22

33 1 9
                                    

Mel's POV

"Mel, favor naman. Paki sabi kay Mr. Park, may package na dumating for him. Ayaw niya kasi sumagot sa mga tawag ko e." Sabi ni Ms. Han.

Ngumiti ako.

"Ah sige, sure." Sabi ko. Pumunta na ko sa office ni Jimin.

Wala pa siya dun.

Luh, asan si gago?

Nilibot ko ang tingin ko sa office ni Jimin. May nakita kong mga papeles na kalat kalat. Napailing na lamang ako at inayos yun. Pero natigilan ako ng biglang may nakita kong isang papel.

Heralay P. Cazeña

Familiar yung pangalan.

"Si Mrs. Heralay ba ang hinahanap mo? Nako hindi ko na alam kung saan siya nakatira, iha."

Tutulungan niya nga ako? Seryoso siya dun?

"Oh, aga mo naman." Napatingin ako sa nagsalita. Si Jimin.

"Seryoso ka talaga dun sa tutulungan mo ko?" Tanong ko habang nakangiti.

"Nakita mo na ba kong nag break ng promise nun?" Tanong niya. Napangiti ako. Hindi ko alam pero napayakap nalang ako bigla sa kanya.

Bigla kong narealize yung nagawa ko kaya napabitaw ako.

"Whyyyy? Bakit ka bumitaw? Ang saya saya ko na e!" He whined.

I chuckled.

"I'll clear my schedule. May byahe tayo. Pupunta tayo sa isang province. Sabi nung private investigator ko nandun daw si Mrs. Heralay." Sabi niya.

Napangiti ako at tumango.

"What can i do to thank you?" Tanong ko.

"Like me back." Sabi niya and gave a smile.

Bumagsak ang balikat ko. Tinignan ko siya ng masama. He laughed.

"Bakit ba kasi ayaw mo? Isang Park Jimin na ang inaaya ka maging girlfriend niya tapos ayaw mo pa." Sabi niya. I chuckled.

"Taas ng confidence ah." Sabi ko. He just smiled.

"Yung confidence mataas yung height hindi." Sabi ko.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo?! Mas matangkad ako sayo!" Sabi niya. Tama naman siya.

"Pero still!" Sabi ko. We just laughed.

"Pero ano ba kasi yung ayaw mo sa'kin? Gwapo naman ako. Mayaman. Mabait. Ano pa bang hahanapin mo?" Tanong niya.

"May nakalimutan ka." Sabi ko. Napangiti siya.

"Tignan mo nga may nakalimutan pa ko. Ano?" Tanong niya.

"Mahangin." Sabi ko.

Sinamaan niya ko ng tingin.

Biglang may tumawag sa phone ko. Si Airah. Sinagot ko yun.

Pinapapunta kami sa penthouse kasi ngayon yung planning ng kasal nila ni Namjoon.

"Hoy pandak! Tara na! Pinapapunta tayo sa penthouse!" Sabi ko.

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Pag ako tumangkad, who you ka sa'kin." Sabi niya.

"Edi inamin mo ngang pandak ka." Sabi ko at tumawa. Napailing na lang siya. Bumaba na kami at pumunta na sa penthouse.

Nandun na din yung ibang mga bridesmaids and groomsman.

Humiwalay muna si Jimin sa'kin at pumunta sa mga lalaki.

"So ano nga? Hula ko puro away pa din kayo." Sabi ko kay Airah.

"Well, tama yung hula mo." Sabi ni Airah.

Napabuntong hininga nalang kami.

Yung totoo? Ikakasal ba talaga 'tong mga 'to?

"Alam niyo, hindi ba madali sa inyo na magkasundo?" Tanong ko. I mean as Airah's bestfriend, i'm worried. Jusko, isipin mo yung alam ng media lovey dovey couple kayo tapos puro away pala kayo sa totoo. Mahirap kayang mag panggap jusko.

"Well, ayos lang naman sa'kin na magkasundo kami pero hindi nangyayri e." Sabi ni Airah.

"Wait nauuhaw ako." Sabi niya pa at tumayo.

"How about you, Mel? Kayong dalawa ni Jimin? May nasagap akong balita ah!" Sabi ni Chie. I laughed.

"Dare lang naman yon e!" Sabi ko. They laughed.

"Sabi na e!" Sabi ni Eli.

Nasabi siguro nila Eli yung about sa gusto gusto thingy.

Well, hindi ko naman nireregret yun, knowing na tutulungan na talaga ako ni Jimin hanapin si Mrs. Heralay. Matatahimik na din yung sarili ko. Hindi na din ako mag ooverthink ng dahil dun sa libro na yun.

Bumalik na si Airah, umupo na yung isang babae.

Yung wedding planner i guess?

Nagsimula na yung pagplaplan ng wedding.

t i m e s k i p p e d

We end up going home early dahil nag away lang ulit si Airah at Namjoon. Palabas na sana ko ng office ni Jimin pero may humarang sa'kin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jimin.

"Uuwi na? Gabi na kaya." Sabi ko.

"Hindi pwede. Samahan mo muna ko." Sabi niya.

"Saan ba?" Iritado kong tanong.

"Sa park." Sabi niya.

"Ano naman gagawinin na'tin dun?" Tanong ko.

"Wala lang. Pupunta lang tayo dun." Sabi niya.

"Tara na nga kasi." Sabi niya at hinawakan yung kamay ko.

Eto na naman yung feeling na 'to.

Tumitibok na naman ng mabilis yung puso ko.

Jusko,

Ano ba 'to?

Baka may sakit na ko sa puso ah.

Red String | Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon