41

28 1 13
                                    

Mel's POV

Your parents are back

Yan ang mga salitang kanina pa paulit ulit sa isip ko.

Akala ko ba sa susunod pa sila babalik?

Bakit nandito na sila ngayon?

"Hey, don't be nervous." Sabi ni Jimin. Napatingin ako sa kanya. He smiled at me.

"Dito daw muna tayo mag meet sabi ng Kuya mo. Since you don't have the 'Lindsay' Style clothes with you." Sabi niya. Tumango ako.

I'm stressing out. Matagal na din simula nung huli kong kita ko sa kanila.

Huminto si Jimin sa isang gasoline station. Nakita ko yung sasakyan ni Kuya. Bumaba sila. Kasama niya sila Ate Natalie at Ate Jillian. Bumaba na din kami

"Ate, kahit kelan thirdwheel ka na naman." Sabi ni Jimin.

"Nasimulan mo lang ligawan si Mel e!" Sabi ni Ate Jillian.

"Huy! Wag na nga muna kayo magbiruan! Kinakabahan na ko dito oh! Baka patayin ako ni Mom pag uwi namin ng kapatid ko." Sabi ni Kuya.

Natawa sila.

"Mel here's a pair of clothes. Magpalit ka dun sa may CR." Sabi ni Ate Natalie at inabot ang isang paper bag sa'kin. Ngumiti ako at pumunta na sa CR nung gasoline station.

Habang nag papalit ay di ko maiwasang magisip. Okay kami ni Dad, pero paano si Mom? Does she still hates me because i liked Justin back then?

Paano pa kaya ngayon na may nanliligaw sa'kin?

Argh! 

Napatingin ako sa may pinto dahil biglang may kumatok dun.

"Hoy! Hindi ka pa din ba tapos? Ang tagal mo magbihis!" Sabi ni Kuya. Napairap ako at sinuot na ang heels na nandun sa paperbag. Lumabas na ko at nakita kong wala na dun yung kotse ni Jimin.

"Pinauna ko na sila. Nasa bahay na sila Mom." Sabi ni Kuya. Tumango ako at pumunta na kami sa kotse niya.

"Hindi mo man lang ba sinundo sila Mom?" Tanong ko.

"Hindi! Edi sana hindi na kita pinyagan pang umalis kung alam kong ngayon pala uuwi diba? Pati ako nagulat nung sinabi sa'kin ng secretary ko na nandito na sila." Sabi niya.

"Nakaamin ka na ba kay Jimin?" Tanong niya.

"Hindi ko na kaylangan umamin. Alam niya na pala ng dahil sa kadaldalan mo." Sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"Bakit? Paano niya nalaman?" Tanong niya.

"Duh! Sinabi mo kaya kay Ate Jillian!" Sabi ko.

"E hindi ko naman alam na kapatid ni Jillian si Jimin e." Sabi niya. Napailing nalang ako.

"Pero ayaw mo yun? Di mo na kaylangan sabihin sa kanya? Natulungan kaya kita." Sabi niya.

"Hays. Sige na nga, Kuya. Alam mo namang stress tayong dalawa sa nangyayari ngayon." Sabi ko. Bigla siyang tumigil sa pagdradrive. Nandito na pala kami. Napalunok ako. 

Ack! Nandito na kami! 

Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa bahay.

"Levi, Lindsay."

Napalunok ako ng tawagin ako ni Mom sa pangalang yun.

"Saan kayo galing pareho?" Tanong ni Mom.

"Kumalma ka, Sabrina." Sabi ni Dad kay Mom.

"I'm not Mad, Edward. I'm just asking them." Sabi ni Mom.

"Sinundo ko lang po si Lindsay, Mom." Sabi ni Kuya. Tumingin sa'kin si Mom.

Napalunok ako.

"Bakit wala yung mga gamit mo sa taas, Lindsay?" Tanong ni Mom.

"I-i moved out, Mom." Sabi ko.

"And why is that?" Tanong niya.

"Okay! Fine! Sabrina, kasalanan ni Levi!" Sabi ni Dad.

"Hala, Dad, bakit ako?! Mom, hindi! Si Mel yung may kasalanan!" Sabi ni Kuya.

"Nagturuan pa kayo. I'm just asking Mel on why she moved out." Sabi ni Mom.

"Mom," Tawag ko. Napatingin sila sa'kin.

"H-hindi ako kilala bilang Defuena. Kilala ako bilang Delavon. Nagpapanggap akong hindi Heiress sa harap ng madaming tao." Sabi ko.

"Ano?" Tanong ni Mom.

Nagkatinginan sila Kuya at Dad.

"U-uhm, Sab. P-panik muna ko sa taas ha--"

"No. Stay here, Edward. Pati na rin ikaw Mark Ethan Levi Defuena." Sabi ni Mom. Bumalik si Kuya sa tabi ko dahil aakyat na pala dapat siya.

"Bakit niyo tinago sa'kin 'to?" Tanong ni Mom.

"Kasi, Mom alam namin na hindi ka papayag." Sabi ni Kuya.

"Exactly. Alam niyo naman palang hindi ako papayag bakit itinuloy niyo pa?" Tanong ni Mom.

"We wanted to protect Lindsay from ambushes." Sabi ni Dad. Tumango si Mom.

"Pero you still didn't answer my first question." Sabi ni Mom. Agad kong inisip kung ano nga ba yung unang tanong niya.

"Saan kayo galing at kinaylangan ka pang sunduin ng Kuya mo?" Tanong ni Mom. Tumingin ako kay Kuya at Dad as a sign na tulungan nila ko. They just shrugged kaya napairap ako.

"Mom, i have suitor." Sabi ko. She just looked at me.

"Nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang tama at mali. Hindi kita pipigilan." Sabi niya at Ngumiti.

Tama ba yung narinig ko? Hindi niya ko pipigilan?

"Pero baka nakakalimutan mo, Lindsay. In 4 years pwede kang ikasal sa arranged fiancè mo."

Red String | Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon