8

35 3 2
                                    

Mel's POV

Nandito ko ngayon sa cafeteria. Hinihintay ko kasi sila Airah at Eli. May pupuntahan daw muna sila e.

Bigla silang pumasok habang hinihila si Jimin. Kasama na din nila si Yoongi.

"Mel, may sasabihin nga pala sa'yo si Jimin." Sabi ni Eli.

Tumingin ako kay Jimin.

"Wala naman akong sasabihin." Sabi ni Jimin.

"Sus! Sabihin mo na kasi! Hindi ka naman kakagatin ni Mel." Sabi ni Airah.

"Ano ba yun?" Tanong ko.

"Sige iwan muna namin kayo ah!" Sabi ni Airah at hinila palayo yung dalawa.

"Ano ba yung gusto mong sabihin?" Tanong ko.

"Uhm, ano kasi," Naghintay ako ng idudugtong niya.

"Uhm, pwede bang," Sabi niya.

"Pwede bang?" Tanong ko.

"Pwede bang tulungan mo ko??" Tanong niya.

"Sus, yun lang ba sasabihin mo? Sige, okay lang. Tungkol saan ba? Project? Assignment?" Tanong ko kasi wala naman akong naalalang binibigay na project sa'min.

"Well, hindi naman siya for academic. Tulungan mo ko umamin sa babaeng gusto ko." Sabi niya.

Napangiti ako.

"Naks." Sabi ko at tumawa.

"Wag ka ngang tumawa dyan." Sabi niya. But he laughed anyway.

"Pero bakit ako pa? Di hamak naman na mas close ka kila Airah." Sabi ko.

"Gagaguhin lang ako ni Airah kapag sa kanya ko nagpatulong e." Sabi niya. I laughed again.

"Sige sige. Sino ba yung babaeng gusto mo?" Tanong ko.

Umupo siya sa tapat ko.

"Kilala mo siya." Sabi niya.

"Kilala ko?" Tanong ko.

"Oo. Kilalang kilala mo." Sabi niya.

"Isa ba sa dalawa 'to? Isa ba kila Eli or Airah?" Tanong ko.

"It's neither of the two." Sabi niya. Napakunot ang noo ko.

"E sino? Wala naman akong ibang ka close na babae dito sa school e." Sabi ko.

"Well, you don't have to guess. Just help me sa mga bagay na mga gusto ng mga babae. Especially your personal likings." Sabi niya.

"My likings? Baka hindi kami magkaparehas ng mga gusto." Sabi ko. Umiling siya.

"Magkaparehas lang kayo." Sabi niya.

"Well, if you say so." Sabi ko.

"So ano yung usually mong ginagawa ng lalaki sayo? Kapag gusto nila mag confess?" Tanong niya.

"Well, since bookworm ako and fan ako ng romance sa book, boys giving all their time for the girls would be great. I think that would be romantic." Sabi ko at ngumiti.

"Time? Ibuhos yung atensyon nila for the girl ganun?" Tanong niya. Tumango ako.

"I think having time for your girl is definetly the best gift you can give her everyday." Sabi ko. Tama naman ang sinabi ko e. Having time for your girl, mas matimbang yun than giving her expensive gifts.

"Hmm, so ganun pala." Sabi niya.

"Oo. Spend time with her more." Sabi ko.

"I'll do that." Sabi niya at ngumiti.

"Anooooo? May progress baaaaa?" Tanong ni Eli.

"Huh?" Tanong ko.

"May progress ba sa iny-- kqbdkqbajd." Tinakpan kasi ni Jimin yung bibig niya kaya naputol ang sasabihin niya.

"Oo, Eli. Nakakuha na ko ng mga tips galing kay Mel. Kaya may progress." Sabi ni Jimin.

"Luh." Sabi ni Airah. Tinignan siya ng masama ni Jimin kaya hindi nalang siya nagsalita.

"Ano bang meron? Ang weird niyo today." Sabi ko.

"Wala, curious lang siguro sila kung may nakuha na ba kong tips galing sayo." Sabi ni Jimin at ngumiti. I chuckled and nod.

"Binigyan ko na siya ng tips. Kaya wag na kayo mag alala. Tara na mag lunch na tayo. Konti nalang yung oras oh." Sabi ko. Napatango nalang sila at bumili na ng mga pagkain namin.

Kilala ko daw? I wonder who's the lucky girl?

Red String | Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon