13

44 2 7
                                    

Mel's POV

Nandito kami ngayon sa gate. Uwian na kasi.

"Guys, weekend na bukas. Gusto niyo pumunta sa mall?" Tanong ni Jimin.

"I'm down." Sabi ni Yoongi.

"Sure." Sabi ni Eli.

"Tara. Namiss ko na din." Sabi ko.

Napatingin kami kay Airah.

"Pagiisipan ko muna. Baka gawin niyo ulit akong fifth wheel e." Sabi ni Airah. Natawa kami.

"Why are you guys laughing? Hindi kaya yon nakakatawa!" Sabi ni Airah.

"Come on. Sumama ka na kasi. Minsan lang e." Sabi ni Eli.

"Sige, basta pag ako talaga ginawa niyong fifth wheel." Sabi ni Airah. We laughed.

"Jimin, bakit hindi mo isama yung girl? Para makilala namin siya." Sabi ko. 

"Kilala niyo na siya. Lalo na ikaw." Sabi ni Jimin.

"Teka nga, curious na talaga kasi ako. Sino ba talaga yan? Hindi si Airah, hindi din si Eli. Sino ba yan?" Tanong ko. Jimin just chuckled.

"Makilala niyo din siya soon." Sabi niya.

"Sige ah. Sabi mo yan!" Sabi ko. Ngumiti siya at tumango. Naghiwahiwalay na kami dahil nga uwian na.

Jimin's POV

Magkasama kami ni Yoongi ngayon. Pauwi na.

"Alam mo pre, hindi ka naman torpe dati, anong nangyare sayo?" Tanong ni Yoongi.

"Hindi naman talaga ko torpe e." Sabi ko.

"Hindi daw, pero hindi makaamin kay Mel." Sabi niya.

"Aamin naman ako e. Pero hindi ngayon." Sabi ko.

"Kelan? Pag wala ka ng pag asa sa kanya?" Tanong ni Yoongi.

"Ay sabagay, wala ka naman talaga pagasa sa kanya." Sabi ni Yoongi.

"Gago ka ah." Sabi ko. Tumawa lang siya.

"Bukas kasi. Aamin ako." Sabi ko.

"Siguraduhin mo lang ah," Sabi ni Yoongi.

"Oo na. Atat na atat naman kayo maging kami ni Mel." Sabi ko.

"Yun ay kung magiging kayo." Sabi ni Yoongi.

"Kanina ka pa ah!" Tumawa siya.

Huminto ako sa tapat ng bahay nila.

"Goodluck bukas, Bro. Umamin ka na ah. Hintayin namin yung magandang balita bukas." Sabi niya.

Ngumiti nalang ako at tumango. Bumaba na siya ng kotse.

I hope tomorrow goes well.

t i m e s k i p p e d

Mel's POV

Paalis na ko sa bahay. Nagaayos nalang.

"Luh, saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya.

"Mag mamall lang." Sabi ko.

"Sino kasama mo?" Tanong niya.

"Sila Jimin." Sabi ko.

He gave me a teasing stare and smile.

"Maissue ka talaga 'no?" Sabi ko. Tumawa lang siya.

"Aalis din ako." Sabi niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Kay Natalie." Sabi niya.

"Kuya, kahit kelan apaka landi mo." Sabi ko.

Natawa na lang siya at iniwan ang sala. Lumabas naman na ko. Hanggang labas ng subdivision kasi dun nalang daw ako susunduin nila Airah para hindi na magtaka sila Jimin.

Sumakay na ko sa kotse ng makita ko sila.

"Dito ka pala nakatira?" Tanong ni Jimin.

"Uhm not exactly. Dito lang ako nag pasundo para hindi na kayo mahirapan. Tsaka bakit kami magkakaroon ng bahay sa subdivision na yan, scholar ako remember?" Sabi ko. Napatango tango nalang siya.

t i m e s k i p p e d

Nandito na kami sa mall.

"Uhm, Mel. May sasabihin sayo si Jimin." Sabi ni Yoongi.

"Sige, maiwan na muna namin kayo ah." Sabi ni Eli. Umalis na silang tatlo.

"So, ano yung sasabihin mo?" Tanong ko.

"Uhm," Sabi niya.

"Gusto....." Naghintay ako ng isusunod niya.

"Gusto ki-- Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong niya.

I chuckled.

"Sure. Saan ba yan?" Tanong ko.

"Dun." Turo niya. I smiled and pumunta kami dun.

Red String | Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon