kaya sila? Kamusta na kaya siya?
Napailing ako dahil sa naisip ko. Kababalik ko pa lang ito na naman iniisip ko.
“Ateeeeee!” Saad ni Nicole ng makapasok siya ng bahay.
Agad niyang inilapag sa sofa ang gamit niya at parang batang nakisiksik sa akin sa kinauupuan ko.
“Hanggang ngayon para ka pa ring bata,” saad ko.
“Ako naman talaga ang baby sister mo,” tugon nito at mas lalo isiniksik ang katawan niya papalapit sa akin habang nakapulupot ang dalawang kamay nito sa baywang ko.
“Baby damulag,” sambit ko na kinakunot ng noo niya. Humiwalay siya sa akin at pinagkrus ang kanyang braso.
“Nagtatampo pa rin ako dahil hindi ka umuwi nang graduation ko buti na lang–,” hindi nito naituloy ang kanyang sasabihin ng pandilatan siya ni mama ng mata.
“May trabaho nga si ate ‘di ba? Sige na kunin mo sa kwarto ko yong pasalubong ko sayo,” saad ko na nagpawala ng pagkakunot ng noo niya.
Pangiti-ngiti itong tumayo at bago pumasok sa kwarto ko nilingon niya muna ako. “The best ka talaga ate,” napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Begin Again (COMPLETED)
General FictionDuology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamilya mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. But what if no matter how hard she try, it's still...