Mel's POV
Matagal ko ng gusto si Jimin?
Psh, hindi din 'no.
Or baka nga?
Aish!
Hindi ko alam kung mga kaibigan ko ba talaga yung mga yun jusko! Ginugulo nila isip ko!
Nandito ko ngayon kila Eli, pag uusapan kasi namin yung sa Bachelorette's Party.
Nandito din yung mga lalaki. Except kay Namjoon syempre, surprise nga e.
Hays, buti pa yung mga kabigan ko. They live in decent places.
Gusto ko na bumalik sa mansion.
Pero baka pag nalaman ni Jimin na nag sisinungaling ako sa kanya, baka layuan niya ko.
I-i mean baka layuan ako ng mga kaibigang namin na hindi pa alam.
May kumalabit sa'kin kaya napatingin ako.
Si Eli.
"Kanina ka pa tulala." Sabi niya. I chuckled.
"Iniisip mo na naman ba si baby loves so sweet mo?" Tanong ni Eli. I chuckled.
"Hindi 'no!" Sabi ko.
"Kamusta kayo?" Tanong niya.
"Okay lang naman kami." Sabi ko.
"Did you confess already?" Tanong niya.
Sa totoo lang gusto ko. Pero hindi pa ko sure sa mga nararamdaman ko. Baka nangyayari lang 'to kasi nababaitan ako sa kanya dahil tinutulungan niya ko.
Ngumiti ako at umiling.
"Hays, sis. Hindi kita pipilitin kasi alam ko namang hindi kita mapipilit. Pero confess while he's still there waiting for you." Sabi niya. I gave a faint smile.
Jimin's POV
Nanahimik ako sa isang tabi ako ng bigla kong lapitan ng limang gago.
"Ano kaylangan niyo sa'kin?" Tanong ko.
"Wala naman, nandito lang kami para sabihin sayong wag kang sumuko kundi ibabalibag ka namin papuntang Canada." Sabi ni Jungkook.
Napailing nalang ako.
"Hoy! Wag kang umiling iling dyan! Hindi ka susuko!" Sabi ni Seokjin.
"Sino nag desisyon?" Tanong ko.
"Kami." Sabay sabay nilang sabi.
"Guys, ilang years ko na siya pinipilit. And i guess it's time," Sabi ko.
Tumingin ako kay Mel.
Gusto ko pa sana lumaban,
Kaso baka nasasakal ka na.
"It's time for me to free her." Sabi ko.
"It's time to free the girl i never had." Sabi ko.
"Never had YET." Sabi ni Taehyung.
"Jimin, hindi ikaw yung bestfriend ko. You're not like that. Hindi ka sumusuko." Sabi ni Yoongi. I gave a faint smile.
"Maybe i just love her so much na siya lang yung nakapag pasuko sa'kin." Sabi ko.
"Exactly, Jimin," Sabi ni Jin.
"You love her so much kaya hindi ka dapat sumuko." Sabi niya pa.
"Kaya nga, bobo ka ba?!" Sabi ni Taehyung.
Bumukas yung pinto.
Sila Lotus.
"Kumpleto na tayo. Simulan na na'tin yung pag plaplan." Sabi ni Eli. Tumango kami.
"Basta, wag kang susuko." Bulong ni Hoseok.
t i m e s k i p p e d
Mel's POV
Nandito kami ngayon sa kotse. Pabalik na ng opisina. Hindi ko muna siya pinapansin kasi ayaw ko muna. Baka kung ano yung masabi ko.
"Kanina ka pa hindi nagsasalita." Sabi niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya pa.
Tumango nalang ako.
Bigla siyang huminto.
"No, you're not okay. What's up?" Tanong niya.
"I'm okay. Tara na bumalik na tayo sa opisina." Sabi ko.
"No. You can't hide anything from me. What's up? Why are you down?" Tanong niya.
Dahil sayo! Ginugulo mo yung nararamdaman ko!
"Wala nga." Sabi ko.
"Psh." Sabi niya at nagdrive na ulit.
He's annoyed. Naiinis kasi siya kapag hindi sinasabi sa kanya yung totoo.
Just wait, sasabihin ko naman sayo e. Maghintay ka lang.
t i m e s k i p p e d
Nandito na kami ngayon sa opisina. Nauna siyang lumabas at pumunta sa opisina niya.
Ang hirap naman magsinungaling dito, jusko.
Nagagalit.
Sinudan ko na siya. Pumasok kami sa office niya. Napatingin ako dun sa papel dun sa may table.
'Heralay P. Cazeña
Lives in: Elysian Village'
Napatingin ako kay Jimin.
"Why did you took me to Veracious Promise Village kung sa Elysian Village naman pala nakatira si Mrs. Heralay?" Tanong ko. He looked at me.
"Mel..." Sabi niya.
"Akala ko ba tutulungan mo ko?!" Tanong ko.
"Did you took me there because of a stupid promise na ginawa mo sa mga empleyado mo?!" Sabi ko.
I was furious. I didn't mind of the words going out of my mouth anymore.
Tangina ano yun vacation?
"Alam mo bang ng dahil dun sa librong gustong gusto ko na isoli, gulong gulo na yung mga nararamdaman ko! Akala ko tinutulungan mo ko! Tangina, laro ba 'to para sayo, Jimin?" Tanong ko.
"Kasi hindi ako nakikipagbiruan, Jimin! I'm bothered because of that fucking book! Hindi ako makatulog dahil tumatatak sa isip ko yung mga nakasulat sa libro na yun!" Sabi ko.
"Laro ba yung magmahal ka ng isang tao, Mel?" Tanong niya.
"Tangina, Mel, ang ginawa ko lang naman ay minahal ka. Pero bakit hindi mo yun kayang suklian? Minahal lang naman kita e." Sabi niya.
"Mel, kung kaya kong pigilan na mahalin ka," Sabi niya.
"Matagal ko ng pinigilan." Sabi niya at lumabas ng office.
Tumulo yung luha ko.
Bakit ang sakit ng mga salitang binitawan niya? Bakit sobrang apektado ko?
BINABASA MO ANG
Red String | Park Jimin
Fanfiction"I wouldn't let your Red String be tied to someone. Just me, Mel." Park Jimin x Reader Bangtan Bois Series #2 [ Completed ] Written by: bubbasdoll