Kabanata 2

11.3K 347 27
                                    

Kabanata 2

If I Have Nothing

Napangiti ako nang matanggap ang aking medalya sa pagkapanalo ng quiz bee. Hinigpitan ko ang hawak sa aking certificate bago humarap sa camera para magpakuha ng litrato.

The national level was held in Cebu and I represented our school. Kahit third runner up ang nakuha ay masaya na ako. I reached the national level and I don’t want to pursue the international level.

Nawawalan na ako ng time sa ibang subjects dahil parati akong nagrereview sa mga nalalapit na kompetisyon. Kahit nga ang makita sina Mommy ay minsan ko na lang nagagawa. They’ve been busy with the company. Kahit si Kuya Bo ay busy rin dahil nasa unang taon na siya ng Senior High.

Gusto ko mang maiadvance ang sarili para makagraduate agad ay hindi ko pinili. There were open opportunities kaya hindi ko iyon pinapalagpas. Kulang na lang ay salihan ko ang lahat. Natuto na rin naman ako noon. Kung noon ay ginagawa ko ang lahat para matanggap ngayon ay ginagawa ko na lang para kina Mommy at Daddy, Kay Kuya at para sa sarili ko. Sila naman yung itinuring kong pamilya at wala ng iba. Kung hindi man ako tanggap ng lahat ay mananatili lang ako sa mga taong tanggap ako nang buong-buo.

“Laman ka na naman ng school paper, Syden!” sabi sa akin ng aking guro at tinutukoy ang pagkapanalo kong sigurado namang maisusulat ulit sa school paper ng aming eskwelahan.

“Para rin naman po sa school natin Maam!” sabi ko. Tumawa ito at tinulungan ako sa mga gamit namin.

We’ll be leaving tomorrow. Ang mga natitirang oras ngayon ay aaksayahin ko sa pamamasyal sa Cebu. Unang pagkakataon kong makapunta dito at susulitin ko naman. Kapag bakasyon kasi ay inuubos ni Kuya ang pamamasyal sa bahagi ng Luzon.

Pangatlong beses ko na ito sa Visayas. Ang una ay sa Iloilo, ang pangalawa ay sa Guimaras at pangatlo ang Cebu.  Maganda naman lahat ng tanawin kahit saan namang lugar sa Pilipinas ay magaganda.

Sinabi ko kay Maam na gusto kong mamasyal sa Simala Shrine at dahil nanalo naman kami ay pumayag naman ito. Ang ibang kasamahan namin ay sumama rin. Hindi rin naman kami nagtagal doon dahil marami ang tao kaya naman sinulit ko na lang ang paglilibot at pagkuha ng iilang litrato.

Kinagabihan ay tumawag sa akin si Mommy at nangangamusta. Sinabi ko naman ang mga detalye at pinaalalahanan niya rin ako sa mga bagay-bagay.

Wala naman akong masyadong ginawa dahil inubos ko ang oras sa pag-eempake at dumagdag pa ang mga dadalhin ko dahil sa mga pinapabiling pasalubong ni Kuya.

Nakatulugan ko ang pag-eempake at tanghali nang nagising. Buti na lang at after lunch pa ang aming flight kaya nakapag-ayos pa ako ng bagahe. Tinulungan ako ni Maam sa aking mga dala at sabay na kaming bumaba sa hotel lobby. Nandoon na rin ang ibang kasama namin na Team Luzon. May ilang kino-congratulate ako dahil sa pagkapanalo kaya naman nginingitian ko na rin. Dahil sa pagsali kong ito, marami ang nakakilala sa akin.

Many people appreciated my success, nakilala ang isang Syden Amaryllis bilang isang achiever.  Pero kahit ganoon ay kulang pa rin. Pakiramdam ko ay may hinahanap-hanap akong pakiramdam sa kabila ng mga natamo kong iyon.

Lumapag ang aming eroplano bandang alas dos ng hapon. Nagtext na rin naman ako kay Kuya na sunduin ako. Hindi pa naman siya pwedeng magdrive dahil wala pang lisensya kaya naman kailangang kasama ang driver namin. Naghintay ako sa passenger’s area habang si Maam ay nauna na sa aking umalis. Nakapagpaalam naman akong susunduin ng aking kapatid kaya okay lang.

Nang mamataan ko ang pamilyar na kotse ay agad akong tumayo at tinipon ang aking mga dala. Huminto sa tapat ang aming sasakyan at bumaba si Kuya mula sa driver’s seat. Nanlaki ang mga mata ko dahil ngising-ngisi pa siya habang naglalakad papunta sa akin.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon