Chapter 6 - The Knight in Shining Armor

208 15 301
                                    

[Chapter 6]

'Cause I am falling faster like a train of love
Coming right and getting close to you
And I am falling faster like the speed of light
Shining bright and chasing over you
Now I am closer into you


Pagkarating ko sa bahay agad akong humilata sa higaan dahil sa sobrang pagod. Wala si mama pagdating ko at may pasok naman si Nicole kung kaya't tahimik ang bahay.

Kanina habang nasa byahe pansin ko ang pag-iwas sa akin ni Justine hanggang sa makauwi kami.

Tskkk 'di man lang nagpasalamat na tinulungan ko siya kagabi.

Actually curiosity is slowly eating me. Dudang-duda na ako sa mga kinikilos nila. Lalo na ang huling sinabi sa'kin ni Justine bago siya mawalan ng malay.

Why is he begging me to stay? But wait, ako nga ba talaga?

Sa lalim ng iniisip ko at dala na rin ng matinding pagod hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako nang hindi man lang nakakapagbihis.

"Anak yong kulang ko pala kay Mareng Tereng," bungad sa akin ni mama pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. Hindi usong good morning ma no? Pera kaagad.

Nakaayos na ako para pumasok sa opisina. Napabuntong hininga na lang ako bago kinuha ang wallet ko at nag-abot ng limang daan.

"Wala ka bang pasalubong sa'min?" Pangiti-ngiting tanong sa akin ni mama. Alam ko namang nakita niya na ang bitbit kong paper bag.

Excited niya itong kinuha sa'kin at tuwang-tuwa siya ng makita niya ang alam non. Dalawang bilog bag na gawa sa buri para sa kanilang dalawa ni Nicole, t-shirts na may nakaimprint na boracay, mga keychains at ang mas lalong nagpakinang sa mga mata niya ay ang pares ng hikaw na gawa sa perlas.

Lumapit si mama sa'kin at yinakap ako ng mahigpit. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. "Salamat anak ko," malambing na nito.

Wala akong ibang ginastos sa boracay dahil tulad ng sinabi ni Sheia libre ang lahat doon. Kaya naman binilhan ko si mama ng bagay na ikakatuwa niya.

Alam kong ito ang madalas naming pag-away... ang mga luho niya. Pero iba ang dulot na saya sa'kin sa tuwing may binibigay ako kay mama at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.

Masyado talaga siguro akong uhaw at sabik na sabik sa pagkalinga ng isang ina kahit alam kong hindi naman na ako bata.

Dahil pakiramdam ko ng mga oras na 'to ay may nagawa akong tama at mabuti sa kanya.

"Ma mauna na po ako," paalam ko sa kanya. Kumaway lang siya sa akin, abala na ito sa pagsuot ng hikaw habang nakaharap sa malaking salamin.


Pasara ng ang elevator ng kamay na pumigil dito. Agad ko pinindot ang open button para mabuksan 'to.

Napako ang tingin ko sa lalaking kahapon pa ako iniiwasan. Siya ang una nagbawi ng tingin. Pumwesto siya sa bandang dulo habang nasa may bandang harapan naman ako.

Wow ha!

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng Justine na 'to feeling ko tuloy may nakakahawa akong sakit para iwasan niya ako ng ganito.

Nilingon ko siya at ngumiti ng matamis sa kanya. "Good morning engineer," bati ko.

Nakakunot ang noo niyang tumingin sa'kin. " Good morning," tipid niyang sagot bago binawi ang tingin niya.

"Suplado," mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka Ms. De Vera?" Tanong niya sa akin.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon