Chapter 19 - New Beginning

182 14 38
                                    

[Chapter 19]

And how do I begin with all that I can think of
All the memories, memories of us
How can I be strong when all of these songs does memories
A memory of how we used to be

"Anak mag-iingat ka roon ha," naiiyak na bilin ni mama. Nginitian ko siya ng bahagya at saka tumango.

"Ate!" sambit ni Nicole at saka niyakap ako mahigpit.

"W-wag ka ng umalis please," umiiyak na wika nito. Niyakap ko siya pabalik ang marahang tinapik ang balikat niya.

"Ssshhh wag ka nang umiyak," pag-alo ko sa kapatid ko pero imbis na tumahan mas lalo lang lumakas ang paghikbi nito.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap ni Nicole at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Alagaan mo nang mabuti si mama ha. Kapag may kailangan kayo magtext o kaya tawagan nyo kaagad ako," bilin ko sa kanya.

Ilang beses itong tumango sa akin habang wala pa ring tigil sa pag-agos ang mga luha niya. Niyakap kong muli ang kapatid ko at nang tingnan ko si mama tahimik itong humihikbi sa tabi.

"Ma!" Tawag ko sa kanya at pinalapit siya sa amin ni Nicole. Mahigpit ko silang niyakap dalawa.

"Saglit lang akong mawawala ha. Babalik din ako," saad ko. Pilit kong tinatatagan ang sarili kong huwag umiyak sa kanilang harapan.

"Huwag kang mag-alala Brenda kami ang bahala sa anak mo," saad ni Tito Arman. Ngumiti rin si Tita Cheska bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Tito.

Magkasabay kaming tatlo na pupunta sa Davao. Mabuti na lang at doon ako madidistino kung kaya't kina Tito Arman na muna ako makikitira nang sa ganoon ay hindi ko na kailangan pang humanap ng matutuluyan.

"Sige na baka mahuli kayo sa flight nyo," saad ni mama. Muli nila akong niyakap ng mahigpit ni Nicole bago kami pumasok sa airport.

"Ate hindi ba pupunta si Kuya Justine?" Pahabol na tanong ng kapatid ko habang pinupunasan ang pisngi niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang nangyari sa amin ni Justine. Isa pa ayoko rin na magalit sila sa kanya.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti ng malungkot sa kapatid ko.

"Busy siya eh. May kailangan pa siyang puntahang trabaho pero nagkita kami kahapon," pagsisinungaling ko at tumango lang silang dalawa ni mama.

Pero totoo namang nagkita kami kahapon ni Justine sa sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ng babaeng mahal niya. Sa sobrang kalasingan hindi na ito nagising pa kung kaya't tinawagan ko si Kayden para humingi ng tulong.

"Hello Kayden? Can I asked you a favor? Last na to," saad ko mula sa kabilang linya.

"Nasa sementeryo kasi ako. Nandito rin si Justine. Nawalan siya ng malay sa sobrang kalasingan."

"Thank you. Sige hihintayin kita."

30 minutes bago nakarating si Kayden sa sementeryo. Napailing ito habang nakatitig sa kaibigang walang malay.

"Thank you Kayden," saad ko sa kanya ng ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. He insisted na ihatid muna ako bago niya ihatid si Justine sa bahay nito.

"You're welcome. Wag kang mag-alala ako ng bahala diyan," sambit niya at saglit na tiningnan si Justine.

"S-sige," sagot ko. Sa huling pagkakataon sinulyapan ko si Justine na mahimbing na natutulog sa likod at saka bumaba sa shot-gun seat.

Begin Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon